ROGA³⁴

1.3K 37 1
                                    

Agnes's POV

1 week had passed after the war. And everything is back to normal now, the damages is repaired.

Napangiti ako ng makita ang masayang mukha ng mga estudyante ng makita akong napapadaan sa kanila. Naglalakad ako paikot sa academy at labas ng boarder, just to make sure na maayos na nga ang lahat.

Kita ko ring may ibang estudyanteng nakasuot parin ng itim, as a respect sa mga namatay, at kahapon lang rin natapos ang burial nila. Hindi talaga maiiwasan na may mamatay sa loob ng gyera.

I may look different in everyone's eyes, but i am still me, i am the Agnes they knew, i am the woman who refused to be called Aphrodite as my official name so i just broke the record. My hearing are sharp as well as my smell, even my strength is stronger than before, i am healing fast and i am too fast.

Ang akala ko ay magiiba ang trato sakin ng lahat, natakot pa ako, lalo na sa mga kaibigan ko, pano kung masaktan ko sila? Pano kung matakot sila sakin? Pero iba ang nangyari, masaya akong hindi sila nag iba sa pakikitungo sakin, lalo na si Sebastian.

Napahinto ako sa paglalakad at napakurap. May nakalimutan ako.

Nang mabanggit ko si Sebastian, may nakalimutan ako. At ngayon ko lang naalala. Geez bakit ngayon lang after one week?

Parang hangin lang akong dumaan sa mga estudyante at bumalik sa dinaanan ko pabalik sa mansion namin.

Excited akong nagtungo sa workshop ni Sebastian at agad itong binuksan ng hindi man lang kumakatok.

"Seb!" tawag ko sa taong nakatayo sa isang mesa na napatingin sakin, but seconds after i called him, napansin kong may kausap pala sya at may pinag-uusapan sila. Nangunot ang noo nya sakin at napangiti naman si Ace na syang kausap nya.

"Buti dumating ka Agnes, may ipapakita kami sayo." salita ni Ace kaya ako naman ang nagtaka at saka lumapit sa kanila. Nakita ko naman ang blue candies na nasa isang bote na hawak ni Ace.

"Ano yan?" usisa ko at kinuha ang bote.

"Sebastian and i came up with an experiment, and it was successful." panimula ni Ace kaya tumingin na ako sa kanya. "Isang candy na may anti-blood thirst, for vampires." dagdag nya na ikinamangha ko.

"For you." salita ni Sebastian at ngumiti sakin. "Try it." Alok nya. Mabilis akong tumango at binuksan ang bote para kumuha ng isang candy, mabilis ko iyung kinain at namangha ng maramdaman ang sparks mula sa candy, matamis ito at masarap kainin.

"Woah galing ah!" mangha kong salita at napangiti.

"I know dear, we are genius. And of course, lalo kang magiging matalino kung may pinaghuhugutan." sagot ni Ace at ngumiti ng nakakaloko kay Sebastian, tumaas lang ang kilay ko. Kumibit balikat sya ng walang makuhang reaksyon kay Sebastian. "The experiment is 98.99% successful, from your blood samples and the other vampire's blood samples, so if nauuhaw ka parin sa dugo kahit nakakain ka na ng candy, sabihin mo lang dahil baka may error sa ginawa namin, though it is imposible to happen." dagdag nya. Tumango tango lang ako.

"Eh yung duration?" tanong ko.

"Well you can eat the candy once every morning." Sagot ni Ace. Tumango ulit ako at tumingin kay Sebastian na kanina pa nakatingin sakin at napansin naman iyun ni Ace."It seems that you two have a lot to talk about, i will leave you two alone." dagdag nya at tinalikuran na kami para umalis sa workshop.

Nakaramdam ako ng awkwardness sa pagitan namin ni Sebastian ng mawala ang presensya ni Ace.

"So...how are you?" tanong ko at alanganing ngumiti. Napangiwi ako at umupo nalang sa dating pwesto ko noon.

"Alam kong hindi 'yan ang pinunta mo dito Agnes, what is it?" salita nya at nagtungo sa gamit nya para ayusin ito sa dating kinalalagyan nito.

Humugot ako ng hininga at pinaglaruan ang daliri ko na nakapatong sa lamesa.

"Bago ang lahat, salamat nga pala sa candy. And..." salita ko at napahinto para humugot ng hininga. "I'm sorry." dagdag ko at napayuko.

Naramdaman kong napahinto sya ng marinig ang sinabi ko at humarap sakin pero nanatili akong nakayuko, hindi ko kayang tumingin sa kanya, nanghihina ako.

"Why are you sorry?" tanong nya. I knew it, kaya iwas sya sakin this past few days ay dahil nagtatampo sya. I may become a Vampire but i am still the reincarnated Aphrodite.

"I just feel like i need to say sorry, sa lahat ng katangahan na ginawa ko, sa pagpapahamak ko sa sarili ko, sa panahong pinili kong mamatay para sa inyo ng hindi man lang inisip ang mararamdaman mo." sagot ko at humugot ulit ng hininga para harapin sya. "And because i almost missed the promise i made to you." dagdag ko.

Pinanuod ko syang humakbang sakin, at ang klase ng tingin nya ay nagbigay ng kakaibang pakiramdam sakin, hanggang sa pinutol nya ang espasyong namagitan samin at lumapat ang labi nya sakin.

Tila huminto ang mundo ng maramdaman ko ang labi nya, tila kinuryente ako at nagbigay ito ng paru-paro sa tyan ko at nagpatibok ng malakas sa dibdib ko. Tila nagkaroon kami ng sariling mundo.

And when he started to move in passionate way, i move in the same rhythm. And when we almost out of breathe, we stop to catch out breath.

"I was waiting for you to open up. I've been waiting Agnes." salita nya. Napangiti ako at hinawakan sya sa mukha.

"I'm sorry." muling salita ko. Sumilay ang ngiti sa labi nya at niyakap ako, and just like that, i felt his happiness.

"No need to say sorry, my love." salita nya at binaon ang mukha nya sa leeg ko, naramdam kong inamoy nya ito kaya napahagikik ako dahil may kiliti ako roon. Tinulak ko sya ng bahagya at napailing nalang sa mapaglarong ngiti nya.

My Sebastian is back.

"Let's have a date." alok ko na.

"Heyy, dapat ako ang nangaalok sating dalawa." reklamo nya pero hindi mabura ang saya sa mukha nya. Inirapan ko sya sa mapaglarong paraan.

"Ang tagal mo kasing magsalita. Tyaka wag ka na maarte, dinner date tayo mamaya, ipasyal mo narin ako." sagot ko at bahagyang tinawanan sya.

"Oo na, sige na. " sagot nya at naupo sa tabi ko saka niyakap ulit ako patagilid.

"Napipilitan?" tanong ko at pinaningkitan sya ng mata. Umiling naman sya at bahagyang tumawa.

"Of course not, my love. I would love to take you anywhere you want." sagot nya. Napangiti ako dahil sa narinig.

"You know you won't lose me again, do you?" salita ko. Tumango naman sya habang nakapikit at nakasandal ang ulo sa balikat ko.

"I just like to hug you forever. Narealize ko lang nu'ng mawala ka at nu'ng nakahandusay ka sa harapan ko at wala nang buhay, na marami pala akong gustong gawin kasama ka, na marami akong hindi pa nagagawa kasama ka, and hugging you like this is one of those." salita nya. And it makes my heart even more happier, so i let us be like that for a moment.

"Everything's fine now, i will never leave you anymore." sagot ko at masayang ngumiti. Tumango sya at tumingin na sakin.

"And i will never let you leave me, now, and forever, my love." salita nya and he sealed his promise by a kiss.

All i know is that, we both feel the same.

He is my love...

My home...

My life...

My man...




Prim_rose7

A/N: Awwwww bitin ba? Alam nyo sa totoo lang, naiingit ako!!! Huhuhuhu sana ako rin may love, ayysstt i know! The right time will come for the right person for me!! Ayiieee. HAHAHA kayo rin naman readers! Weewss ngayon gusto ko lang sabihin na MALAPIT NA TAYONG MAGTAPOS! Sooo I'm just getting ready to cry.🥺

Huhuhuhu see you in the last chapt!

[DON'T FORGET TO FOLLOW, VOTE AND COMMENTS! AT LEAST JUST DO THIS SIMPLE THINGS FOR ME!]

Reincarnation of goddess Aphrodite✓Where stories live. Discover now