Chapter 18

87 1 0
                                    

Ilang minuto akong napatitig sa kaniya. Some scenario popped up in mind. Pumasok din sa isip ko ang una naming tinginan ni Professor Reyel. I remember how my heart beat abnormally because of his hot stares.

“Ang aga niyo yata?” Mabilis kaming napaiwas nang tingin sa isa't-isa.

Tahimik akong nagpapasalamat sa pagsingit ni Kyra sa amin. Dahil kung hindi pa siya sumingit ay baka tuluyan na akong mabaliw, kakaisip sa magulong tanong ni Alfred.

I coughed fakely. “The view is nice kaya nanood ako nang sunset. Then, I saw him kaya kinausap ko siya tungkol sa rent ng van,” alibi ko at kumindat kay Alfred, hudyat na sakyan na lamang niya ang dahilan ko.

Sa mukha kasi ni Kyra na nakataas ang kilay. Malamang, nagseselos o hindi kaya ay galit na naman siya.

Kyra rolled her eyes. “K,” tipid niyang saad at nag-walk out.

Nakita ko ang marahan na pagtitig ni Alfred sa likod ni Kyra habang papalayo ito. “Seems like you didn't tame her yet,” mapang-asar kong sabi at ngumisi.

He scoffed. “Yeah. Well, I believe I can tame her,” she smirked. “Kung hindi madala sa santong dasalan. Dadaanin ko na lang sa santong…” Mabilis ko siyang sinamaan ng tingin “panliligaw,” palusot niya.

Muli akong bumalik sa paglalakad. “Try a new way how to tame her, Alfred. Hindi lahat ng babae madadala sa santong paspasan. If you really like her, then, put some efforts. Hindi nakukuha ang babae sa isang iglap lang,” payo ko at tuluyan na siyang iniwan.

Pagbalik ko sa hotel ay nakasalubong ko ang ilang kaklase ko na naka-two piece na. Umagang-umaga pa pero handa na ang mga ito. Pagpasok ko sa silid ay nakahinga ako nang maluwag dahil wala si Professor Reyel. Nagbihis na rin ako ng short at sando. Bumaba ako nang pasado alas seis na. Malayo pa lang ako pero kita ko na  ang iba kong kaklase na nakahiga na sa tela na nakalatag sa buhangin. Para pang mga-tourist dahil naka-shades at kadalasan sa kanila ay naka-two piece.

“Jenny, over here!” Mabilis na napaikot ang mata ko dahil sa malakas na pagtawag sa akin ni Vere. Kumaway-kaway pa dahilan para makaagaw kami ng atensyon.

Nasa isang table siya kung saan may puno ng mangga na nagsisilbing payong para walang init. Sa tabi naman ng table ay ang kubo kung saan nakatambay ang ilang kaklase ko.

Hindi ko talaga alam kung paano ko siya naging kaibigan dahil masyado kaming opposite. She loves attention while I'm not. Jolly siya at ako ay masungit kuno.

“I saw you. You rolled your eyes at me earlier,” bungad ko sa kaniya pagdating ko sa tabi niya.

I glance at her outfit. Napangiwi ako nang makitang naka-two piece rin siya. Hindi naman pangit tinginan ngunit parang nanayo ang balahibo ko.

Hindi ba sila giniginaw sa suot nila?

Imbes na sagutin siya ay umupo ako sa foldable chair.

“Ay ganoon? Hindi ako kinausap? Makaalis na nga. Baka may matiris pa ako,” pagpaparinig naman niya na hindi ko pinansin.

When I felt that she walked away ay agad kong iginala ang mata ko. I let the fresh air touched my skin. Nagre-rebelde pa ang buhok ko pero agad ko itong hinawakan.

May tubig na nakapatong kaya agad ko itong binuksan at nilagok nang nakaramdam ako nang uhaw. Ilang sandali pa ay may nararamdaman akong presensya sa likod ko.

“Ano na namang gusto mo, Vere? Kung nagbago na naman ng isip mo at gusto mo akong inisin, huwag mo nang ituloy,” masungit na saad ko.

Nang maramdaman kong lumapit pa rin siya ay nagsalita ulit ako. “Go away.”

“Professor Reyel?” Natameme ako.

Nang magtapo ang mata namin ay siya ang una ang umiwas ng tingin. “Aalis agad ako, Jenny. Kukunin ko lang ang tubig ko.”

Maslalo akong natameme nang kinuha niya mula sa kinauupuan ko ang bottled water kung saan ako uminom.

“That’s yours?" Napalunok ako.

He nodded. Confusion is evident on his face. “Oo. Bakit?”

Mabilis akong umiling.

Half na ang laman ng bottle kanina kaya malamang siya ang uminom ng tubig!

What the! Did we just kissed indirectly?










His Stares: Professor Reyel Bagy Donde viven las historias. Descúbrelo ahora