ROGA¹⁹

1.3K 57 1
                                    

Agnes's POV

"Ace" tawag ko sa lalakeng kanina ko pa sinusunda sa gitna ng gubat. Malayo na kami sa bahay at eskwelahan. Wala narin akong makitang mga bahay rito. Hindi ko rin alam kung anong ginagawa nya rito.

Kanina, nung inutusan ako ni Akira na hanapin sya, hindi ko maramdaman ang presensya nya sa academy o sa bahay, kaya nag-aalala ako. Kanina rin ay kasama ko pa si Anthony at Azra, nagpasama ako sa kanila na hanapin si Ace dahil magkaibigan si Anthony at Kapatid naman nya si Azra.

"Anong ginagawa mo rito Agnes? Hindi mo na dapat ako sinundan!" Napaatras ako sa biglang pagtaas ng boses nya. Pinagmasdan ko ang kilos at galaw ng mata nya at katawan. Palinga-linga sya at paminsan minsan ay napapasingkit ang mata. Hindi rin sya makatingin sakin na tila ba may hinahanap syang tao o bagay rito.

"N-nag aalala kasi kami sayo. Kailangan na nating bumalik Ace" salita ko. Nilakasan ko ang loob ko, hindi naman ako natatakot sa mga kagubatan pero sa sitwasyon namin ngayon, na kami lang dalawa, pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari samin. Hinawakan ko sya sa braso kaya napatingin sya sakin. "Bumalik na tayo Ace" dagdag ko.

Umiling sya. "Hindi pwede. Nandito lang sya. Alam kong nandito sya" sagot nya at nagpalinga-linga. Hindi sya mapakali at akmang aalis na pero hinawakan ko ulit sya sa braso ng mahigpit.

"Sino bang sya?" Nagtataka kong tanong. Sino ba kasing hinahanap nya?

"Ang puno't dulo ng rebelyon. Alam kong nandito lang sya, nagmamasid satin" sagot nya, so totoo ngang may rebelyon? Nabigla ako ng humarap sya sakin at hinawakan ako sa magkabilang balikat ng mahigpit. "Kailangan ko syang makausap. Kailangan kong malaman ang puno't dulo ng rebelyon" salita nya. Napatitig ako sa mga mata nya. Sa pagod nyang mga mata.

"Hindi tayo ligtas Ace. Tayo lang dalawa rito. Kailangan natin--" naputol ang sasabihin ko ng may maramdaman akong mabigat ng presensya. Mas mabigat sa unang pagkikita namin ni Harriet. Bigla akong nanlamig at hindi makagalaw.

"Agnes?" Tawag ni Ace at niyugyog ako ng kaunti. Bumalik ang tingin ko sa kanya. Hindi kaya...

"Umalis na tayo rito Ace, please?" Halos magmakaawa na ako. Nanigas naman sya at napatitig sakin. Biglang nagtagis ang bagang nya at umilaw ang mga mata nya.

"He's here?" Tanong nya. Kinagat ko ang labi ko at mahigpit na muli syang hinawakan at agad syang hinila patakbo pabalik sa dinaanan namin. Umiilaw na ang mga mata ko ng subukan kong ikonekta ang sarili ko sa pinakamalapit na bahay at kung saan may mas maraming tao.

Kanina lang ay kasama ko si Anthony at Azra, pero hindi ko na sila mahagilap matapos kaming maghiwalay dahil may sumalubong saming tatlong daan sa gubat ilang kilometro mula sa dulong bahay.

Lakad takbo ang ginawa ko habang hila hila si Ace ng biglang may mabilis na bagay ang bumulusok sa paanan ko dahilan para agad akong huminto at umatras. Napakurap ako sa pagkabigla pero bilang instinct ay hindi ako lumingon o tumingin kung saan iyun galing, instead mas hinila ko ai Ace patakbo ng mabilis. Lumakas lalo ang kabog ng dibdib ko ng sunod sunod na daggers ang bumulusok sa amin ni Ace. Kahit sya ay napahiyaw na at sinabayan ako sa pagtakbo ng mabilis. Kahit saan saan na kami dumaan. At ramdam ko ang presensya ng taong hindi ko kilala na sumusunod samin.

