ROGA²²

1.4K 38 1
                                    

Heidi's POV

I thought i was betrayed. But no, I'm wrong. Ang akala ko ay hindi na ipagpapatuloy nila Akira ang paghahanap kina Agnes, but i was wrong. Dahil matapos ang usapan namin magdamag kasama ang Titans at ang bagong bisita namin ay kinausap kami ni Akira at sinabi ang plano nya.

We will divide in looking for the others and preparing for the war while attending our Tournament. How cruel, nagkasabay-sabay ang mga kakailanganin naming gawin.

As of the Reincarnated Gaea, nalaman naming maaaring ang core ng rebelyon na ito ang kumuha kina Agnes. Kaya doon namin tinuon ang pansin namin. Akira and Helena together with Azra will handle the authorities and the Titans, they will help them and cover us up. Zach, Hiro and Petter will look in their domain while helping Akira and Helena, while Harris and Prea will be looking at the mortal world, na handle na ni Akira at Helena ang gateway. While i and Sebastian will attend our tournament.

Matapos kong makapagbihis ng suit ay lumabas na ako ng kwarto. Nakasalubong ko naman si Prea at Harris sa may hagdan. Nakahanda na ang gamit nila para sa pagpunta nila sa mortal world, kailangan nilang magsimula na dahil bukas ang pagsalang ni Harris sa tournament, sila ni Azra. Kaya ako at si Sebastian ang papalit sa kanila ni Prea sa mundo ng mga tao matapos ang laban namin. This is just an easy round, matalo man ako ngayon o hindi, wala akong pakialaman.

"Good luck" salita ko kay Prea at tinapik siya sa balikat. "Mag-iingat kayo lagi" dagdag ko at tumingin kay Harris. "Ingatan mo sya ha?" Habilin ko. Tumango naman ang lalake.

"Syempre baka itapon ako ni Hiro sa Tartarus pagpinabayaan ko yan" biro nya at ngumisi. Napailing nalang ako at sumabay na sa kanila na bumaba.

Pagkababa namin sinalubong sila ni Helena.

"Bumalik kayo agad. At kapag may nangyaring hindi maganda, ipaalam nyo agad. Dala nyo ba ang binigay ni Sebastian?" Habilin ni Helena at sinigurado na dala nila ang device na inimbento ni Sebastian na magaalerto samin kung may masamang mangyari sa kanila, para makapunta agad sina Zach sa kanila. Nilabas naman ni Prea ang isang device kaya tumango si Helena. "Good. See you when you get back then" dagdag nya at binigyan sila ng ngiti.

"Sasabay ka na ba samin lumabas, Helena?" Tanong ko. Sa pagkakaalam ko kasi ay may inaasikaso sya kasama ang mga Titans. Tumingin sya sakin at tumango.

"Yeah. Magpapahuli na si Akira. Tara na" Sagot nya at naunang maglakad. Sumunod naman kami sa kanya. Nang nasa labas na kami ng bahay ay may naalala ako.

"Mauna na siguro kayo. May titignan muna ako" salita ko na ikinahinto ng paglalakad nila.

"Sige. Pero wag kang papahuli sa tournament mo ha? And our class, never be late! At manonood ako sa laban nyo!" Sagot ni Helena habang papaalis, hinihila na kasi sya nina Prea dahil sa pagmamadali.

Napangiti nalang ako at umikot sa bahay. Napunta ako sa Wearhouse ni Sebastian. Kumatok ako sa pinto at binuksan ito. Nakita ko syang nakatingin sa mga armas na gawa nya.

"Let's go?" Tanong ko kay Sebastian. Umayos sya ng tayo saka kumuha ng dagger at Axe. Humarap na sya sakin saka nilahad sakin ang dagger.

"I know you don't like deadly weapons, but this can help you protect yourself. It is not an ordinary one" salita nya. Tinignan ko ng matagal ang dagger sa kamay nya saka ito tinanggap.

"If you don't like to watch, it's okay. You can attend our class and attend your tournament this afternoon" salita ko. Sinabayan naman nya akong lumakad palabas ng Wearhouse.

If there's a person who is in stress right now. It is him. I know what he feels. I know how troubled he is. Ayuko nang dumagdag sa problema nya, pero bilang kaibigan daw ay nag-insist syang manood sa laban ko, bilang moral support narin mula sa absence ni Agnes.

Reincarnation of goddess Aphrodite✓Where stories live. Discover now