Chapter 15

96 1 0
                                    

Napalunok ako at patago na bumuga ng hangin nang hindi ito umimik. Nang tumingin ako sa gawi niya ay nakatingin na siya sa labas ng bintana. Sa sobrang lalim nang iniisip niya ay hindi man lang niya napansin ang tigtig ko sa kanya.

Napailing ako. I shouldn't be guilty right? Sinabihan ko naman na wala siyang chance sa akin dahil may boyfriend na ako kaya hindi ko na kasalanan kung umaasa siya. Diba?

Matapos ang mahabang byahe ay agad na rin kaming nakarating. Excited na bumaba ang lahat. May ilan na kumukha ng picture at ang ilan naman ay tahimik lang na nagmamasid, kagay ni Professor Reyel na ngayon ay nakatitig lang sa matuwid na daan kung saan dumaan ang eroplano kanina para mag-landing.

"Bakit parang katulad din ako ng daan na 'yan? Matuwid naman pero dinadaanan lang." Parang-broken na saad niya.

Agad naman akong napasimangot. Sa masungit niyang mukha ay hindi bagay sa kanya ang pagiging madrama.

"Oy! May pahugot si sir!"

"Broken ka ba, Sir? Yagats tayo later, sir?!"

"May iba pang mas-better diyan, Sir. Tingin-tingin din sa kaliwa."

Imbes na sa nagsalita dadapo ang tingin niya ay sa akin ito dumapo. Awtomatiko namang umiwas ako ng tingin.

"Nasa kaliwa nga pero hindi pa rin ako gusto." Lumakas ang hiyawan dahil sa naging puna niya.

Namula si Vere, kasalukuyang tinatakpan ang mukha gamit ang palad.

Agad naman akong lumayo at pumunta sa gawi ng van kung saan nakatayo si Kyra habang kinakausap ang driver. Ayoko ng umepal pa sa kantyawan nila dahil pagod ako sa byahe. Ni ilang segundo ay hindi man lang ako nakatulog sa eroplano dahil hindi ako mapakali.

Malayo pa lang ay parang nag sasagutan ang dalawa. Walang naka pansin sa kanila dahil busy ang mga ito sa pangangantiyaw kay Professor Reyel.

"Is everything okay here?" Singit ko sa kanila nang makalapit ako sa kanilang dalawa.

I notice something strange when both of them looked away. Naunang dumapo ang tingin ko kay Kyra na madiin ang pagkakahawak sa maleta niya. Paglingon ko naman sa driver ay napakunot ang noo ko dahil parang may namumuo na luha sa mata niya. Namula pa ito na parang malapit ng iiyak.

Pilit na ngumiti sa akin ang lalaki. "Okay lang po, Ma'am."

I saw in my peripheral vision how Kyra snorted kaya napataas ang kilay ko sa kanya. "Any problem?"

Mabilis siyang umiling. "Wala naman. I'm just wondering kung bakit maraming sinungaling sa mundo," sagot niya sabay bukas sa liko ng van at maingay ni nilagay ang maleta niya.

Kumunot ang noo ko dahil sa inakto niya. "Wait... Do you know each other?" tanong ko sa kanila at pabalik-balik ang tingin.

The guy snorted at tila naghihintay sa sagot ni Kyra. Si Kyra naman ay umirap lang at padabog na pumasok sa loob at pabagsak na sinirado ang pinto.

Nagdududa akong tumingin sa lalaki. Sa kanyang physical features ay hindi halatang driver siya. Matangos ang ilong, maputi, tsokolate ang mata, at medyo may pagkakulot ang buhok. Para siyang may-ari ng rancho na mahilig mangabayo dahil sa pormahan niya. Bakat pa ang dibdib dahil sa fit niyang damit.

"I know you know each other. Kung ano man ang pinag-aawayan niyo ay sana maayos niyo iyan. Don't worry, hindi ko ipagkalat na magkakilala kayo. Sa tindi nang galit niya sayo ay mukhang boyfriend ka niya. Am I right?" mausisa kong tanong.

Marahan siyang tumango. "Yes, Ma'am. I'll make it up to her kapag hindi na po mainit ang ulo niya. Mahirap kasi kausapin kapag medyo mainit ang ulo."

Napatawa ako tumango-tango. "Yeah. Good luck with that."

Napakamot siya sa batok niya. "Thank you, Ma'am. I'm Alfred by the way, Kyra's boyfriend," proud niyang saad.

He extended his hand. Bago ko pa ito matanggap ay may nauna nang tumanggap. "Hi. I'm Reyel Bagy. Jenny's professor."

