Chapter 26

6.7K 265 92
                                    


"Nag-kiss na kayo?" Tanong ni Athana at ininom ang alak sa baso.

Kinindatan ko siya, mukhang tinatamaan nadin ng alak ang sistema ko. "Di pa ah," sabi ko.

"Yung totoo?! Bagal mo naman, sis."  Tinapik niya ako sa braso. "Kung ako sayo, sineduce ko nayan si Zeus. Daming may bet dyan e at ikaw ang binigyan ng chance nila Tita..."

Pinanood namin pareho ni Athana ang magkakapatid na casual na nagkekwentuhan sa couch. They were drinking too pero hinila lang ako ni Athan dahil may mga tanong daw siya saakin.

Uminom ulit ako. "Oo, nagkiss na kami," pag-amin ko.

Nanlaki ang mata niya at himapas ako sa braso. "Wow! That's my girl! Next move na! H'wag na patumpik-tumpik pa at baka maunahan ka!"

Nakatulala lang ako sa mukha ni Zeus. Nakakataba nng puso panoorin siya na makipag-usap sa mga kapatid niya na nakangiti.

"I'm taking it slow. Slowly but surely."

"Ah, magkaiba tayo ng diskarte. Me? I'm always after something kahit walang label basta may keber!"

Tumawa kami ng sabay at tinulak na niya ako dahil tumayo na si Zeus papunta sa direksyon namin. He was in the good mood the whole night. I thought he was that KJ kapag mga ganitong bagay. Pero hindi, game na gamae siya sa gustong gawin ng mga kapatid niya.

"Can I have my date now?" Inilahad ni Zeus ang kamay sa direksyon ko.

Umirap si Athana. "Sana all sinusundo!" Sabay lakad palapit sa pwesto nila Zeno.

"Enjoying the night huh?" Sumandal si Zeus sa bar counter. I was smiling when he turned his head on me.

"Syempre. Hindi ko akalain ganito ka kasaya makasama sa ganito."

"We used to do this often before. Si Zoey laging pasimuno. Though are parent's are really strict. Si Zeno ang laging gumagawa ng paraan para makatakas kami sa bahay then I'll be the one taking everyone home safely."

Nagulat ako nang biglang tumayo si Zeus sa harap ko. Putting his hand on both of my sides. Napalunok ako sa ginawa. Para siyang walang pakialaman na ginagawa nanaman niya saakin ito. He's really flirty when drunk.

"Ginagawa mo?"

He kissed the side of my head and laughed.

"Chill, baby... You want this game, don't you?"

Tumayo ang balahibo ko. Ngunit hindi ko pinakita sakanya na naapektuhan ako sa mga mata niya, sa boses niya at sa ginagawa niya.

"No, I just want you." tapang-tapangan na sagot ko.

He giggled and bit his lips. "I'm yours, Alzera."

"Label muna bago landi." Irap ko at tinulak siya ng marahan pero hinapit lalo ni Zeus ang bewang ko palapit sakanya. "Ayan ka nanaman ah..." nanghihinang sabi ko.

"Hmm. Be my girlfriend then?"

I blinked. Hindi alam kung paano ipoproseso ang sinabi niya. Binibigyan na niya ako ng label? Totoo ba ito? O dala lang ng kalasingan? Para akong hindi makahinga.

"Hoy! Zeus! H'wag mo akong pinagti-tripan ah." Umaasa kasi ako... Ano ba naman ito?!

"I'm not, let's make it official. Satin dalawa, Alzera. What do you think?"

Umiwas ako sa mga tinginan niyang makalaglag panty na. Shit. Shit. Shit. I didn't expect this! Why all of a sudden he's asking me to be his girlfriend?!

"Pag-isipan ko muna..." Lumihis ako ng tingin.

"Oh okay, I'll wait then." Akmang lalayo na siya nang hawaka ko ang laylayan ng damit niya. He raised his eyebrow.

Esqueza Series 1: Marrying The BillionaireWhere stories live. Discover now