Chapter 24

9.8K 344 84
                                    

"Goodevening, Tito. Nandito lang po pala si Alzera."

Hindi niya inalis ang tingin saakin. Shit! Gusto kong kainin ng lupa sa ginawa ko! Todo akting pa ako kanina tapos maabutan niya lang ako dito sa bahay namin. I crossed my arms. Kasalanan din naman niya kung bakit ko nagawa 'yon. Yeah, right. Kung hindi niya ako iniwan hindi naman talaga ako magsisinungaling sakanya.

"Akala ko ba may lakad 'tong si Zeus, Alzera? Bakit ka hinahanap ngayon?" nagtatakang tanong ni Papa.

"Someone called me, Tito, that she needs my help. The caller said she's out there drinking."

Natawa si Lucky sa gilid ko. Agad kong siniko ang kapatid ko para manahimik siya.

"Teka, teka, tagalog lang tayo. My nose is blooding, anak," tatawa-tawang sabi ni Papa. "Uso na talaga mga manloloko ngayon. Ano ba tawag don? Lagi ko napapanood sa facebook. Ah, punk call!"

"Prank call 'yon, Pa!" pagtatama ni Lucky. "Saka hindi naman talaga totoo na nag-iinom si Ate--- Aray!"

Kinurot ko si Lucky sa tagiliran. "Ang daldal mo naman, Lucky. Bumalik kana sa taas. Wala kang skin sa'kin sa ML ah." nanggigigil na pagbabanta ko sakanya.

Kamot-ulo naman umakyat ang kapatid ko.

Hinarap ko si Zeus at tinaasan ng kilay. "Pwede kana umuwi sainyo at puntahan 'yong pupuntahan mo. Niloko kalang ng tumawag sa'yo."

Hinampas ako ni Papa sa braso. "Hoy, umayos ka nga. Bakit ganyan ka makipag-usap kay Zeus?"

Lumapit ito at hinila si Zeus para umupo sa sofa. Kumunot ng todo ang noo ko.

"Madami talagang siraulo ngayon, hindi siguro napalaki ng maayos 'yon ng magulang niya kaya naging ganon," sabi pa ni Papa. "Kakarmahin din 'yon tao na 'yon. Mukhang may mahalagang lakad ka pa man din ngayon."

"It's alrigth, Tito. Gusto ko lang din puntahan si Alzera at malaman kung safe ba siya nakauwi."

They both stared at me. Nanlaki ang mata ni Papa saakin si Zeus naman nang-aasar 'yong tingin.

"Safe naman. So... Uwi kana," pagmamaldita ko sakanya.

Mabilis na lumapit saakin si Papa at hinampas ako sa braso. "Bibig mo, Alzera Jane ah! Sumusobra na!"

"Aray naman, Pa! Kanina mo pa ko hinahampas naman."

Hawak-hawak ko 'yong braso ko na nakanguso. I was caressing it and checking kung may pasa ba.

"Totoong anak mo ba ako? Bakit mo ako tinatrato ng ganito?"

Pero wala na ang atensyon saakin ng Tatay ko. Nasa labas na ng pinto.

"Oo! Nandito 'yong manugang ko na mayaman! Hala sige, uwi na kayo. Wala naman shooting ngayon. Hindi sanay 'to sa madaming tao. H'wag na kayo sumilip dyan sa bintana! Anak ng teteng naman, Marideth! Wala naman balikbayan box na dala 'yan!"

"Tinitingnan lang naman namin kung pogi. Aba, pogi nga! Katulad ng sasakyan! Napakaswerte ni Alzera nakabingwit ng mayaman. Love is blind na talaga. Jusme!"

"Aling Marideth, Hindi na ako natutuwa sa lumalabas sa bibig mo ah!" suway ko sa kapitbahay."

"Totoo naman. Hindi ka naman maganda. Mas maganda pa anak ko sa'yo noh!"

Susugod sana ako sa sobrang inis ko pero nagulat ako nang hilahin ako ni Zeus paupo sa sarili namin sofa. Mabilis na sinara ni Papa iyong pinto at nakapameywang na humarap saakin.

"Maganda ka, anak. H'wag ka naniniwala sa mga inggitera natin kapitbahay."

"Alam ko 'yon, Pa," sabi ko ng naiinis padin.

Esqueza Series 1: Marrying The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon