Chapter 19

87 1 0
                                    

Mabilis akong tumayo. Akmang lalakad na paalis bago niya pa matanong kung bakit konti na lang ang lamang ng tubig niya nang bigla siyang nagsalita.

“I thought we agreed about this, Jenny? Please, Jenny. Give this days for me. Just 5 days. Kapag wala talaga at ayaw mo na… ako na ang kusang lalayo sa ‘yo," halos bulong na pakiusap niya.

Napakagat ako ng labi. Napatingala ako sa langit para maiwasan ang pag-iyak.

I shouldn't be carried away! Hindi naman ako ganito noon… bakit ngayon, dalang-dala na ako sa emosyon ko?

“I will try, Sir. Just don't be too close to me, baka mahalata nila tayo.” Lumingon ako sa kaniya at binigyan siya nang pilit na ngiti.

Just five days, Jenny! Five days for him and you'll be free! This won't be easy but it'll be worth it!

He smiled. “Sit on the chair. Please.”

Sinunod ko ang ginawa niya. Tahimik ako na umupo at diretso lang ang tingin. Naramdaman kong kumuha rin siya ng isa pang foldable chair at tumabi sa akin. He put his bottled water on the armrest.

“What do you like?” tanong niya, pambasag sa katahimikan.

Kumunot ang noo ko. “Gusto saan? Be specific, Sir.”

“Stop calling me Sir, Jenny.” His voice is dangerous. Mababa ngunit madiin.

Agad akong napalunok. “What should I call you then?”

“Baby. Call me baby.”

Mabilis akong tumingin sa kaniya para tingnan kung nagbibiro lang ba siya. Umiwas na agad ako nang tingin dahil sa malalim at nakakapaso niyang tingin. Kahit daplis lang na tingin ay halata mong seryoso siya.

“Are you serious?” I even laughed forcely.

He nodded. “This is my day right?”

“Yeah. But it doesn't mean that you'll going to be my boyfriend." Mabilis akong umiwas ng tingin.

“I know. Ayaw lang kitang mahirapan kakatawag sa akin nang Professor Reyel kaya baby na lang.” He looked at the sea where the waves is crushing in our direction.

My brows raised. Those lines are a little bit familiar to me.

“Did you just get that line on Facebook?” taas kilay na tanong ko.

His face reddened. Kahit hindi pa siya sumagot ay alam ko na agad ang sagot.

“Infairness, hindi halata sa masungit mong mukha na mahilig ka sa cheesy lines. Facebook nga lang ang source,”  mapang-asar na dagdag ko.

“Sayo lang,” namumula niyang saad sabay lingon sa akin.

Sa pagkakataong ito ay ako naman ang napaiwas ang tingin.

“Nag-breakfast ka na?” nonsense na tanong ko para lang makaiwas sa banat niya.

He nodded. “Not yet. Do you want to have breakfast with me?” pag-aaya niya.

Aayaw sana ako ngunit nakaramdam ako nang gutom. “Sure.”

Nauna akong tumayo kasunod siya. Nakailang hakbang pa lang kami ngunit may tumawag na sa kaniya.

“Sir, picture tayo!” mabilis na sigaw ng isang kaklase ko sabay takbo papunta sa gawi namin.

Mabilis akong lumayo kay Professor Reyel.

“Sir, p-picture tayo,"  saad nito habang naghahabol nang hininga.

Nakita ko ang mabilis na pagtango ni Professor Reyel kasabay nang pag-yes ng babae (with hand gesture pa). Uuna na sana ako ngunit napalingon sa akin ang kaklase ko. Bago pa ako makalakad ay nahawakan na niya ako.

“Jenny, pwedeng picture-ran mo kami ni, Sir?” pakiusap niya pa with matching puppy eyes na hindi man lang umepekto sa akin.

Medyo nagulat pa ako dahil alam niya ang pangalan ko. E, ako, hindi man lang alam ang pangalan niya.

When I saw her sudden changes of her expression dahil sa hindi ko pag-imik ay agad akong napaiwas ng tingin. Napadausdos pa ang kamay niya sa akin dahil sa marahan niyang pagtanggal sa pagkakahawak sa akin.

Mabilis kong kinuha ang selpon niya. “Okay,” tipid na ayon ko.

Baka kapag hindi kukunan, iiyak siya. Kargo ko pa lahat nang konsensya.

“Yey! Thank you, Jenny,” parang bata na saad niya.

Tsk, plastic!

Galawan ng mga taong mabuti lang kapag may kailangan!

Mabilis siyang tumabi kay Professor Reyel at pinulupot ang kamay sa braso nito. Maitim akong napatitig kay Professor Reyel sa camera. Kahit naka sando lang ay bakat pa rin ang abs at halatang nagg-gym.

“Go na ba, Jenny?”

Ang taslan short na hawaiian ay nababagay din sa pang-ibaba niya. Lumitaw lalo ang ka-gwapuhan niya. Moreno pero effortless ang pagiging gwapo.

“Jenny, wacky naman.”

Ang tingin niya ay diretso lang sa akin. Kahit may pagitan ang mata niya sa mata ko ay ramdam ko pa rin ang nakakapaso niyang tingin. Nakangiti siya ngunit parang sa akin lahat nang iyon.

His smile and hot stares, it feels like he's only giving and showing that to me.

Masyado na ba akong delusional kung sasabihin kong, nakapokus pa rin siya sa akin kahit… iba ang nasa tabi niya.

“Thank you, Jenny.”

Hindi ko alam kung nakailang pindot na ako. Ni hindi ko rin alam kung paano naglaho ang babae sa harap ko. My eyes were locked in his.

“Alam kong gwapo ako, Baby. Pero huwag mo akong titigan ng ganyan, baka nag-overthink ako. Iisipin ko na talaga na nahulog ka na.” Dahil sa sinabi niya ay nabalik ako sa katinuan.

I scoffed. “Yabang mo a.”

Bumalik ako sa paglalakad. Tumabi naman siya at sinabayan ako.

He laughed softly. “Where do you want to eat?”

I shrugged. “I don't know. This is my first time here.”

“Okay. Maghahanap na lang tayo ng restaurant na babagay sa taste mo,” puna niya.

Napangiwi ako. “Masungit lang ako pero hindi ako maarte, Sir.”

He laughed. “Alam ko, Baby. Gusto ko lang naman na sa restaurant na gusto mo tayo kakain.”

I “tsk” and look away. “Stop calling me baby, Sir. Hindi mo ako anak,” masungit na saad ko.

He chuckle. “Anak ka nga ng mama mo pero… baby kita.”

Fuck you, Professor Reyel! Nakita mo lang naman ‘yan sa TikTok!

His Stares: Professor Reyel Bagy Where stories live. Discover now