Chapter 30

4.5K 155 28
                                    



Wala akong ibang maisip kung sino ang gagawa nito kundi ang ex niya lang na si Vanny. May history sila sa pagiging brutal ayon kay Tita Iris kaya isa rin iyon sa rason kung bakit hindi sila boto rito para kay Zeus.

Tinawagan agad ni Zeus ang mga bodyguards nila kanina para sunduin kami. Si Tito Zach ang pinaka nag-aalala ngayon dahil sa nangyari. He even asked for a CCTV footage para makita kung sino ba ang gumawa but too bad, hindi abot ang camera sa parking lot ng kinainan namin.

Ang tanging nakita lang ay taong naka-blackhoodie ngunit hindi kita ang mukha dahil nakatalikod ito. My hands were shaking a bit but I tried to hide it.

Zeus entwined our hands nang maramdaman niya ang takot na bumabalot saakin. "You're safe, Alzera," he assured me. "I won't let anyone hurt you. Kung sino man ang may kagagawan niya, I'll let him or her pay for this."

I bit my lip. "I-I'm not scared," sabi ko. "I'm just shocked. First time kong makaranas ng ganito."

Tumingin saamin si Tito Zach, seryosong-seryoso ang mukha nito. "I'll ask our private investigator to look into this. If this is a prank, this isn't funny to begin with."

Kapag si Tito Zach talaga ang nagsasalita na, makikinig ka talaga at matatakot. Siya iyong tao na ayaw mo makabangga dahil paniguradong pagsisisihan mo.

"Sino naman kaya ang pwedeng gumawa nito?" tanong ni Tita Iris habang nakatingin sa screen. "That look like a guy."

"Or someone's trying to deceive us," sagot ni Tito Zach sabay tingin kay Zeus. "We know she's back, Zeus. There's a huge possibility that she did this."

Nanigas ang katawan ni Zeus. Hindi alam ang sasabihin. I pressed his hand nang hindi siya sumagot. He was trying to hide it from his parents. Pero ano bang sikreto ang hindi nila alam?

"Dad, we're not together. Let her live in peace," mahinahon sagot ni Zeus sa ama.

"You know I won't but if I find out that she's involve to this. She have to face the consequence."

"Dad," mariin na sabi ni Zeus. "She's not as bad as you think."

"Zeus, you don't know a thing about her background."

"I fucking know everything, DAD."

Pumigitna na si Tita Iris sa dalawa. "Calm down you two. Let's not jump into conclusion, let the investigator do his job and wait for it."

Mabilis na umatras si Tito Zach nang hawakan na siya ni Tita Iris. She was the only person who could calm a dominating man like him. Buti nalang nandito siya. Pilit ko na hinila si Zeus para umakyat sa kwarto. Humiwalay ito agad at hindi na ako kinibo pa.

I let him. Wala akong ideya kung anong mayroon sa nakaraan nila talaga. How tragic it was at kung bakit ganoon ang reaksyon ni Tita Zach kay Vanny. Hindi ako nakatulog ng maayos buong magdamag kakaisip kung sino ba iyon at naiisip ko nanaman baka kaya siya naaapektuhan dahil mahal niya parin si Vanny.

Bakit hindi? Ang tagal din nila naging magkasintahan. Bigla na lamang ako sumulpot kung saan eh. But I shoo the thoughts away when morning came. Hindi kami sabay pumasok kaya nagpahatid nalang ako sa driver nila.

Zoey was reminding me about the reunion that we needed to attend next week. I don't know... But I'm a little nervous about it.

"Your gown is the real bomb, Alzera. Mukhang hindi lang si Zeus maglalaway sa'yo," she said.

Nasa loob na kami ng sasakyan. It's been weeks pero ang layo parin ng loob ni Zeus saakin. Ganoon naman 'yong lalaking 'yon, napaka-moody. Hindi ko na muna pinilit ang sarili ko sakanya. Kaya kami ni Zoey ang nagsabay papuntang reunion. Si Athana naman at Zeno ang magkasama sa kabilang sasakyan.

Esqueza Series 1: Marrying The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon