Chapter 25

15.1K 429 221
                                    





Kanina ko pa tinitingnan 'yong oras. Panay din ang galaw ko dito sa kama. Ano ba kasing problema?! Bakit hindi ako makatulog? Si Zeus lang naman ang kasama ko dito sa kwarto ko. Yeah, right. Zeus Esqueza lang naman, wala nang iba.

Sinubukan ko siyang silipin. Tumawa ako ng marahan nang makita ko rin na panay galaw niya sa sahig at todo baluktod iyong mga paa niya. Mukhang hindi lang ako ang dinadalaw ng antok, ah?

"Huy, Mahal na Prinsipe," tawag ko sakanya.

Hindi sumagot si Zeus at panay parin ang galaw ng paa niya. He even hugged himself tighter as if my voice annoyed him.

"Dito ka nalang sa kama."

Mabilis na napaupo si Zeus at tumingin saakin. "You sure?"

"Oo naman, bakit hindi?"

"Alright, baba kana. I'll sleep there."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano ka hello? Syempre tabi tayo. Edi ako naman hindi makakatulog kapag ako nakahiga dyan."

Kung posible lang na makita ko siyang umirap sa dilim, feeling ko talaga inirapan niya ako.

"No thanks," he said then lied down.

"Arte mo naman, Zeus. Parang hindi mo naman ako natikman ng very light."

"Shh. I'm trying to sleep, Alzera," he reasoned, covering his head using my small pillow.

"Final answer na 'yan?"

"Shut up and let me sleep."

"Suplado! Sige, magkekwento pa sana ako tungkol sa multo na naglalakad dito tuwing madaling araw. Pero ikaw 'yan eh. Matapang ka naman, hindi na kita pipilitin pa basta walang gisingan kapag may narinig ka na yabag mamaya---"

Zeus suddenly jumped in. Nagulat ako nang siksikin niya ako at pilit tinutulak habang sa nahulog ako ng tuluyan sa kama.

"Ginagawa mo ba, Zeus Esqueza?!" sigaw ko habang hawak ko ang pwetan ko. Ang sakit kaya mahulog!

"You said I can sleep here," sabi niya na parang bata.

Tumayo ako ng galit. "Oo nga! Pero hindi ko naman sinabi na ihulog mo 'ko."

"Believe me, it's never my intention."

"Never my intention my ass. Napaka mo talaga!"

Dinampot ko 'yong unan ko at kinuha iyong pa-hotdog at nilagay sa gitna namin. Sumilip si Zeus kung ano ginagawa ko. Pinandilatan ko lang siya ng mata, bumalik din naman siya agad sa tagilid na pwesto niya na parang diring-diri sa'kin.

"Arte mo talaga. Kala mo may sakit ako eh, no? Gulo-gulo mo minsan. Hindi kita mabasa ano ba talaga gusto mo."

Humiga na ako sa tabi niya. Nakaderetso lang ang higa ko at nakatingin sa kisame ng bahay. Naririnig ko pa ang mga kwentuhan ng mga lasing sa labas at ingay ng electricfan sa gilid. Hindi parin ako mapakali talaga. Kainis naman 'tong lalaki na ito, eh. Tumalikod nalang ako ng higa sakanya at niyakap ang isang unan ko. Ang weird na nararamdaman ko parin pati pagbaba-taas ng dibdib niya.

Dalawang oras na ang nakakalipas. Mukhang alas-tres na ng madaling araw, hindi parin ako tulog. Ganon din naman si Zeus sa likod ko na panay parin ang galaw kahit na alam ko na nili-limit niya rin ang pagkilos niya para hindi ako maistorbo pero bawat galaw niya kapag gumagalaw din ako bigla siyang hihinto na parang robot. Gusto kong matawa eh.

Esqueza Series 1: Marrying The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon