ROGA²⁸

959 32 0
                                    

Akira's POV

"I think we should go now. Baka hindi natin sya maabutan." Paanyaya ko kay Flynn. Tumango sya at muli kaming nagpaalam kay Britanya bago lumabas ng bahay at tuluyang umalis sa lugar nya.

Good thing, hindi kami masyadong mahihirapan sa paglalakbay dahil sa mga centaurs na kasama namin. I actually asked for their help.

"Let's go Mr.Blake" rinig kong salita ni Flynn sa Centaur nya. Inabot naman ni Mr.Dan ang kamay nya sakin. Tig-isa kasi kami ni Flynn.

Inabot ko na ang kamay nya at umakyat sa likuran nya ng mapahinto ako. Nilibot ko ang paningin sa kagubatan, nagsiliparan ang mga ibon paalis sa mga puto. Naningkit ang mata ko at lalong mas pinakiramdaman ang paligid. Damn. Something's wrong. Namumuo ang kaba sa dibdib ko sa di malamang dahilan. A warning. Something's telling me that someone's in danger.

Mas lalong kumabog ang dibdib ko ng makita kong papunta da direksyon ko ang isang owl. Nakilala ko rin agad ito kaya nilahad ko ang braso ko para doon sya tumayo. May nakataling papel sa leeg nya kaya kinuha ko ito saka naman umalis na si Mr.Owl, ang messenger ko mula sa academy. Binasa ko rin agad ang sulat at napatingin kay Flynn na mukhang naguguluhan sa pinapahiwatig ko.

"The academy is under attack." Tanging na sabi ko. Dumilim ang mukha nya at pareho kaming tumango sa isa't isa bilang hudyat, saka kami halos liparin na ng mga centaur makapunta lang pa balik sa academy.

**************

Azra's POV

Huminga ako ng malalim ng makitang nakalipad ng maayos si Mr.Owl, ang messenger ni Akira na pinadalhan ko ng sulat. Hinanda ko na rin ang pana saka sunod sunod na nagpakawala ng arrow sa mga bampira na umaatake sa academy. Nasa tuktok ako sa pinakamatayog na puno sa harapan ng boarder ng academy, kaya kitang kita ko silang lahat.

As of now, wala pang namamatay sa amin dahil sa mga limang coordinates na syang unang taga-depensa namin.

Napahinto ako sa pagwawala ng arrow ng mapansin kong pati wolves at gigantes ay sumusugod na. Damn. Mas dumadami na sila.

"Close the boarder!!"

"Close the boarder!!"

Rinig kong sigaw sa baba. Bumaba na ako sa puno at tumakbo papunta sa boader. Umakyat ako sa tuktok nito at hinanda ang pana.

"Archers! Position!" Sigaw ko sa likod at narinig kong umaakyat na ang mga archers. Like descendants of Artemis, Apollo, Hyperion and other gods that usually using bow and arrow. In no time, all Archers are aligned by my side to cover the whole boader.

And the coordinates are outside the boarder. So all we had to do is to cover them up. Tumingin sakin si Cynthia na nasa gitna ng mga Coordinates. Saka sila nagsihanda para harapin ang mga paparating na kalaban. Some vampires are inside the academy pero nandoon naman sila Zach para tulungan ang mga estudyante.

"Archers! Ready!" Sigaw ko at nagpalabas ng tatlong arrow at kinabit sa bow.

"Aim!" Sigaw ko bilang hudyat. Tinutok ko na ang pana ko sa target ko, 3 wolves at a time. Naghintay ako ng hudyat na aatake sina Cynthia.

And when the enemies are closer to the barrier, the Coordinates lounge an attack.

"Fire!" Sigaw ko at sabay sabay kami ng mga Archers na nagpakawala ng arrow sa mga target namin. Isa isang bumagsak ang mga wolves kaya deretso sa mga gigantes sina Cynthia.

"Ready!, Aim!, Fire!"

Muli kaming nagpakawala ng mga arrows at hanggang sa naging sunod sunod na. Aiming at the right target.

Reincarnation of goddess Aphrodite✓Where stories live. Discover now