Chapter 4

20.5K 542 87
                                    







CHAPTER 4


"Bakla, hindi ko rin sure kung gagana 'tong listahan ko kasi ang mga jowa ko rati, binibigyan ko lang ng sapatos bet, subo na agad."

Mas malakas ko na hinigop ang hotchocolate na iniinom ko. Andito kami sa Mcdonalds and I actually asked for help na to my Beauty-Queen-Na-Walang-Pempem na kaibigan. Syempre naman, kung sa mga taong paghihingan ko ng tulong, alam kong ang mga sirena ang magagaling mag-isip ng creative idea para sa mapansin ako ni Zeus at mapalabas ko ng tuluyan ang emosyon niya.

"Oh ano, masarap ba?" natatawang tanong ko sakanya. "Napakalandi mo talagang bakla ka. Gumagastos ka ng sampung libo para lang sa lalaki."

"Worth it naman ang kapalit, bakla!" Kumuha ito ng madaming french fries. "Saka ganon talaga pag nakaramdam ng matinding pangangailan, kakayanin ang lahat." sabay sinubo nito ang lahat na hawak sa kamay na para bang hotdog ng lalaking pinagkakagastusan niya.

Mas lalo tuloy akong natawa sa kaibigan kong si Daniela. Pero infrainess kasi to her, mukha naman siyang babae, h'wag lang magsasalita kasi malaki parin boes niya.

Sumandal ako sa upuan habang ang burger naman ang pinaginteresan ng bibig ko. "So what's the plan? Sure kaba effective 'yan kung paano magkakagusto sa'kin si Zeus?"

"Bakla, sa'kin kasi effective kasi alam ko na lahat ng galawan, hindi ko lang alam sa'yo. Saka ito ha, tanong ng babae sa babae lang. Ikaw ba handa ka na ma-inlove kay Zeus? Kasi hindi naman imposibleng mangyari 'yon. Ang gwapo-gwapo ng koya mo, ang perfect ---not sure nga lang sa ngipin kasi hindi ko pa siya nakikitang ngumiti."

"Hindi ako mai-inlove kay Zeus noh, mahilig ako sa panget, bakla, hindi ko alam bakit ganon ako. Pero mas bet ko kasi mga exotic 'yong itsura mas nagugustuhan ko pero naappreciate ko mukha ni Zeus. Saka mai-inlove lang ako sakanya kapag may nakita akong pangit sakayna."

"Ugali niya. Ano pa nga ba? Ikaw bakla, ha? Mamaya bigla mo isuko ang bataan kapag naghubad 'yan sa harap mo bigla."

Habang ngumunguya, sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ko rin gets kung bakit ganito palagi nagiging topic namin. About my virginity, kung paano ko isusuko ito sa mga lalaking nakikilala ko.

"Ang dami mong hanash, Daniel," naiinis na sabi ko sakanya. "Akin na nga 'yong listahan bago ako pumasok. Maya-maya magigising na si Zeus, dapat maayos padin suot ko para hindi niya mahalata na umalis ako at nagplano."

Umirap ang bakla sa harap ko at ininom ang mainit na kape. Hinintay ko siya na matapos at tumalikod ito para kunin ang mahiwagang papel sa bag. Iniabot niya 'yon sa'kin, agad ko naman kinuha at binasa.


Mga dapat gawin kung paano mapapahubad ang isang Esqueza sa harap mo:


1. Tingnan maigi sa mata ang isang Esqueza. Kasi ang sabi nga ng friendship natin na si Thomas Phaer sa tagalog, "Ang mata ay siyang bintana sa mga kaluluwa." in english. "The eyes is the window of the souls."

Wala nang mas se-sexy pa sa babaeng deretso ang eye contact sa lalaking kausap. Iparamdam mo kung gaano ka ka-interesado sakanya. Kagaya ng pagiging interesado mo sa buhay niya kahit wala siyang paki sa'yo. Masakit man pero kailangan tanggapin na hindi lahat nakukuha sa sarap.


Esqueza Series 1: Marrying The BillionaireWhere stories live. Discover now