Chapter 7

16K 499 43
                                    


Zeno Esqueza

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Zeno Esqueza


CHAPTER 7


"Puta naman. Ang sakit!"

Nagising ako na hawak-hawak 'yung noo ko habang nasa sahig ang katawan ko at nakadapa. Ito nanaman ang kalikutan ko sa kama. Nahuhulog na lang ako bigla ng walang sumasalo. Itinungkod ko ang kamay ko sa carpet at kinuha rin ang bimpo na nahulog din mula sa noo ko.

Ang sama ng pagkakabagsak ko. Kasi ramdam ko parin 'yung impact sa mukha ko hanggang ngayon. Napaupo ako at sumandal sa kama. Teka, anong oras na ba? Pagkalingon ko kung saan nakalagay 'yung relo bigla ko naaninag ang rebulto ng katawan ni Zeus Esqueza.

He was standing near the terrace, facing me with a serious expression on his face. Hindi ako nakaramdam ng hiya. Nayamot nga ako, eh. Kupal kasi talaga 'tong lalaking ito, hindi man lang ako tinulungan.

"Kanina kapa andyan, boss?" tanong ko at umupo na mismo sa kama.

"Yeah, nakita rin kita paano mag-dive sa sahig namin."

Umirap ako. "Thanks for the info, ha? Thanks din for the concern, mahal na prinsipe." I yawned kahit kagigising ko lang. "Sorry about kanina, Zeus, sobrang sama talaga ng pakiramdam ko."

"It's not a big deal. Okay kana ba?" he asked. "Kanina pa kita hinihintay na magising. It's been twelve hours, Alzera."

Nanlaki ang mata ko. "Wow, really? Ganon ako katagal natulog? Shit. Anyway, okay na naman. Masakit lang 'yong mukha ko sa pagkaka-dive sa sahig niyo." Isinuklay ko ang buhok ko. "Salamat pala sa paghatid sa'kin pauwi."

"Hindi kita hinatid. Nasaktuhan lang talaga na pauwi na ako. Don't expect as if it is something because it's not," seryosong sagot ni Zeus sa'kin.

Humiga ako sa kama habang nakatingin padin sakanya. Madilim na sa labas pero nagbibigay liwanang lang sa kwarto ang ilaw sa terrace pati ang lampshade sa tabi ko. Ibig sabihin ba hinintay niya talaga ako magising?

Oops, bawal mag-expect. Dahil kapag nag-expect ka ng mataas na wala naman basehan at pag-amin, masasaktan lang ako. Yeah, advance talaga ako mag-isip.

Nilagay ko na lang ulit 'yong bimpo sa noo ko. "Saan ka pupunta bakit nakasuot ka ng ganyan?"

"Going for a run?" sagot ni Zeus na parang natatangahan sa tanong ko.

"Bakit ba nambabasag ka. Nagtatanong lang naman ako," hinila ko 'yong kumot sa katawan ko.

Kasi naman naka-jogging pants siya na black at naka-gray t-shirt. Malay ko ba, kung pangtulog na pala niya 'yon, 'di ba? Kasi nakita ko na siya pagnag-gi-gym, nakahubad siya, eh. So, malay ko talaga. Epal epal nitong ni Zeus sumagot minsan.

Kinikilig na nga ako kanina dahil sa paghatid niya at pagbuhat niya at sa panaginip ko. Tapos isang buka lang ng bibig niya, naglaho na ang lahat.

"Yeah, baka naapektuhan na ng lagnat mo 'yan utak mo," he said then walked towards me. "Baka late na ako makabalik. Don't wait for me."

Esqueza Series 1: Marrying The BillionaireWhere stories live. Discover now