Chapter 11

96 1 0
                                    

Nang mag-uwian ay mabilis kong tinahak ang daan pauwi ng bahay. Pagkarating ko ay tahimik at sirado. Pagpasok ko ay siya ring paglabas ni Jolo mula aa kwarto. Sinalubong ako ng ngiti.

“Hi, love. How's your day?" Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa ibinungad niya sa akin.

It's been four days since hindi niya ako tinanong ng ganito at ngayon lang ulit. Tila nawala naman ang pagod ko.

I gave him a peck. “Okay lang, love. Ikaw? Kamusta ka rito? Where's Justin?”

Lumingon pa ako para hanapin kung saan si Justin.  Tila lahat ng galit ko kanina ay napalitan ng saya.

He chuckle. “Nakatulog na. Come here. Maupo muna tayo. I know you're tired, love."

Napahiyaw ako nang bigla niya akong binuhat papunta sa kwarto at saka pinahiga. Tawa lang ito nang tawa kaya napangiti ako.

I miss this. I miss his soft laughter and his calmness.

Sumandal ako sa headboard at ganoon din siya. Niyakap niya ako nang patagilid.

“Love," pagtawag pansin ko sa kaniya.

He hum at marahan na hinaplos ang buhok ko.

“Kailan mo ako ipakilala sa parents mo?" That's the question na matagal ko nang gustong itanong sa kaniya.

Anim na taon na kami pero ni minsan ay hindi niya ako inaya na makipag-dinner kasama ang pamilya niya. Open naman siya sa side ko pero sa side niya ay ni isa ay wala akong kilala na kapatid o mga pinsan man lang.

“Soon, love. Soon.” makabuluhan niyang saad.

Tumango na lamang ako. I don't want to ruin the good vibe that we have right now.

“I'm sorry, love. I'm sorry for shouting at you last time. I know galit ka sa akin. Kahit hindi mo aminin ay ramdam ko ‘yon. And I'm so stupid dahil ginawa ko iyon. I'm sorry, love," he sincerely said.

Marahan akong napangiti. “It's okay, love.”

Deserve rin naman niyang patawarin dahil sa sinseredad niyang pinapakita.

Lumipas ang ilang mga araw. Things went well. Okay na rin ang pakikitungo ko sa kanila. Sa ilang araw na pagsasama sa iisang bubong ay unti-unting nagbago ang pagtingin ko kay Shayna. Siya pala iyong tipo na tahimik at mahiyain. Napag-alaman ko rin na single mother pala siya dahil iniwan daw siya ng lalaking nakabuntis sa kanya.

Ngayon, masasabi ko na ang gago ng lalaking iniwan siya sa ere. Kung gusto pa lang ng lalaki ng tikiman edi sana hindi na lang niya ito binuntis para hindi siya maghirap ng husto.

“Bye, Justin. Kiss Tita Jenny first!” Magiliw kong saad habang binubuhat ito.

Imbes na siya ang humalik ay nauna ko nang tinadtad ng halik ang pisngi niya.

Kung pwede ko lang kagatin ay kanina ko pa ginawa. Ang comfy kasi ng cheeks niya!

Tumawa naman si Shayna habang magiliw kaming tinitingnan. Sinayaw-sayaw ko pa si Justin bago tuluyang inabot sa kanya.

“Bye, baby. Aalis na si tita.” Nag-wave ako ng kamay.

Justin can't speak very well. Sa ngayon, tinuturuan ko pa siya how to pronounce sa nga basi words.

“Alis na ako, Shayna. Ingat kayo rito.” Paalam ko sa kaniya at ngumiti rin ito pabalik.

“Ingat ka rin,” pahabol na sigaw niya.

Nakipagsiksikan na naman ako sa jeep. Wala si Jolo dahil nauna na raw itong umalis dahil may emergency meeting daw sila. Hindi naman ako nag reklamo dahil maaga pa rin naman.

Pagkarating ko sa tapat ng room ay mabilis ko itong binuksan. Medyo nagulat pa ako nang bumungad sa akin ang tahimik kong kaklase na nilalakihan pa ako ng mata. Si Vere naman ay sinenyasan ako gamit ang kanyang bibig na tumingin daw sa kaliwa at gano'on nga ang ginawa ko.

“You’re late, Ms. Cevu.” Isang mainit na boses ang bumungad sa akin.

Ang dalawa niyang kamay ay nakalagay sa bulsa ng slacks niya at binasa pa ang labi.

“Bakit… Bakit ka nandito?” May pagkagulat na tanong ko.

Napasinghap naman ang ilang kong kaklase dahil sa naging tanong ko. Sa gilid ng mata ko ay kita ko naman ang pagkagat ng labi ni Vere at nataranta pa.

Lumakad siya papalapit sa akin. Palapit nang palapit hanggang sa isang pagitan na lamang ang distansya namin.

“I told you, I like you. And I'm here to court you,” bulong niya na nagpatayo ng balahibo ko.

Nawalan ako nang lakas. Ang tuhod ko ay nanlalambot. Inaasahan ko na sa malamig ako mapapaupo ngunit isang mainit na palad ang lumapat sa likod.

“Careful. Papakasalan pa kita.” With that, maslalong nanlambot ang tuhod ko.

Akala ko tuluyan na akong mapaupo sa sahig ngunit mabilis niyang hinawakan ang bewang ko at binuhat ako na parang bagong kasal.

Napasinghap at napanganga ang ilan. Tila hindi makapaniwala sa kanilang nakita. Si Vere ay hysterical namang lumapit tumayo habang inaalalayan ako sa pag-upo.

“What happened to you? Bakit ang putla mo? Tinakot ka ba niya? Bina-blockmail ka ba?” tarantang bulong ni Vere nang malayo na sa amin si Professor Reyel.

Kung alam mo lang, Vere… Sobra pa sa pananakot at blackmail ang ginawa niya.

Iyong tipong kapag nahuli ka niya… Hindi ka na makakawala pa….








































His Stares: Professor Reyel Bagy Where stories live. Discover now