ROGA²

5.1K 156 0
                                    

Henrietta Agnes Laurel's POV

Linggo ngayon nang mapagdesisyunan ko nang pumunta sa Olympus academy. Nakapagbasa narin ako nang libro tungkol sa mga Olympian at hindi ko maiwasang ma excite dahil sa mga nabasa ko, nakakamangha silang lahat lalo na si Aphrodite, kahit na medyo nangangamba ako dahil sa dalawang tao na konektado sa kanya, pero hindi naman siguro iyun ibig sabihin na kailangan ring konektado ako sa kanila? Ako parin naman si Henrietta agnes na sinaniban lamang ni Aphrodite.

"Nak?" Napatingin ako sa pintuan nang marinig ang boses ni Papa. Muli kong pinagmasdan ang kwarto ko saka hinila ang isang malaking maleta ko papunta sa pintuan. Binuksan ko ito at sinalubong ng ngiti si Papa.

"I'm ready." salita ko. Nakita ko ang bahagyang relief sa mukha ni Papa bago nya kinuha ang maleta na hawak ko.

"Let's go then, I'm sure they will love you anak." sagot ni Papa. Ngumiti lang ako at naglakad na nga kami pababa.

Naghihintay naman si mama sa sala at agad nya akong niyakap. Sila kasing dalawa ang maghahatid sakin sa Gateway ng Olympus.

"Wag na wag mong kakalimutan ang mga tinuro namin sayo anak ah? Yung mga self defense na tinuro ni Papa mo, at ang mga payo ko sayo. Tandaan mo rin na mahal na mahal ka namin, at mami-miss ka namin ng papa mo." malumanay na salita ni Mama. Ngumiti ako at niyakap silang dalawa saka tumango tango.

"Protect yourself, Hetta. And live without no regrets and revenge, so you can love and be loved." salita naman ni Papa. Tumango tango ako.

"Thank you and I love you both." sagot ko. They were always the best of the best parents i have, i couldn't ask for more. Just them and my life would be perfect.

Sabay na kaming lumabas ng bahay at sumakay ng sasakyan habang si Papa naman ang magmamaneho.

Habang nasa daan ay hindi ko mapigilan ang kaba at excitement sa dibdib ko. Ano kayang itsura ng mundong papasukin ko? May mall rin kaya roon? May ice cream kaya? Hayystt. Nakapagdrop out na ako sa eskwelahan at panay na ang tanong ng mga tao sa lahat ng accounts ko sa social media, dahil narin sa pag back out ko sa modeling at pagkanta.

Tumingin lang ako sa daan habang nasa passenger seat naman si Mama at tahimik naman silang dalawa.

*****

Ilang oras narin kaming nasa byahe.

"We're almost there anak." salita ni Papa kaya tumingin ako sa lugar. Nakikita ko na ang isang building na may nakatatak na Gateway O.A shop ilang kilometro parin ang layo samin.

Magsasalita na sana ako ng manlaki ang mga mata ko sa humaharurot na sasakyan na papunta samin.

"Dad!" Sigaw ko pero huli na ang lahat. Binangga nito ang sasakyan namin at biglang umikot ang sasakyan at ang paningin ko.

Naging malabo ang pandinig ko at paningin ko kaya napapikit ako at mahinang dumaing sa mga bubog na dumapo sa balat ko. Ilang segundo lang at binuksan ko na ang mga mata ko. Napaluha ako sa naging tama nito sa sasakyan at agad dumapo ang tingin ko sa mga magulang ko at napahagulgol ng makita ang dugong tumutulo mula sa kanila.

"Ma! Pa!" Nanghihina kong tawag sa kanila. Kahit sumasakit ang katawan ko ay pinilit kong makababa sa pagkakaupo ko, tinanggal ko ang seatbelt para tuluyang makababa saka ako sumuong papunta sa pwesto nila at niyugyog ang katawan ni mama at Papa.

Patuloy na umagos ang luha ko ng makita ko ang mga dugong nanggagaling sa katawan nila. Pareho silang walang malay at may sugat sa ulo.

"Ma. Pa." tawag ko sa kanila. Tumingin ako sa labas ng sasakyan ng makarinig ako ng mga footsteps. Tatlong tao ang nakita ko mula sa labas kaya pinilit kong lumabas sa sirang sirang pintuan at tumingin sa tatlong tao, dalawang lalaki at isang babae na kasing edad lang nila mama.

Reincarnation of goddess Aphrodite✓Where stories live. Discover now