Nakita ko kung paano tingnan nang masama ni Professor Reyel si Alfred. Ang walang kamuwang-muwang na Alfred naman ay napatango lang pagkatapos ay napakamot sa batok.

Mabilis akong tumalikod sa kanila. Labas na ako sa gulo kapag magkagulo sila. Mabilis akong umupo sa passenger seat. Rinig ko pa ang pagtawag ni Professor Reyel sa mga kaklase ko bago masara ang pinto.

Tumingin ako sa salamin ng sasakyan para sana tiningnan kong okay lang ba ang hitsura ko ngunit napatigil ako dahil sa kakaibang tingin sa akin ni Kyra.

Hindi naman ako manhid para hindi maisip na nagseselos siya. Nagkibitbalikat na lamang ako. Maya-maya ay maingay na pumasok ang mga kaklase ko.

"Hala! Nandito na pala kayo?"

"Ang kj niyo talaga! Hindi niyo man lang kami hinintay!"

"Oy, nagsama ang dalawang matataray!"

Mabilis akong napaikot nang tingin. Gano'n din si Kyra.

"Excuse me, Ma'am. May isa pa pong van sa likod. If hindi na po kasya, doon na lang po ang iba." Awtomatikong napabaling ang tingin nang ilan kay Alfredo except kay Kyra na nakanguso na naman.

"Oh? Ikaw ba magda-drive sa kabilang van? Kasi kung ikaw, doon na lang ako," malanding tanong ni Bernadette, isa sa makulit at playgirl na kaklase ko.

Nauna nang bumaba si Bernadette kasunod ang ilan kong kaklase na naiinitan na rin.

Pasimple akong timingin kay Kyra. Nang makita niyang nakita ko siyang umirap ay agad itong umiwas nang tingin.

Alfred rubbed his back shyly. "Hindi, Ma'am. May ibang driver pong naka-assign doon."

"Ha? Pwede bang doon ka sa isang van para hindi kami ma-boring? Feel ko kasi... mabagal mag-drive ang driver ng isang van."

Napaikot ako nang mata dahil sa paglalandi ni Bernadette kay Alfredo. Hindi man lang niya napansin na iniwan na siya nang iba naming kaklase dahil sa kalandian niya.

Nang akmang magsasalita ulit si Bernadette ay agad na akong sumingit dahil konting tulak na lang ay parang mapupuno na si Kyra.

"Shut up now, Bernadette. Pumasok ka na sa van para makaalis na tayo," irita kong puna. Kita ko ang bahagyang pagtingin sa akin ni Kyra na parang nagpasalamat pero agad ding umiwas na parang nahihiya.

Napatingin naman si Bernadette sa paligid. Nang mapagtanto niyang siya na ngang mag-isa ang nakatayo ay agad itong napanguso. "Sungit naman nito! Diyan na nga kayo!" Nagpapadyak siyang umalis.

Nakahinga ako nang maluwag. Naunang umandar ang isang van at sinundan naman ito ni Alfredo. Tahimik ang lahat. Ni isa ay walang nagbalak na magsalita. Tumingin ako sa likod gamit ang salamin para tingnan ang ibang kaklase ko ngunit dumapo ito kay Professor Reyel na nakatingin sa akin sa salamin. Ang kilay niya ay nakataas at nakasandal pa ang ulo habang pinaglandas ang kamay. Katabi niya ang kaklase ko na tahimik na nakaupo habang nakapikit.

Bago pa ako masunog sa tingin niya ay ako na ang umiwas nang tingin. Tumingin ako nang diretso sa daan at binalewala ang nakakapaso niyang tingin.

"Do you want some music, Jenny?" Napabaling ang tingin ko kay Alfred dahil sa tanong niya.

Tumingin muna ko kay Kyra kung ano ang naging expression niya ngunit nakapikit na ito. Halatang natutulog dahil sa maamo niyang mukha.

I smirked. "Buti na lang tulog si Kyra. Kapag nakita niya 'yon baka sabunutan pa ako," mahina kong saad, sakto lang para marinig niya.

Mahina siyang tumawa at tumingin kay Kyra gamit ang salamin. "Ang ganda niya," puna niya pagkatapos sumulyap kay Kyra.

I nodded as a response.

"Ka ano-ano mo siya?" tanong bigla ni Alfredo na nagpataka sa akin.

My forehead creased. "Sino?"

"Ang lalaking kanina pa nakatingin sa atin nang masama. Na parang gusto akong paglamayan nang wala sa oras."

Sa sandaling ito... alam ko na agad kung sino ang tinutukoy niya.

"Professor Reyel?"






























His Stares: Professor Reyel Bagy Where stories live. Discover now