ROGA³¹

934 40 0
                                    

Helena's POV

Kasabay nang paghugot ng huling hininga ni Agnes ay ang pagkawala ng lakas namin. Tila huminto ang lahat para makiramay sa amin, ang mga damo ay nawalan ng buhay, mas lumagablab ang apoy sa mga punong nakapalibot samin, mas nakakasilaw ang buwan. Napayuko ako at nakita ang mukha ni Agnes na wala nang buhay ngunit tila ay mapayapa.

Sa kabila nang kanyang pagkawala ay nagpatuloy ang digmaan, nanatiling walang malay si Kaye--yun ang narinig kog tinawag ni Agnes sa babaeng nakapulang cloak.

We were in despair, ang pighati naming magkakaibigan ay binuhos namin sa mga kalaban. All of us. Kitang kita ng mga mata ko kung gaano magwala ang mga kasama ko.

Losing her is like losing the war.

Dalawang kamay ang humawak sa balikat ko kaya napaangat ang tingin ko sa taong nasa harapan ko ngayon, malungkot ang mukha nya pero halatang nahihirapan sya.

Bryan..

"It's not the time to be weak Helena, her death is a sacrifice, let's not waste it. So wake up and help your friends, they need you. Calm Sebastian or we will be burned alive." salita nya at tinapik-tapik ako. Napadako ang tingin ko kay Sebastian na niyakap ang walang buhay na si Agnes, muli akong naubusan ng lakas ng makita ang sakit sa mukha nya, ni hindi inalintana ang dugong bumabahid sa kanya mula kay Agnes.

"Please.... let's not waste her sacrifice." salita ulit ni Bryan. I nodded as i breathe heavily.

Ngumiti sya ng mapait saka nawala sa harapan ko. Kinuyom ko ang kamay ko at lumapit kay Sebastian.

"Carry her inside the Academy, we will take the enemy down from here." utos ko sa kanya at tinapik sya sa balikat para magising. Alam kong naiintindihan nya ako dahil sa kabila ng nararamdaman nya, binuhat nya si Agnes at tumakbo papasok ng Boarder, nakita ko ring sumunod si Ace sa kanya kaya panatag na ako.

Sana lang may magawa ka Ace. Para samin. Para sa kaibigan mo.

Dumapo ang tingin ko kay Harriet na ginagapos ang walang malay na si Kaye sa isang gintong kadena. Naging mahina narin ang apoy sa mga puno at hindi na nakakasilaw ang liwanag ng buwan. Kumalma na sila.

Muli naming tinapos ang mga daemons, cyclops and gigantes na hindi maubos ubos. I give heavy gravity to anyone who attacks me and make them slumped on the floor.

Tumakbo ako at muling kinalaban ang sino bang makita kong kalaban, pero ilang minuto lang ay napatapon na naman ako sa malayo kaya napayuko ako sa pagkakahingal. This war is too tiring, at nauubusan na ako ng lakas.

Stand up Helena... I silently encourage my self.

This damn Vampires have their power too and werewolve's strength is extraordinary, kasama pa nila ang rebels na may kapangyarihan din.

No time to watch Helena!  I encourage myself again.

Muli akong umayos at patakbong umaatake sa sinumang kalaban. Hindi ko inalintana ang mga sugat na natatamo ko rin mula sa kanila, para akong manhid, ni hindi ko napansin ang pagtama ng blades sa binti at tagiliran ko. Pero alam kong wala itong lason.

They are still too many, but we can make it.

Before, we were planning on backing out, but Agnes and the others came, and now that she's gone, we won't back out. We will never back out.

I felt my eyes glowed as i giving hard blows on my enemies. Nakatagilid ang mukha ko ng may makalusot na batong dumaplis, kaya ngayon ramdam ko ang hapdi sa mukha ko. Galit akong tumingin sa Rebel na nagtapon ng mga rocks.

Reincarnation of goddess Aphrodite✓Where stories live. Discover now