ROGA²⁴

1.1K 33 1
                                    

Azra's POV

"All for nothing!" Inis kong bulyaw at pabagsak na naupo sa sofa. Alas dyes na nang gabi at ngayon lang kami nakarating sa bahay, gaya ko ay pagod rin na naupo si Petter sa sofa. Nilibot ko ang paningin sa bahay at nakita sina Helena na papasok mula sa pinto at may dala silang pagkain at mga papel.

"Kumain at uminom muna kayo." alok ni Helena nang mailapag ang isang tray ng pagkain at inumin. Si Akira naman ay naupo sa kabilang couch at tumabi si Helena sa kanya.

"Where's Flynn?" Tanong ni Petter. Mabuti nalang at nagtanong sya dahil wala akong lakas nang magtanong. Kinuha ko ang isang baso ng tubig at tinungga ito.

"Pumunta sa quarter nilang mga Adviser para mag-submit ng form." sagot ni Helena. Sumandal akong muli habang nakikinig sa kanila.

"What's that?" Tanong ko at tumingin sa hawak ni Akira. Nakuha naman ni Helena ang ibig kong sabihin, mukha kasing busy si Akira sa pagbabasa nito at may sinusulat sya.

"Lokasyon at impormasyon ng mga Coordinates, plano narin kung pano namin sila mapapayag." sagot ni Helena at saka bumuntong hininga. Mukhang kanina pa sila walang pahinga.

How did everything turn out like this?

Napatigil ako sa pagiisap ng dumating sina Zach, Heidi at Sebastian na bagsak ang balikat at madilim ang mga mukha, kasama rin nila si Hiro na nakakuyom ang kamay at gusot ang damit. Actually, si Heidi lang siguro ang hindi mukhang dugyot pero namamaga naman ang mga mata. Naupo sila sa couch at hindi makatingin samin. Mukha narin silang pagod at walang pahinga.

Did we do something to deserve this? Why us?

Uminom ng tubig si Heidi at Sebastian. Saka sabay silang apat na nagangat ng tingin samin. And we all sighed. Isinandal ko ang ulo ko sa sofa at napatitig sa kisame. Kamusta na kaya si Ace? Nasan ka na ba kasi?

We went silent for about 20 minutes. We know the result of our search. We got nothing. Still we can't find them. Mostly at this moment, si Heidi ang nagpapalakas ng loob namin, pero kahit sya ay bagsak ang balikat, pagod at nasasaktan.

"Mabuti nalang at naabutan ko kayo." narinig namin ang boses ni Flynn kaya sabay kaming tumingin sa lalakeng papalapit samin at may dala dalang mga plastic bags. Bumuntong hininga sya ng mapansin ang mga mukha namin saka sya naupo sa harap namin at nilapag sa mesa ang dala nya.

"I see. But don't loose hope, will you?" Salita nya ng tumingin muli samin. "Your friends needs you. So why loose hope? We still have tomorrow and the other day, just don't give up. We still got clues with us right?" Dagdag nya at tumingin kay Zach. Tumango naman ito na ikinangiti ni Flynn.

Nilabas nya ang mga dala nya at tinulungan naman sya ni Helena at Heidi.

"I know your tired and hungry, kaya nagdala ako ng maraming pagkain." salita ni Flynn. Nang makahanda na ang pagkain, saka lang ako nakaramdam ng gutom. Pero wala akong ganang kumain. Wala ako sa mood kumain. Hindi lang pala ako. Dahil kahit sila ay nakatingin lang rin sa pagkain sa harapan namin. Pawang walang ganang kumain.

"Ano nang gagawin natin ngayon? Pano na ang tournament? Nalilito na ako." Tanong ni Heidi at napasandal sa kinauupuan nya.

We had the same question. Anong gagawin namin? Mahahanap pa ba namin sila? Arggh! Nakaka-frustrate ang lahat ng ito!

"Don't worry, i sent a report to the council already. I added a permission for us to search freely." sagot ni Flynn at kumuha ng pagkain na dala nya. Saka nagsimulang kumain.

"Sa tingin mo papayag sila?" Tanong ni Petter. Tumango naman si Flynn at lumunok muna.

"Of course they will. Hindi nila ako dapat tanggihan." Sagot nya. Naningkit ang mga mata ko sa sagot nya. That sounds suspicious.

Reincarnation of goddess Aphrodite✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon