ROGA³⁰

958 46 0
                                    

Agnes's POV

As what Akira said, Sebastian lights up the trees and the three Lunar goddesses light up the moon.

Now we can see everyone clearly through the dark.

Umatras muna ako at pinahinto ang vampire na papalapit sakin at agad ginilitan ng leeg gamit ang dagger na ginawa ni Sebastian sakin. Ito ang weapon na gusto ko, pwede ko itong isummon kahit anong oras.

Si Harriet at Terra ang kumakalaban ngayon kay Kaye, yung babaeng nakapulang cloak. Nalaman namin ang pangalan nya kay Arche.

Akmang lalapit ako sa tatlo ng may humawak sa kamay ko, napaharap ako sa taong may hawak sakin at naging malumanay ang mukha ko.

"Don't get too close to them, baka mapahamak ka na naman." salita nya. Napangiti ako dahil bakas sa mukha nya ang pag-aalala.

"Sebastian...kailangan ko silang tulungan." sagot ko, nakita kong bumakas ang alinlangan sa mukha nya. "Alam kong nag-aalala ka, lalo na nung mawala ako, pero kailangan na natin itong tapusin Sebastian." dagdag ko at tinanggal ang kamay nyang mas humigpit ang kapit sakin.

"No." pagmamatigas nya at muling hinawakan ang kamay ko. Ngumiti ako at lumapit sa kanya.

"I want you to trust me. We can end this, anytime soon. Help is coming." salita ko at ginamit na ang kapangyarihan ko para lumuwag ang kapit nya sa kamay ko. Nakita kong nasasaktan sya.

I know... I know what you feel Sebastian.

"After this, let's make up to each other." dagdag ko pa at nang matanggal na ang kamay nya ay tumakbo na ako papunta sa direksyon nila Harriet. Mabilis kong sinumon ang dagger at pinatamaan ang sino mang humarang sakin.

Nakita kong hindi na ganun ka rami ang Rebels, salamat sa mga Centaurs at Hunters. Even Azra's sacred animals are helping, lions and tigers. Napangiti ako ng makita si Azra na walang kahirap hirap na pinatutumba ang mga kalaban nya gamit ang kapangyarihan at pisikal na kakayahan.

Even the other Titans who i can't name yet, hindi ko pa sila ganun ka kilala. And then there's Zach who's been controlling the air around us, the lightings are also continuously giving shocks to every creatures around us, so they would loose a bit energy.

And then there's Hiro who's using the skeletons from the underworld to serve as an army, and then there's Petter who's using every water he could use to creat ice spikes or waves, narinig ko ring may pinapunta syang kraken sa dulo ng gubat para magsilbing proteksyon namin sa papalapit.

And then there's Ace who's just near Harriet to assist and shoot the creatures coming near us. And then there's Anthony on the left us who's bloody smiling like a warrior in a bloodbath, sya ang kumakalaban sa mga giants and cyclopes.

And then there's Bryan and Giovanni, flying above us to fight from the sky. Everyone is fighting for the school. Everyone is willing to take risk. Even though they are tired enough and had a lot of wounds.

Gusto ko mang umiyak at pahintuin sila sa mga ginagawa nila para magpagamot muna sila, pero hindi ko pwedeng gawin yun. Hindi ako pwedeng maging mahina ngayon.

Napatingin sakin si Ace ng makalagpas ako sa kanya, tinanguan ko sya bilang sinyales, at alam na nya ang ibig kong sabihin.

Nang makakita ako ng saktong angulo ay malakas kong sinipa sa mukha si Kaye, napangiti ako ng matumba sya at napalayo ng kaunti sila Harriet. Kita kong pagod na sila at iniinda ang mga tama nila. After all they are also humans.

"Maganda 'to, ikaw na mismo ang lumapit sa'kin." salita ni Kaye at ngumisi, hinawakan nya pa ang panga nyang pumula sa sipa ko at kita kong naghilom ito.

Reincarnation of goddess Aphrodite✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon