Chapter 10

17K 517 75
                                    




Me: can we talk?

Zeus: about what?

Me: about us.

Zeus: is there anything to talk about?

Me: oo, meron! aakyat ako dyan sa office mo. may meeting kaba?

Zeus: none. wait you here before i go.


Hindi ako mapakali buong maghapon. Paano ba naman si Koya Zeus mo, bumabagabag sa kalooban ko 'yong sinabi at ginawa niya sa harap ng kapatid niya na si Zeno. Hello, sino bang hindi mapapaisip. Kasi as far as I know, wala lang naman itong samin. I was trying to show off his emotion but not this way... Wait, not with this complicated way.

"Day, akyat lang ako sa taas, ha? May sasabihin lang ako kay boss," paalam ko kay Tricia, she was typing and shoo me away.

"Don't forget to bring panyo, just in case na bugahan ka niya, okay?"

"H'wag ka ngang gaga dyan. Mag-uusap kami ng kalmado ngayon."

"Weh? Si Zeus? Kalmado kapag nasa office niya? That's not possible! At alam ko na alam mo 'yon."

"Tsk. Ang dami mo nang nasasabi, sige na, akyat na ako bago mo pa mabati mood niya at magkatotoo 'yan sinasabi mo."

I was counting back and forth to distract myself. Hindi naman kasi talaga ako proud makipag-confront in person pero kasi ito ang dapat bago pa magkanda-leche-leche ang lahat at maguluhan kami pareho sa kung anong set up ba talaga ang gusto niya.

Nadaanan ko ang secretary niya, ngumiti naman siya sa'kin na parang expected na niya ang pagdating ko. Hindi narin ako kumatok sa pintuan at dumeresto papasok sa loob. And there he was, his hand resting on his chin and staring at me.

"Oh, mukhang hinihintay mo talaga ako, boss, ha?" pang-aasar ko. Inayos ko muna ang sarili ko at ni-lock ang pinto bago tuluyan umupo sa upuan na nasa harap ng table niya.

"What do you want to talk about, Alzera?" tanong niya sa'kin.

Shems. Mukhang nasa mood ngayon si Zeus dahil kalmado nga siya at napagaan ng aura niya.

Itinaas ko ang kilay ko. "Let's talk about us. Kasi you know, kanina, medyo naguluhan ako sa inaasal mo."

He raised his eyebrow too, mimicking my move. "Anong dapat pag-usapan tungkol kanina, Alzera? You are my 'fiance' wala ba akong karapatan na umakto ng ganon sa harap ng kapatid ko?" he said, observing my reaction.

Napaisip ako ng saglit at humarap sakanya. "Mayroon, syempre. Pero hindi ka umaakto ng ganon kapag tayong dalawa lang. Nagsimula lang 'yon nung kinakausap na ako ni Zeno, wait, teka, sandali, ito ang tanong ko sa'yo."

His body relaxed, at dinantay ang likod nito sa swivel chair na inuupuan. He looked so freaking chill. What's up with his mood?

I cleared my throat. "Nagseselos kaba sa kapatid mo, Zeus?"

Akala ko tinaasan na niya ako ng kilay noong una. Pero mas tumaas lalo ang kilay ni Zeus Esqueza. Unbelievable. Obvious naman 'yong kilos niya pero bakit ramdam ko na mag-de-deny siya?

"I'm not, and never will be. Zeno is my brother and also my bestfriend. He's just like that to everyone. Kaya kung sa tingin mo nagseselos ako dahil sakanya, hindi, Alzera. You got your conclusion very wrong."

"Hoy, Zeus, ha. Bawal magsinungaling. Alam ko kung ano 'yong nararamdaman ko at the moment that time."

He shook his head. "You got my answer. It's up to you if you will believe it or not. Totoo 'yong sinabi ko sa'yo na kung gusto mo si Zeno, ako pa mismo ang maghahatid sayo sakanya, all you have to do is to tell me."

Esqueza Series 1: Marrying The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon