ROGA²³

1.3K 41 1
                                    

Helena's POV

I am deeply troubled. I am not okay. I am not happy. I am very nervous and worried.

I sighed. Hindi ko maiwasan ang samu't saring emosyon na yan lalo na't ang pinangangalagaan kong lugar ay nasa delikadong sitwasyon, lalo na ang mga tinuturing kong kaibigan.

For years that i have been with them, hindi na bago sa kanila ang katangian ko na tila tumatayong ina nila. I love doing that since i was young, simula pa noong wala ako sa Academy na ito. Lumaki akong kompleto ang pamilya, kaya gusto kong iparamdam sa iba ang pakiramdam na may nagaalaga sayo, lalo na si Agnes na nawalan ng magulang sa oras na nakapagdesisyon syang pumunta rito.

Masakit ang pakiramdam na yun at ayukong maramdaman nya na nagiisa lang sya kaya ginagawa ko ang lahat para mapalapit sa mga kasama nya, hindi man ako showy gaya ng iba pero ang pangarap ko talaga sa buhay ay maging ina at maging mabuting asawa.

"What are you thinking?"

Napatingin ako kay Akira na kasama kong nanonood sa laban ni Sebastian.

"Nothing" sagot ko at saka ako ngumiti ng malumanay. Tumango sya at tumingin na sa harapan, ganun narin ako.

Mamaya pa ang usapan namin ng Titans kaya napagkasunduan naming manood sa tournament ng mga kasama namin. Kasalukuyan nang nasa mundo ng mga tao sina Harris, ang laban naman ni Heidi kanina ay natapos na. Napanood ko ang lahat, kung pano sya nanigas sa loob ng dome at kung pano sya nagulat at naguluhan. Kung paano nya mas piniling hindi magpadala sa nararamdaman nya at sa ilusyon na nandoon.

Tama, ang dome kanina sa trial ni Heidi ay gumagawa ng ilusyon ngunit hindi pangkaraniwan dahil oras na pumasok ka sa dome, nasa loob ka na ng isang ilusyon, makakalimut ka rin at ang tanging makikita mo lang ay yung mga importante sayo at doon ka susubukin. Mabuti nalang at mas nanaig ang mabuting loob ni Heidi at nakapasa sya sa unang paligsahan. Pero nakakapagtaka lang na para bang may gusto syang kunin sa bulsa nya pero napahinto sya at matapang na hinarap ang kung ano.

Over all, nakapasa sya. Pero matapos iyun ay bigla nalang syang umalis at hindi na nagpakita, kahit rito sa laro ni Sebastian. Mukhang masama ang nararamdaman nya dahil sa naging desisyon nya sa loob ng dome

Ngayon ay ang laban naman ni Sebastian na tagisan ng lakas. Hindi normal ang paligsahan nila, dahil bilang Patron of Craftsmanship, unang pagsubok nila ay ang makagawa ng matibay na apoy. Apoy na hindi madaling patayin ng tubig.

Lahat ay nagabang ng si Sebastian na ang nasa gitna ng arena. Lahat ay halos naihigit na ang hininga. Kahit ako ay napaisip kung ano ang gagawin nya. May mga kagamitan naman na ibinigay sa kanila para gumawa ng apoy at yun ang kaharap nya ngayon, ang sabi ay kailangan lang nila makagawa ng apoy sa kahit na anong paraan.

Pinanood namin si Sebastian na tumitingin sa mga kagamitan na nakalaan. Halos kalahati na sa mga kasali ang natanggal dahil hindi sila naging matagumpay. Matapos mo kasing makagawa ng apoy ay lalapit ang isang opisyal para subukin ang apoy na ginawa mo, bubuhusan nila ito ng tubig.

In Craftsmanship, you can't fold or reform a metal without fire. A lesson na hindi dapat nila kalimutan. Everything is useless if you don't know how to create fire. It is easy to make but the twist is difficult. Who wouldn't know how to create fire huh?

Pumunta si Sebastian sa nakalaan na malaking torch handle. Kailangan lang niyang lagyan ito ng apoy. Wala syang kahit na anong dala na ikinataka ng marami.

"I think i know what he will do" bulong ni Akira na naniningkit ang mata na nakatingin kay Sebastian. Nagaalala ako ng maisip kung ano ang sinasabi ni Akira.

Reincarnation of goddess Aphrodite✓Where stories live. Discover now