Chapter 26

103 1 0
                                    

Tahimik kong tinahak ang daan papunta sa hotel. Nang makarinig ako nang kaluskos ay agad akong napatigil at tumitig sa isang pigura na kanina pa nakasunod sa akin. Nagtatago ito pero agad ding lumabas.

“Ang tapang mo talaga, Jenny” Si Vere na naiiling pa habang humahakbang palapit sa puwesto ko. Nakangisi siya nang malademonyo.

Kung alam mo lang, Vere. Kung alam mo lang.

Napaatras ako. Natatakot ako ngunit hindi ko pinapahalata.

I straightened my back. “What do you want?”

“Him. I want him!” she shouted. Her hand formed into fist.

I crossed my arms and composed myself. “Then, go get him.”

“You!” Akmang sasampalin niya sana ako ngunit agad akong umilag. Ang kamay niya ay nasa ere.

Umatras ako. “Is that your true color? Ghad, I thought you're just a bitch.” Napailing ako at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. “Pathetic bitch pala.”

I didn't mean to be mean. Pero dahil sa inakto niya ay kumulo ang dugo ko.

Her expression changed. Umayos siya nang tayo ay pinaglandas ang braso. “Oh! Nahiya naman ako sa’yo, Jenny. At least ako hindi pinagsabay ang dalawa. I’m flirting because I'm free. What about you? Iba sa umaga, iba sa gabi. What a man whor-”

Before she could finish everything ay agad nang lumagapak ang kamay ko sa makapal niyang mukha. Sa kapal, pati kamay ko namula.

“Ops! My hand just slipped. Masakit ba? Sorry ha, kahit kasi ipangalandakan mo sa akin ang pagiging inggitera mo hindi mo ako matatablan. Alam mo kung bakit? Kasi lahat ng salita na lumalabas sa bibig mo, nasa sa’yo tumama,” puno nang sarkaskamong saad ko.

Parang puputol na ang botse niya dahil sa inis. Ang mukha niya ay namumula niya, epekto sa sampal.

Kumuha ako nang piso. “Here. Bili ka nang kausap mo.”

After I put the coin on her shoulder ay tumalikod na ako. Nakailang hakbang pa lang ako ay nagsalita na naman siya.

“Hindi ka ba nakokonsensya kapag mawawalan siya nang trabaho dahil sayo? You have a boyfriend yet you link yourself to him.”

I breathe heavily. Gigil akong lumingon sa kaniya. “Ano bang pake mo, Vere? Just like what you said, I have a boyfriend. Mahal ko siya! Kaya kung gusto mo si Professor Reyel, then, go! Huwag mo akong abalahin!”

“Did you hear that, Sir? She doesn't love nor like you. May boyfriend siya at iyon ang mahal niya. Sabi ko naman sayo i. Ako na lang kasi.” A playful smile plastered on Vere’s face.

Nanlaki ang mata ko. My knees were weak. My heart beat fast in fear.

Napalingon ako sa likod ko. There, Professor Reyel standing while his hand formed into fist. Blanko ang ekspresyon niya habang nakatingin sa akin.

“Stop that, Vere. Even if I’ll stop chasing her. Hindi rin ako papatol sa’yo. I'd rather focus on something more worth it.” While he said that, he was looking directly at me.

Ang mata niya ay hindi ko mabasa.

Professor Reyel turned his back at me. Habang naglalakad ito paalis ay wala akong ibang magawa kundi tumitig sa likod niya. Hindi ako makagalaw. Tila nabuhusan ako nang malamig na tubig at na-paralyzed.

“Reyel!” Nabalik ako sa reyalidad nang banggain ni Vere ang balikat ko at sumunod kay Professor Reyel.

I'm tired. Tired of everything. Dahil gusto ko nang magpahinga ay tinahak ko ang daan papunta sa room kahit na alam kong nandoon si Professor Reyel.

Pagpasok ko ay naabutan ko siyang nag empake. Nang magtama ang paningin namin ay ako ang unang umiwas nang tingin. Tila may kung ano na nakabara sa lalamunan ko dahilan para hindi ako makapagsalita. Imbes na pumasok sa sarili kong kwarto ay napaupo na lang ako sa sofa. At pasulyap-sulyap na tumingin sa kaniya.

“Aalis ka?” tanong ko habang kagat-kagat ang labi.

My heart is aching. And I don't know why.

He hummed and nod. Tila piniga ang puso ko dahil sa inakto niya. He didn't even look at me. Hindi rin nagsalita. That means, he's mad. Or he's in pain.

“Gabi na. Saan ka pupunta?” I asked. Not out of curiosity but out of concern.

Tahimik kong pinaglalaruan ang kamay ko.

He closed his baggage at tumayo. “May seminar kami sa America. Mamaya na ang flight ko kaya naghanda ako.”

Napakagat ako nang labi at napalunok. “Hanggang kailan ka doon?”

I saw him look at me kaya mabilis akong umiwas nang tingin. Ilang sandali pa ay pinutol niya rin ang tingin kaya ako naman ang nakatingin sa kaniya. Nilagay ko ang paa sa sofa.

“One month,” he plainly said.

Napanganga ako.

One month? May seminar ba na ganoon ka tagal?

Hindi ko magawang magsalita. Tila nakalunok ako nang pako.

Bibit ang bagahe ay nilagay niya ito sa tabi ng sofa at saka umupo sa upuan, kaharap nang pwesto ko.

Tumitig siya sa akin kaya umiwas ako nang tingin. “So goodbye? I guess this is for good.”

Nilagay ko ang isa kong braso sa tuhod at saka pinatong ang mukha ko.

“Y-yeah.” I was hesitant. I don't know why. Para akong bata na nilalaro ang paa ko, which is not my habit.

He looked at me with something watery in his eyes. “Can I hug you? For the last time?”

Dahan-dahan akong napatango. Mabilis ang ginawa niyang pagyakap. Her hot palm touched my back. Gaya nang ginawa niya ay niyakap ko rin siya pabalik.

Gusto kong maiyak ngunit pinigilan ko lang ang sarili ko. 

Nang kumalas siya sa yakap ay agad siyang tumayo at hinawakan ang maleta niya. “Good bye, Jenny. Don't worry, sa pagbalik ko… hindi na kita kukulitin. I love you and goodbye… for good.”

The moment he turned his back at me. That's the moment I shed all the tears na kanina ko pa pinigilan.





















His Stares: Professor Reyel Bagy Where stories live. Discover now