Napahiyaw ako ng may malamig na bagay ay dumampi sa binti ko, napahandusay ako sa sakit at pagkabigla. Impit akong tumingin sa binti ko at nakita ang isang Hunter's knife na nakatarak doon. Napamura si Ace at agad akong kinarga para sana tumakbo pero hindi na nya nagawa ng may tumama sa balikat nya.

Kasing bilis nito ang pangyayari, hindi na kami makagalaw ni Ace at parehong nakasalampak sa lupa, wala na kaming lakas na tumayo. Sya ay may tama na sa balikat at binti, ganun rin ako na may dumaplis sa braso at leeg. Kagat labi ako habang pinapakiramdaman ang presensya ng taong may dahilan sa nangyayari samin ngayon, naghihintay sa paglapit nya at sa nag-aabang naming katapusan.

"You shouldn't have followed me" bulong ni Ace, nakayuko sya at namimilipit rin sa sakit. Who knows what this knife and blades has. There could be poison or venom, dahil mas hamak na mas masakit ito kesa sa normal na magtama ng kutsilyo.

"And what? Let you die while i am capable of saving you?" I won't let that happen. I won't let it happen again. I saw my parents die, i was with them. But i am too weak to save them. I won't let any of my friends die. "We don't have time to blame each other now." Dagdag ko habang nakatingin sa pwesto ng papalapit na presensya. Hindi sya nagmamadali at hindi rin mabagal ang lakad nya. Tila nakikita nya kami sa kabila ng malalaking puno at malalaking dahon ng mga halaman.

"Do you have plan?" Tanong nya. Napalunok ako. This might not work but it is worth trying.

"Anthony and Azra might be far away from us but i hope they can reach us." Sagot ko. I silently wish that Akira is here, but there's only me and Ace. We need. "Anything that can reach them" dagdag ko. Tumingin ako kay Ace na napatingin rin sakin.

"Light! Of course!" Salita nya. At tumingin sa Madilim na kalangitan. Hindi ko alam ang eksaktong oras ngayon, pero sobrang dilim na at tanging bituin nalang ang umiilaw.

"But do you have enough energy to produce light right now?" Tanong ko. Nagaalala parin ako na baka hindi na nya kayanin pa kung magpapalabas pa sya ng enerhiya.

"Maybe. But I'll try to produce a light that can reach them" sagot nya. Ngumiti ako at tumango.

"Just don't force yourself" sagot ko. He's Apollo after all.

His eyes glowed again and his hands starts to move upward and light came out of his palm. Tila naging flashlight sa madilim na gabi ang ilaw na lumalabas sa kamay nya. Kasing liwanag ito ng araw sa tanghali. Hanggang sa umabot ito lampas sa pinakamataas na puno. Pinikit ko ang mata ko and tried to connect again with the possible person i can reach. Halos maubusan ako ng hininga ng ilang minuto na akong humahagilap ng mas malapit na tao.

'Anyone...'

'Please...'

"So I did caught a Reincarnated gods huh?"

Napadilat ako at napatingin sa lalakeng nakacloak na nakatayo sa harapan namin ni Ace. Hindi ko makita ang mukha nya sa dilim ng paligid at unti unti ring naghihina na ang ilaw ni Ace. Pareho narin kaming halos nauubusan na ng dugo. I didn't stop from reaching someone.

Just by looking at this person. Just his presence. I couldn't guess if his a Reincarnated god or a living monster.

Whoever he is. He might be someone we couldn't imagine. He might be different from us. Not a Semideus, not a Reincarnated, not an indirect descendant.

"I guess, it's my lucky day?" He said again and then i couldn't breath.

Hindi na kami makahinga ni Ace! Napaiyak ako habang kumakapa sa hangin.

And i reach someone's presence.

'Save us'

And everything went black.

Prim_rose7


A/N: ooohh a sudden turn of event huh? Didn't see that coming? Sino nga bang makakahula na mapapahamak sila? ʘ‿ʘ Keep reading guys! See you in the next chapter. And i hope you wait for it. I can't promise na magiging mabilis ang update.(≧▽≦)

Reincarnation of goddess Aphrodite✓Where stories live. Discover now