Chapter 19

8.2K 254 22
                                    

"Anong sinabi mong bruha ka?! Enjoy the rest of the night?"

Hinila ko ng mabilis ang kakasuot niya lang na sumbrero at binato sa sahig. Napalingon nanaman siya saakin na galit na galit ang mata. She's gritting her teeth and hands were balled into fist.

"Listen to me, Impakta. Since nasa baba na si Zeus mag-realtakan tayong dalawa."

Pinagpagan ko ang dress ko na tinapunan niya. Nagkukuyom padin ang bagang ko sa babae ito.

"Ikaw ang mag-e-enjoy ngayon gabi. Panoorin mo kung gaano kami ka-sweet ni Zeus Esqueza habang pinapakilala ako ng magulang niya as fiance niya! Tandaan mo, hindi ka gusto ng magulang niya para sa'yo. Kaya't habang nandito ako matuto kang makisama kung ayaw mo bandang huli, uuwi ka ng luhaan!"

Padabog ako na naglakad at binangga siya sa balikat. Walang nasagot ang bruha. Nagtinginan kami ng masama na kung posibleng magbuga ng apoy ang mga mata namin ay nangyari na.

"Kilalanin mo muna sinong kinakalaban mong bruha ka. H'wag ako. Mabait ako sa mabait pero kapag tinatarantado na ako, lumalabas ang pagkademonyo ko."

"Fuck you!" sigaw nito saakin.

"No, fuck you. And one day, he will fuck me too, Impakta!"

Mabilis ako na lumakad at sinipa papalayo lalo ang sumbrero niya na hinagis ko sa sahig. Ang bilis ng tibok ng puso ko at parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang gigil sa babaeng 'yon! Grabe lang, ha?

Nakakaubos siya ng pasensya! Halos mabalian na ako ng buto ko sa sobrang bigat ng paa ko habang bumaba ng hagdan. May iilan na nakatingin sa damit ko at nagtatanong ang mga mata nila kung anong nangyari. Wapakels.

Dumiretso na lang ako sa loob at agad na hinanap si Zeus. Buti nalang medyo madilim na dito at busy ang mga tao sa pakikipag-usap.

"What? She did what?"

May kausap ito sa cellphone. Hula ko nagsusumbong na si Vanny sa ginawa ko. Kinagat ko ng mariin ang labi ko at hinila ng marahan ang dulo ng laylayan ng kanyang coat. Lumingon siya saakin na nakakunot ang noo.

He raised his hand but stopped midway when he saw me crying and looking wasted because of his girlfriend.

"She did that?" he mouthed.

Inumpisahan ko na ang pag-akting ko. Mabilis naman tumulo ang mga luha sa mata ko.

"O-oo..." sagot ko na mas lalong kinagat ang labi tila ba nagpipigil ng iyak.

"Pinagkakaingatan ko 'tong damit, Zeus. Wala akong ginagawa sakanya, bigla nalang niya ako binuhusan ng orange juice!"

Tila naiba ang tema sa ekspresyon ng mukha ni Zeus.

"I'll call you later, Vanny."

Huh. Vanny! Hindi niya tinawag na baby ang girlfriend niyang baliw. Mukhang epektib ang akting ko ngayon gabi, ah? Kahit na nag-iinit padin ang dugo ko sa babaeng 'yon.

Kailangan kong gamitin ang pagkakataon na ito para makaganti sa kamalditahan niya.

"Gusto ko nalang umuwi, ayokong humarap sa mga tao na ganito. Hiyang-hiya na ako sa sarili ko, Zeus," panimula ko habang nakatingin sa paanan.

"Let's talk here."

Pumasok kami sa isang stock room. Biglang tumahimik ang kapaligiran namin tila nanginig ang katawan ko dahil dalawa lang kami sa loob nito. I was torn between acting and validating my feelings. Sobrang seryoso ng mukha ni Zeus, nakapameywang pa siya para bang alalang-alala sa nangyari.

Huminga muna ako ng malalim. "Like I said, gusto ko na umuwi. Like Zeus, I was talking to her nicely tapos bigla niya ako bubuhusan ng juice?!" reklamo ko.

Esqueza Series 1: Marrying The BillionaireWhere stories live. Discover now