Chapter 9

101 2 0
                                    

Walang pumasok sa utak ko buong araw kundi ang kung paano ko iwasan ang taong hindi naman alam ang tunay kong dahilan.

Pagkarating ko sa bahay ay bukas na ang pinto. Nandoon na rin ang kotse ni Jolo. Tiningnan ko ang selpon ko ngunit ni isang text at tawag mula sa kaniya ay wala kaya nagtaka. Kunot noo akong pumasok. Maslalo pang sumama ang ekspresyon ko nang makita ang nagkalat na laruan. Dumako ang tingin ko sa batang tahimik na naglalaro ng puzzle. Nang tumingin ito sa akin at ngitian ako ay agad na natunaw ang puso ko. He's cute. Matangos ang ilong at may pagka-kulot ang buhok.

“Hi, baby. Where's your mommy?” tanong ko. Mabilis akong lumapit sa kaniya at nilaro-laro ang kamay niya.

Ito na siguro ang sinabi ni Jolo na magre-rent sa itaas.

His eyes looks familiar. Hindi ko nga lang alam kung saan ko ‘yon nakita.

“My, My," he babbled. Napangiti ako nang he was try to reach my hand kaya inilapit ko ito sa kanya.

“Ang cute-cute mo,” nanggigil na saad ko at mahinang pinsil ang pisngi niya.

Buti na lamang at hindi ito umiyak.

“Justin, time for milk na!” Mabilis akong napalingon kung saan nanggaling ang sigaw.

I saw a two person approaching in my place. Nakangiti ang mga ito. Agad na napawi ang ngiti ni Jolo nang makita niya ako. Dahilan para tumaas ang kilay ko.

“Hi, love. Nandito ka na pala,” ani niya at mabilis na lumapit sa akin.

He was about to kiss me ngunit umiwas ako. “May bata,” pagdadahilan ko.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko ngunit agad ko itong tinanggal. Bagay na ikinatingin sa amin ng babae.

“Siya ba ang tinutukoy mo na magre-rent sa itaas?” tanong ko. Malalim kong tiningnan ang babae. Sa inosete niyang mukha ay halata mong may tinatago itong ahas sa likod.

“Yep. Kasama niya ang baby niya rito,” magiliw na puna ni Jolod. Bagay na ikinataas ng kilay ko.

Kailan pa siya mahilig sa bata? Akala ko nasa anim above na ang tinutukoy niyang bata pero ano ‘to? Parang wala pa ngang apat na taon ang bata.

Nang tumingin sa akin ang bata at ngumiti ay agad na lumambot ang puso ko.

“Okay. Magbibihis lang ako.” Pasalamat sila cute ang bata kundi baka kanina ko pa sila pinalabas.

I didn't wait for Jolo to answer me. Dire-diretso lang ako sa paglalakad at hindi na dinapuan pa ng tingin ang babae.

Ramdam ko ang pagsunod sa akin ni Jolo ngunit hindi ko ito pinansin. Nang makapasok ako sa kwarto ay pumasok rin ito at sinirado ang pinto.

“What was that, love?” Pagalit na tanong niya.

“Ang alin?” tanong ko na parang walang kamuwang-muwang sa nangyayari.

Lumingon ako sa kanya pagkatapos kong ilapag sa upuan ang bag ko.

Nakakuyom na ang kamao nito. “You’re disrespecting our renter!”

Mabilis na tumibok ang puso ko. Hindi dahil sa kilig at tuwa kundi dahil sa gulat.

Really? He shouted at me just because of what I did earlier?

This is the first time sinigawan niya ako ng ganito.

“I did? Anong gusto mong gawin ko? Hug her and make a welcome home party?” I sarcastically said.

He frustratedly brush his hair using his hand. “Hindi naman. Ang sa akin lang, rumespeto ka. She's our renter for god sake!”

“Edi sorry,” labas sa ilong na saad ko.

He sighs. “Okay lang. Just don't do that next time.”

I raised my brows when turned his back on me.

Really? So inamin niya talagang kasalanan ko ang lahat? What a jerk! Hindi niya man lang napansin na labas sa ilong ko ang pag-sorry!

Pagkatapos kong magbihis ay agad akong lumabas. Maghahanda na sana ako ng hapunan pero pagdating ko sa hapag ay handa na ang lahat.

Mapakla akong ngumiti. Sa posisyon ngayon ay parang ako pa ang mangungupahan.

Nakaupo na sila habang ang bata ay nasa pagitan nilang dalawa. Napadako ako sa isang bakante na upuan. Nasa harapan nila ito. Sa kaloob-looban ay gusto kong magwala. Kung wala lang sigurong bata at wala rin si Jolo ay baka kanina ko pa ginawa.

“Nandito ka na pala, love. Kumain na tayo. Sorry hindi na kita natawag kasi ayaw magpaiwan ni Justin.” Nabaling ang tingin ko kay Jolo na ngayon ay parang walang plano na umusog at tabihan ako.

So what kung ayaw magpaiwan ng bata? Is that his responsibility?

“Hi po. Kumain na po tayo.” Naagaw ang atensiyon ko sa pag-aya sa akin ng babae.

Nakangiti ito ngunit halatang plastic.

I have a small smile plastered on my face. “Yeah, sure.”

Buti na lamang at bumaba ako dahil wala pala kayong plano na ayain ako!

Walang imik akong kumain. Panay tingin lang ako sa kanilang dalawa habang sinusubuan ang bata.

“Baby, open your mouth,” utos ni Jolo sa bata na agad naman nitong sinunod.

Tila may bumara sa lalamunan ko. Hindi man lang niya napansin na hindi ako komportable sa ginagawa niya.

Para naman akong kabit dahil sa sitwasyon namin. Para akong nasa date na ako ang third wheel.

Walang gana akong tumayo. “Una na ako sa kwarto, love.” Paalam ko sa kanya pero tila isa itong bingi dahil hindi man lang niya ako pinansin. Ni simpleng lingon ay wala rin.

Pagdating ko sa kwarto ay agad akong humiga. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Kinabukasan ay sobrang bigat nang pakiramdam ko. Tila lahat ng sakit na naramdaman ko kahapon ay nadagdagan.

Sino nga naman ang hindi masasaktan kung bubungad sa'yo ang boyfriend mo na parang walang plano na magtrabaho dahil hindi pa ito nakabahis at nilalaro pa ang bata.

Hindi naman sa ayokong makigpalaro siya sa bata. Ang akin lang ay bakit hindi pa siya naghanda kung alam naman niyang may trabaho pa siya.

“Hindi ka papasok ngayon, love?” tanong ko nang madaanan ko siya papuntang kusina.

I heard him giggled. “Hindi muna, love. Babantayan ko si Justin dahil may pupuntahan si Shyna.”

Mabilis akong napahinto.

Did I just heard it right? A-absent siya sa trabaho para bantayan ang bata na hindi naman niya ka ano-ano?












His Stares: Professor Reyel Bagy Where stories live. Discover now