Chapter 3

22K 564 71
                                    




CHAPTER 3





Katahimikan ang namayani sa amin tatlo.

Itinaas ko ng kaunti 'yong ulo ko para tingnan ang reaksyon ni Zeus. Na-disappoint ako dahil nakatalikod siya sakin. Pero hula ko, pabalik-balik ang mga mata niya sa magulang niya dahil Mr. and Mrs. Esqueza were watching Zeus' reaction too.

Nararamdaman ko nanaman ang aura niya na nagpipigil ng galit. Napakagat labi na lamang ako. Bakit ba kasi naisip ng magulang niya 'yon? Arranged Marriage sa panahon na ito? Chinese ba sila?

"Okay," he finally said.

Okay? Ayon lang sasabihin niya? Tama nga ata sila Mr. and Mrs. Esqueza, sinusunod ni Zeus ang gusto nila kahit taliwas iyon sa nararamdaman niya. Grabe, Zeus Esqueza, buhay ka ba talaga? Bakit parang isa kang puppet?

"Zeus, we're doing this for you---"

"It's okay, mom. Kung anong gusto niyo, gagawin ko." It looks like he recovered himself that fast. Ang galing niya magtago ng emosyon. "Dito na ba siya titira? Sa kwarto ko matutulog? Magkasama na ba ulit kami sa trabaho? Let me know, para maging aware ako."

I could sense sarcasm.

"She will be using the room next to yours. Since it's a connecting room, hindi mahihirapan si Alzera na kausapin ka kapag kailangan ka niya," sabi naman ni Mr. Esqueza, pinapantayan nito ang pagkaseryoso ni Zeus. "Babalik siya sa trabaho. You'll give her the same position that she left and she will be staying here as long as you want to."

"Of course, dad. If that's what you want. I trust you two with my future." Nagulat ako ng tapunan niya ako ng tingin. "Alzera, come, I'll show you your room. Mukhang pagod na ang mga magulang ko."

Hinawakan ako ni Zeus sa kamay at deretsong hinila pataas. Naguguluhan napatingin ako sa mag-asawa sa likod ko habang kinakaladkad ako ng anak nila. Parehong nagaalala ang mga mukha nila pero hindi ko alam kung sa'kin ba o kay Zeus Esqueza.

Halos mapangiwi ako sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Kaya nag-focus nalang ako sa nakikita ng mga mata ko.

Kung maganda sa ibaba, mas maganda rito. Pang-museum ang design ng bawat dingding na nadadaanan namin.

There were lots of painting and statue and doors. Tiningnan ko si Zeus na naglalakad ng tahimik. Ngayon ko lang napagtanto na may pagka-weird pala siya.

I mean, when you get to know him personally, sobrang misteryoso ng ugali niya. Hindi mo alam kung inis ba siya o masaya o nalulungkot. Isa lang kasi ang nararamdaman ko madalas; ang galit niya.

"Hoy, Zeus Esqueza, mapuputol na 'yong kamay ko sa ginagawa mo." binitawan niya agad ang kamay ko pero patuloy parin ito sa paglalakad. "Problema mo ba sa buhay bakit ang sungit-sungit mo? Para ka laging nireregla."

Huminto siya at tumingin ng masama sa'kin. Itinaas niya ang kamay.

"What?" tanong ko sakanya.

Nagpipigil ba siya ng galit? Hinawakan ni Zeus ang pinto sa gilid niya.

"Dito ang kwarto mo." hinagis niya 'yong susi at dahil hindi gumagana ang flexibility ko tumama 'yon sa noo ko.

"Ang sakit, ha!" reklamo ko habang hawak-hawak na 'yong parte na tinamaan. "Wala ka talagang puso, hilig-hilig natin manakit, bes," sabi ko at dinampot 'yong susi na nasa paanan ko.

Hindi naman niya pinansin ang sinabi ko. He gave me a poker face. "Gaya ng sabi ng magulang ko, katabi mo ang kwarto ko. Kaya h'wag na h'wag kang mag-iingay. I don't like loud-annoying woman. If you need my help, don't even bother to knock. Mabuhay kang magisa habang andito ka sa teritoryo ko. You want this life? Then learn the hard way."

Esqueza Series 1: Marrying The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon