Chapter 28

4.7K 158 36
                                    



"Ha?"

Para akong nabingi sa sinabi niya. Totoo ba? He's asking me to marry him?

"I said marry me," he said again, face is serious.

Ngumiti ako. Okay, I don't want to ruin his mood. "Final answer? Touch move? Tapon susi?"

Tumawa siya at itinaas ang kanang kamay. "You have my words. Naisip ko lang na wala naman mangyayari kung hindi natin seseryosohin 'to. We should give us a chance and who knows? It'll work."

Hinampas ko siya sa braso. "Ano bang gusto mo lutuin ko? Bigla kang bumabanat ng ganyan eh."

Umayos siya ng upo. "No, I'm serious, Alzera."

"I know you are serious. Kaya nga Zeus pinangalan sa'yo kasi Zeuso ka eh." He looked at me like it was corny. "Joke lang! Pinapatawa lang kita! Hindi kasi ako sanay na ganito tayo." I bit my lower lip.

"You should. Starting today, we should act like one."

May lumabas na lalaki from the wedding shop at lumapit sa sasakyan ni Zeus. He opened his door and gave the guy his car key. Umikot siya sa pwesto ko at binuksan ang pinto. Napangiti ako. Grabe naman pala ang simula talaga.

"What?" tanong niya nang mabuksan ang pinto. Nangingiti kasi ako.

"Wala," nakangiting sabi ko at bumaba.

Hinawakan niya ang kamay ko at lumakad na kami papasok ng shop. "What is it? Tell me?"

"Manligaw ka muna," sabi ko nang salubungin kami ng attendant ng shop.

Hindi siya sumagot. Mukhang hindi narinig ng mokong na 'to ang sinabi ko ah. Di bale, sabihin ko nalang ulit kapag tinanong niya. Ang mahalaga, nasa wedding gown shop kami! It means, kahit papaano nagle-level up na ang relasyon namin dalawa.

"Hi, Mr. Esqueza. I received your request, this way, Sir."

Nagtinginan kaming dalawa dahil ibang-iba ang tono ng babaeng nagsasalita. We both knew, she is trying to flirt with him. Napailing na lamang ako at pumasok na kami sa isang malaking kwarto na puro salamin at iba't ibang klaseng gown.

Napanganga ako sa sobrang ganda ng mga designs na nakikita ko. Princess cut, V-cut at halo-halong designs na tanging sa TV at magazine ko lang madalas makita! Mas humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya nang tapunan niya ako ng tingin.

"Sir, this is all our unique designs and these all are made by famous designer. Let me know what you think," sabi ng babae na may palabas pa ng dimple.

Ngumiti saakin si Zeus. "How about what my fiance's think?"

Nawala ang ngiti ng babae. Gusto kong umirap pero hindi ko na lamang ginawa. Sabagay, kataka-taka naman talaga na isang katulad ko ang napili ng isang Esqueza.

"As much as possible, I like it simple," sabi ko at lumakad sa isang gown. I touched it. Shit. This is a dream come true. Never kong na-imagine na makakapagsuot ako ng ganitong kagandang gown sa kasal ko.

"Do you have any idea in mind, Ma'am? Maybe we have what you prefer," sabi ng babae na hindi ngumingiti.

"Maybe she can try them so she can figure out as well what she likes," Zeus suggested.

Napatigil ako sa pagkakahawak, I stared at him. "Pwede mo bang makita ang susuotin ko sa kasal? Hindi ba malas 'yon?"

Tinaasan niya ako ng kilay. "It is unless one of these is your choice. Kumukuha palang tayo ng idea kung anong design ang gusto mo. We can ask someone to make it for you."

I blushed. Feeling ko ang haba bigla ng buhok ko. Itinaas ko ang kamay ko at itinuro ang simpleng white gown. May pa-zipper ito sa likod at hapit na hapit sa manequin, it looks like a corset. Kaya kitang-kita ang kurba ng katawan nito.

Esqueza Series 1: Marrying The BillionaireWhere stories live. Discover now