Chapter 9

15.5K 507 32
                                    



"Ano bang sinasabi mo, Zeus? Si Zeno talaga?" pagsisinungaling ko. "Kapatid mo 'yon, ano? Tapos siya talaga example mo?"

He stood there like he knew something. I kept my face poker, ngumingiti rin ako ng marahan para mas maging natural ang pagsagot ko.

"No. You can inform me if you like him or if you want a man like him. So I can tell Zeno para hindi kana mahirapan. How about that?"

Seryoso ba siya? Tumingin ako kay Zeus. His sharp annoyed look was making me feel uncomfortable. Ano bang problema nito ni Zeus?

"Seriously, Zeus Esqueza? Pinagtatabuyan mo ako papunta sa 'kapatid' mo?" I emphasized the word kapatid for him to know how irritated I am.

"Don't fucking fool me, Alzera. I know what I saw. You are obviously flirting with him," he said. "Wala naman sa'kin 'yon, but atleast let me know para hindi ka magsayang oras dito."

"Ooh. 'Yong kanina pala kinapuputok ng butsi mo?" naasar ko na sabi. Kahit na alam ko na may something sa ginagawa ni Zeno, I couldn't just admit it infront of me. Mamaya ako pa ang magsimula ng away nila magkapatid.

"It's nothing. Narinig mo naman, 'di ba? He's helping out. Alam mo, Zeus, pagod at antok kalang. Itulog mo nalang 'yan inis mo."

Dahil naiinis nadin ako. I felt guilty as fuck. Reaksyon palang ng katawan ko at pag-iisip ko kay Zeno, iba na eh. Ayoko. Ayokong matulad sa nanay ko na niloko ang tatay ko dahil lang sa isang lalaki.

Ayokong masira ang dangal ko dahil lang sa isang pangsamantala na nararamdaman ko sa katawan ko. At lalong ayoko na lokohin ang mga tao sa paligid ko. Dahil naramdaman ko na 'yon dati, sobrang sakit lang. Nakakawala ng kumpyansa sa sarili.

Kapag naloko kana, mapapatanong ka nalang sa sarili mo; may kulang ba sa'kin? May mali ba sa nagawa ko? Hindi pa ba A plus ang perfomance ko?

Naglakad na ako palayo sakanya. Nagulat ako nang hawakan niya ang braso ko at hinila papalapit sa katawan niya.

His stared was deep and scary. "You want me to feel something," he seriously said. "It'll only destroy you and fuck up your life, Alzera. You started this. Better yet to end it properly."

"Ano ba Zeus, nasasaktan ako." hila ko sa pagkakahawak niya sa braso ko. "Masakit tama na!"

"If you want Zeno then go after hum and stop fucking with my life. Dahil hindi mo magugustuhan na magalit ako. Alam mo 'yan." mas lalo niya akong inilapit sakanya kahit nagpupumiglas ako. "You mess with the Esqueza clan, Alzera. And you mess with me. Brace yourself because you'll get to know the real me."

Pagkatapos n'on binitawan na niya ako at naglakad palayo sa'kin. His mood changed and there was something about his voice that made me nervous. Napahawak na lang ako sa braso na hinawakan niya.

Mukhang magpapasa ang hawak ni Zeus. Mas lalong hindi mapakali ang puso't isipan ko sa mga sinabi niya. May tinatago ba siya na hindi alam ng lahat?

Iniligpit ko ulit ang mga pinagkainan ni Zeus. Tulala ako habang paakyat sa taas. Sobrang tahimik ng bahay nila. Sobrang laki pero iilan lang ang tao.

Nang mapadako ako sa kwarto ni Zeus, nakaramdam ako ng kakaiba. 'Yong aura niya na katulad kanina. Biglang nanlamig ang katawan ko at binilisan ko ang lakad papuntang kwarto.

I locked my door up and also the door that was connecting with his and mine. Sinarado ko rin ang pintuan sa veranda.

Nang makatulog ako nang gabing 'yon, binangogot ako. Because I saw Zeus Esqueza holding a gun, pointing at me.


Esqueza Series 1: Marrying The BillionaireWhere stories live. Discover now