ROGA¹²

2.2K 77 4
                                    

Agnes's POV

It's an operation 'Apprehend the Poison Master' but how can we do that?

Tinapos muna namin ang buong klase namin bago simulan ang naplano ni Akira. Yeah, i wrote a simple message for Matthias Morales.

Nilapag ko na sa mesa nang desk ni Matthias Morales ang stickey note that states, 'What do you want from me? Why are you doing this? Stop this mess and talk to me. -Agnes'. It is up to him now when and where will he show up to me. I know he's been watching me that is why, we left this message in his table in his classroom. Tapos meron rin sa locker, at sa kwarto nya. Good thing may alam si Helena na mahika na tanging si Matthias Morales lang ang makakabasa sa nakasulat sa stick note. I put my power into the paper too, so he would have the urge to show up to me.

"Let's go" paanyaya ni Hiro at agad akong sinamahan papunta sa lake.

Birthday nga pala ni Phrea ngayon kaya  ang dakila nyang asawa na si Hiro ay naisipang magpaparty sa Lake na malapit samin at naisipang ako ang tanging makakagawa nun kaya kaming dalawa lang ang magkasama ngayon, ang iba ay kinuntsaba namin ni Hiro na iligaw si Phrea pansamantala, si Anthony at Sebastian ang natural na nagluluto ngayon sa bahay habang ako at si Heidi ang dapat magdecor nang lake, paniguradong naghihintay na doon si Heidi dahil may dinaan muna kami ni Hiro.

"I heard about your parents" napatingin ako kay Hiro na kasabay kong naglalakad papuntang Lake.

"Ah." Sagot ko at tumango tango. Umiwas ako nang tingin.

"Isn't odd that they died in that sudden timeline? Is it really an accident?" Tanong nya. Napaisip ako sa sinabi nya, alam ko na kung saan papunta ang usapan na ito.

"I know. It's a homicide." Sagot ko, nakita ko namang napatingin sya sakin kaya ngumiti ako at tumingin sa kanya.

"Wag mo nang subuking itanong kung gusto ko bang makausap ang kaluluwa ng mga magulang ko. Wag na, nananahimik na sila kung saan man sila" salita ko. Tumitig sya saki nang matagal pero kalaunan ay umiwas narin.

"Okay. It's up to you" sagot nya. Bumuntong hininga ako.

"But i want to find those who did that to us." salita ko. Bumuntong hininga ulit ako.

Huminto lang kami nang nasa lake na kami at nakita ko na si Heidi nag aayos nagaayos nang mesa.

"O nandito na pala kayo." Ngumiti sya at lumapit samin.

"Tutulungan ko na sina Anthony na magdala nang pagkain dito." Salita nya. Tumango naman ako.

"Teka. Samahan na kita" presinta ni Hiro. Bumaling naman sila sakin.

"Okay lang. Kaya ko naman itong mag-isa" salita ko. Tumango sila at naglakad na paalis.

Nagtungo na ako sa mesang inaayos ni Heidi kanina at pinagpatuloy ko na ang ginagawa nya kanina. Naayos ko na ang halos lahat at nakapagdecor na ako gamit ang kapangyarihan ko. Napakadali nalang nang lahat ngayon na kabisado ko na ang kapangyarihan ko.

"What is this? Did you prepare for me?"

Napahinto ako sa paglalaro sa tubig nang ilog nang may marinig akong boses. Dahan dahan akong tumayo at lumingon sa likuran ko. Sumalubong sakin ang nakangiting si Matthias Morales. Nagulat nalang ako nang tumakbo sya sakin at niyakap ako. Agad naman akong nagpumiglas at nilayo sya sakin.

"Dyan ka lang!" Gulat na salita ko. Umakyat ang takot sa akin nang makita at maramdaman ang iba't ibang emosyon mula sa kanya, galak at galit, paulit ulit ang dalawang emosyon na iyun sa pagkatao niya.

Reincarnation of goddess Aphrodite✓Where stories live. Discover now