Chapter 31

9.5K 246 99
                                    


Galit na galit ako. Sasabog na ata ang puso ko sobrang yamot ko sa ex ni Zeus na ito. Para akong aatakihin sa puso sa nararamdaman ko na ito.

May humawak sa beywang ko mula sa likod, nang lingunin ko, it was Jeremy. Inirapan ko siya kahit lahat ng tao ay nakatingin na saakin. Wala akong pakialam! Gusto ko lang masabunutan ang babaeng iyan!

"Hibang na hibang kana? Desperada!" sigaw ni Vanny.

I was about to come after her again but then Zeus went to me. Tinanggal niya ang kamay na nakahawak sa beywang ko.

"Don't touch her, bro," he threatened Jeremy, sabay hila sa kamay ko upang malayo sa mga taong nagbubulungan na ngayon.

May sinisigaw pa si Vanny pero hindi na namin pareho inintindi pa iyon, hila-hila lang ako ni Zeus hanggang makarating kami sa isang malaking kwarto.

Bumitiw lang siya nang pagkakahawak saakin nang isara niya ang pinto. Namumula ang mukha nito at tiim-bagang tumitig saakin.

"Hindi mo na dapat siya pinatulan, Alzera," aniya habang palakad-lakad sa harap ko.

Pinanlakihan ko siya nang mata at tumayo para harangan siya. "Anong gusto mong gawin ko? Hayaan ko na saktan ka niya? Ni hindi nga kita pinapakagat sa lamok!"

"I can handle her, you don't have to tell her and everyone that you're pregnant. It's a big news to everyone. Ano nalang ang papaliwanag ko sa ibang tao? That you lied?"

Napalunok ako sa sinabi niya. How dare he?! Siya na nga itong pinagtatanggol ko, bandang huli, ako pa iyong masama?

"She started it!" sigaw ko sakanya. "I was out of my mind awhile ago. I'm sorry kung hindi ko napigilan ang bibig ko. Sorry kung iyon lang ang tanging naisip ko para makabawi sa sinabi niya na pokpok ako!" inis na inis na bulyaw ko.  "Saka bakit mo ba siya pinagtatanggol? You still love her, don't you?"

Huminga ng malalim si Zeus, tila ba stress na stress na sa sitwasyon. "Hindi mawawala basta-basta iyon, Alzera. But I'm starting a new life with you. Hindi ako makakapagsimula ng bago kung hindi ko tatapusin ang nakaraan ko."

"Not everyone needs a closure!" Tumalikod ako sakanya at sinabunot ang buhok. Hindi ko na alam kung kanino at saan ilalabas itong galit ko.

"But I do, you need to understand that and you need to trust me on that," he then calmly said, parang natauhan sa pinag-uusapan namin.

"Edi sana sinabi mo! Maiintindihan ko naman siguro kahit papaano kung pinaalam mo. Hindi ko lang ma-gets sa relasyon ito, we are a couple but still we keep a secret from each other," sabi ko sakanya. "And I'm not blaming you for that. Alam ko kung hanggang saan lang ako sa buhay mo, pero sana, please, sana naman pinapaalam mo kahit papaano para hindi ako nagugulat at nagmumukhang tanga sa ibang tao!"

Zeus turned his back on me. "When did you start being so demanding?"

Napaawang ang bibig ko. Na-offend ako sa sinabi niya. "Seryoso kaba sa tanong mo? I thought we are a thing! Ano iyon? Palabas lang lahat? Parte ng plano? Hindi kasi ako na-inform!"

"Fuck, Alzera," tila napu-frustrate na saad ni Zeus. "As much as possible, I want to work this out with you. But why, all of a sudden, you're making it hard to do so? You're being possessive and it's not even reasonable."

"What the fuck?!" Tinulak ko siya papalayo saakin. "Putangina? Ako pa ngayon? Pagkatapos kita ipagtanggol? Bandang huli ako pa may kasalanan?"

"I told you a million times, you don't have to. You need to trust me when it comes to it. I know what I'm doing!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 04, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Esqueza Series 1: Marrying The BillionaireWhere stories live. Discover now