ROGA¹⁴

2K 85 0
                                    

Agnes's POV

"The highest position is the King, next is the Queen. Then the 10 position will hold titles that needs to be maintained. First, the Patron of Underworld, Second the Patron of Seas, Third the Patron of Mykene. Fourth, the Patron of War, Fifth, the Patron of Love, Sixth, the Patron of Mastery, Seventh, the Patron of Natural Environment, Eight, the Patron of Heart, Nine, the Patron of Commerce, Tenth, the Patron of Craftsmanship. Each of us must hold one of this Patrons and specific position."

King....goes to Zach. Not that we have the Olympians in us, but because that is what we resembles.

Queen...goes to Helena.

Patron of Underworld- Hiro

Patron of Seas- Petter

Patron of Mykene- Akira

Patron of War- Anthony

Patron of Love- Me

Patron of Mastery- Ace

Patron of Natural Environment- Azra

Patron of Commerce- Harris

Patron of Heart- Heidi

Patron of Craftsmanship- Sebastian

Each group must fight for the title. Separate ang laban na magaganap, kaya kung sino man ang nakaadmit sa Patron of Love, maglalaban kaming lahat at isa lang ang maaaring manalo. Wala parin kaming alam kung anong gagawin sa tournament, basta't kailangan naming magpalakas at magpakatatag.

Lumabas ako ng kwarto matapos kong maligo at magbihis. Tumingin ako sa baba at nakitang walang katao tao roon. Nasaan na ba ang mga tao ngayon? Kahit si Akira ay wala sa kwarto namin nang gumising ako. Linggo ngayon at walang klase kaya nakakapagtaka na walang tao ngayon dito sa bahay eh kadalasan masmatao ang buong bahay pagka linggo.

Napabuntong hininga ako at bumaba ng hagdan, pumunta ako sa kusina kung saan ko narinig ang tibok ng puso ng isang taong kilala ko.

"Good morning" bati ko kay Heidi na nagluluto. Lumingon naman sya sakin ng marinig nya ako.

"Good morning din Agnes. Halika, kumain ka na" bati nya at inalok ako sa niluluto nyang pancakes. Naupo naman ako.

"Nasan nga pala sila?" Tanong ko na kanina pa bumabagabag sakin, sineseryoso na ba nila ang competition kaya maaga palang ay nag-iinsayo na sila?

"Hmmh...Si Prea at Hiro ay maagang naglakad-lakad sa labas. Habang si Sebastian naman ay nasa workshop nya. Si Anthony naman ay maagang umalis, ganun din sina Zach at Petter. Si Helena naman ay mukhang mamimili ng stocks natin kasama na si Ace at Harris." Sagot nya habang napapaisip sa bawat banggit nya ng pangalan. Hah. So may kanya kanya pala silang ginagawa. Sandali ako natahimik at may biglang naisip.

"Hey Heidi. Mag shopping tayo?" Aya ko sa kanya at nilingon sya na bahagyang nakatagilid. Sinulyapan nya ako ng kaunti saka ngumiti.

"Sige. Pagkatapos natin kumain" sagot nya. Napangiti ako at saka kumain na.

Gaya ng sinabi nya, matapos kumain ay lumabas kami ng bahay saka naglakad lakad tungo sa kabilang side ng Academy kung saan makikita mo sa dulo ang maliit na bayan na may mga binibenta. Pagkarating namin roon ay kanya kanya kami ng tingin sa mga shop na nadadaanan namin, dahil linggo ngayon, marami ang mga taong namamasyal, may mga nakikita rin akong taga Academy na namimili.

Ngayon ko lang napansin na sa loob ng mga buwan na nanatili ako sa eskwelahan ay ngayon lang ako nakapagliwaliw. Kadalasan kasing bumibili ng mga gusto namin o kakailanganin namin ay sina Helena at Azra ang namimili dito sa bayan o sa kabilang lungsod, minsan rin ay kasama nila si Heidi. 

Reincarnation of goddess Aphrodite✓Where stories live. Discover now