ROGA⁷

2.9K 120 0
                                    

Agnes's POV

Binaba ko sa bakanteng spot ng mesa ang dala ko saka bumalik sa pagtitingin ng mga weapons. Hinawakan ko ang isang ring sword, dalawang pares ang kinuha ko.

"You can summon that back to your hands, if you want" napalingon ako kay Sebastian na syang biglang sumulpot sa likuran ko.

"How?" Tanong ko. Kinuha nya ang isang dagger at nilahad sakin.

"Drop a blood on it" sagot nya. Kinuha ko naman ang dagger saka sinugatan ang hintuturo ko saka pinatakan ng dugo ang dalawa. Ilang sigundo lang ay nawala ang dugong pumatak na tila inabsorb ito. Nagulat ako ng kinuha ni Sebastian ang hintuturo kong may sugat at nilagyan nya ng band aid kaya napangiti ako. Hindi naman nya kasi kailangan lagyan ng band aid since kusang gumagaling ang mga sugat namin

"Salamat" kusa parin akong nagpasalamat dahil sa effort nya.

"Marami ka pang kayang gawin sa ring sword na 'yan. Like a gun, just point it to one's direction and it will fire like a bullet" salita nya na naman. Namangha naman ako pero teka...

"Did you upgrade this weapons?" Tanong ko. It just came up in my head knowing that he is Hephaestus himself.

Tumango sya at marahang ngumiti.

"I did" sagot nya.

"It's amazing" papuri ko at ngumiti sa kanya.

"Sebastian and Agnes! Come!" Napalingon kami pareho sa boses ng guro na tinawag kami. Nakita namin syang kasama si Anthony na nakapamulsa at walang emosyon lang sa tabi nya at nakatingin samin.

Naglakad kami pareho sa pwesto ni sir at nakita naman namin ang ibang kagrupo namin na nag sparring na.

"Agnes, the two of them will be the one to teach you how to use the weapon you choose and the basic training" salita ng guro ng makalapit kami. Tumango ako kaya iniwan na nya kami para puntahan ang iba.

"This is pointless, you look..." Napatingin ako kay Anthony nang magsalita ito at tumingin sakin ulo hanggang paa.

"Weak and fragile." Dagdag nya in a flat tone. Kumunot ang noo ko at tumaas ang kilay ko sa kanya.

"Gusto mo ba 'kong subukan?" Sagot ko with my serious face on. Sinalubong nya ang tingin ko at ngumisi.

"Who wouldn't?" Tanong nya at tinalikuran ako. Napakunot lalo ang noo ko sa sinagot nito. Anong ibig nyang sabihin?

"Let's see if you can summon the weapon" bumuntong hininga ako at bumaling kay Sebastian. Kinuha nya ang dalawang weapon sa kamay ko at lumayo sakin ng ilang metro.

"Summon it!" Sigaw nya. Napaisip ako at nakatingin lang sa kanya, how can i summon it? Napangiwi ako at inisip na mapupunta sa kamay ko ang weapon na hawak nya at napalitan ng malawak na ngiti ang labi ko ng lumipad patungo sa parehong kamay ko ang dalawang weapon. Bumalik naman sa pwesto ko si Sebastian.

"Now, throw it and summon it back, vise versa" salita nya. Tumango ako at tinapon ang sa kanan na ring weapon at inisip ko na naman na bumalik ito sa kamay ko, and it did. Pinagsabay ko na ang pagtapon and bring it back again na para bang may magnet sa kamay ko na kusa silang bumabalik pag gusto ko.

"Now, try to fire it away" rinig kong salita ni Sebastian. Sinunod ko ang sinabi nya, i pointed the weapon in front of me kung saan walang tao. Naramdaman kong lumapit si Sebastian sakin at hinawakan ang kamay ko.

"May switch dito" salita nya at tinuro sakin ang maliit na switch. Bumitaw na sya saka ko pinindot ang switch at napangiti ako ng makitang may lumipad na ring sword sa pader.

Reincarnation of goddess Aphrodite✓Where stories live. Discover now