ROGA¹¹

2.3K 93 1
                                    

Agnes's POV

Gaya nang nakagawian, babalik rin kami agad sa bahay pagkatapos nang klase. Nadatnan namin si Akira sa couch kaharap ang nasa 20 na folders na nakalagay sa lamesa. Naupo rin agad kami sa mahabang couch at katabi ko si Prea at sa kabila naman si Heidi.

"Those are the personal information of every students who are possible to be Hetta and M." Salita ni Akira. Tumingin sya samin at saka kumuha nang folder. "I need all of you to help me search through all this folders. On the left side is possible to be Hetta and on the right side is possible to be M." Dagdag nya. At dahil nasa right side kami, kumuha kami ng folder na posibleng maging si M. Mabuti narin ito ano? Para malaman ko kung sino ba talaga si M, pero masama ang pakiramdam ko.

"How did you find this students?" Tanong ni Hiro habang binabasa ang folder na posibleng maging si M.

"Some of them are suspects, but some of them are often called M or Hetta" sagot ni Akira. Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi nya.

"Pero pano namin malalaman kung sino si M sa mga folders nato?" Tanong ni Heidi.

"Let your powers and instinct do the works Heidi" sagot ni Akira. Napaiwas ako nang tingin saka binuklat ang hawak kong folder. It is about the woman named Emily daughter of Eros. Tinatawag syang Em kaya posibleng ginamit nya ito para gawing alyas sa pagpatay, like M.

Binasa ko pa ang lahat nang information nya, kung saan sya nakatira noon at ang Alibi nya nung namatay ang isa sa mga naging biktima ni M.

"One more thing"

Napaangat ang tingin namin kay Akira nang magsalita ito.

"I already have the witness testimony of Agustin's case" dagdag nya. Mas lalo naman akong kinabahan.

"She said that Hetta is in this school, she was transferred from Mortal world and M was in range because Hetta left M" dagdag ni Akira.

"Pero hindi nya kilala kung sino si M or si Hetta?" Tanong ni Azra. Tumango naman si Akira.

"Hindi nya pa nakita ang mga ito, nalaman nya lang ang tungkol sa kanila mula kay Agustin" sagot ni Akira. Bumuntong hininga ako at tumingin sa folder na hawak ko, ilang beses nang nagbago nang folder sila Heidi at Prea pero ako ay ito parin ang hawak ko.

May iniwan ba ako sa mundo nang mga tao na pwedeng maging si M? Wala naman akong kapatid at wala na ang mga magulang ko na syang tumatawag lang sakin na Hetta.

"What if one of us are one of them?" Nanigas ako sa naging tanong ni Heidi na katabi ko lang.

"Then there's no exemption Heidi" sagot ni Zachary.

"Hey okay ka lang Agnes?" Tanong ni Prea at hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya saka tumango. Bumitaw naman sya at nagpatuloy sa pagbabasa.

"Speaking of," napatingin kami kay Zachary nang magsalita itong muli, ramdam ko ang kakaibang presensya na bumabalot sa kanya habang binabasa ang folder na hawak nya. Nagangat sya nang tingin at deretso ito sakin. "Agnes is also often called Hetta" dagdag nya. Napakurap kurap ako habang nabaling sakin ang tingin nila.

"Yeah, but i don't think i am what M is looking for" sagot ko. I have no choice but to tell them the truth.

"Yan rin ang naiisip ko nang makita ko ang personal information mo Agnes, but i know there's something more" salita ni Akira.

"Wait. You are called Hetta? How come?" Tanong ni Prea. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"My real name is Henrietta Agnes, I'm a model and on my tourism course, sina dad at mom lang ang tumatawag sakin na Hetta, at wala akong kapatid na iniwan, wala rin naman na akong kamaganak para maging si M" sagot ko at tumingin kay Akira.

"Do you have Friends? Or enemy? Boyfriend or Suitor? Everyone might be playing as M because you left Agnes" salita ni Helena. Napayuko ako at inisip nang mabuti kung sino ba ang pwedeng makagawa nito.

'I'll wait for you hetta'

Parang nagkaroon ako nang ideya dahil sa sinabi ni Helena. But I'm pretty sure he's not the type of person who would kill just because i hadn't time to see him.

"Meron, isang lalake, pero ibig sabihin ba nun ako na ang tinutukoy ni M na Hetta?" Sagot ko at sinalubong ang tingin nila.

"What's his name?" Tanong ni Ace na katabi si Heidi, nilingon ko sya at nakitang nakatingin sya sa folder na hawak nya.

"Matthias Morales. He claimed his self as my #1 fan" sagot ko. Napatingin sya sakin at nakita kong nagliwanag ang mukha.

"That's it! Tamang tama!" He exclaimed at naupo sa sahig saka winaksi ang mga folder na nasa mesa kaya nagkakalat na ito ngayon sa sahig at nilagay ni Ace ang hawak nyang folder.

"Matthias Morales a.k.a Matt, he came here a day before Agnes came. He isn't a son of gods but he possesses a Maniae--spirits of madness and insanity. He isn't registered in the academy because he was rejected by the officials. But he was definitely here based on the gatekeeper's report" pahayag ni Ace at tumingin sakin. "He is here because of you" dagdag nya. Napalunok ako at tinignan ang folder na hawak nya, nakita ko ang mukha ni Matthias doon.

"But he isn't the type of person who would kill" sagot ko. Napailing naman si Prea na katabi ko.

"Since he possesses Maniae, he isn't the guy you know back then" sagot ni Prea. Narinig kong may nagsnap at napatingin ako kay Akira.

"So we have what we were looking for. All we had to do is to lure him out and catch him" salita ni Akira.

"How can we do that?" Tanong ni Anthony.

"We'll use Agnes to lure him" sagot agad ni Akira at tumingin sakin saks ngumisi.

"Wait! That's not a good idea. Pano kung mapahamak si Agnes?" Protesta agad ni Prea.

"We will be there of course. We just need to find the right time to do the plan" sagot ni Akira at tumingin sakin. "Do you have anything to say?" Tanong nya. Umiling naman ako.

"It's fine with me" sagot ko. Nagsitayuan na sila kaya tumayo narin ako.

"Tara" aya ni Heidi. Tumango ako st umakyat na kami sa itaas para makapagbihis na.

Sinara ko agad ang pintuan nang kwarto ko nang makapasok ako, nagtungo ako sa closet at kumuha nang damit saka pumasok sa banyo para makapaghalf bath na.

Matthias Morales.. He is a good man back then. Kaklase ko sya mula highschool hanggang college, hindi kami ganun ka close pero kilala ko sya dahil lagi syang nandoon sa bawat signing event ko at pati na nga photoshoot nakikita ko sya dahil kapatid nya ang may ari nang pinagtrabahuhan ko na agency. Tapos minsan ay nakakasama ko sya sa activities sa course namin at ang huling paguusap namin noon ay ilang araw matapos kung malaman ang katotohanan tungkol sakin. Nagtapat kasi sya sakin at manliligaw na sakin at wala naman akong dahilan para tanggihan sya kaya sinabi kong magkita kami sa 7 eleven malapit sa bahay ko pero hindi na ako nagkaroon nang panahon na sumipot dahil sa nangyari.

I didn't know that this would happen. That he would turn like this. I don't know what will happen to me and to all the people here if this won't stop.

Prim_rose7

Reincarnation of goddess Aphrodite✓Onde as histórias ganham vida. Descobre agora