Chapter 5

16.2K 491 38
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



CHAPTER 5


As usual, napairap nanaman ako pagkalabas ko ng office niya. The ever sungit Zeus Esqueza. Kaloka talaga. Siguro n'ong nag sprinkle si Lord ng kasungitan nakikipag-unahan 'yan sa first line? Nakakainis! Kung hindi lang talaga sila Mr. and Mrs. Esqueza ang nakipag-usap sa'kin, susukuan ko na siya!

Demn! Napahinga ako ng malalim at ipinikit ang mata. Pero kasi, there's something about him that I wanted to know. Maybe he was too hurt about his past? Too broken? Hindi ko alam, ang sigurado lang ako sa ngayon kapag nakuha ko na ang loob niya, I would try my best to unfold it and help him the best way I could.

"Welcome back, bitch!" sigaw ni Tricia nang makita ako naglalakad mula sa entrance. Binigyan ko naman siya ng matinding yakap tipong hindi na siya makahinga dahil sa hindi niya pagtatanggol sa'kin nang palayasin ako ni Zeus.

"Impaktita ka!" sabi ko. "Kaibigan mo lang ako kapag sa ginhawa pero kapag nagkandaloko-loko na. Nag-gu-goodbye frienship kadin, ano?"

"Grabe ka sa'kin, Day! Syempre naman, ayoko madamay. May anak at asawa akong umaasa sa'kin. Sorry na, please, huh? Magtimpla ako ng kape habang nagta-trabaho ka."

"Hindi ko kailangan 'yon, nako, h'wag na nga tayo magkwentuhan about sa personal life ni Zeus kapag nasa office. Baka pag-initin nanaman ako ng koya mo."

"Buti nga, Day. Magtrabaho na lang tayo ng totoo." natatawang pagsang-ayon nito sa'kin. "Ano ba sabi sayo nila Mr. and Mrs. Esqueza? Buti naman nabago nila ang desisyon ni Zeus at pinabalik ka noh?"

"That's my luck, I guess. Osiya!" tumayo ako at nilakasan ang boses para makuha ang atensyon ng iba sa team ko. "Guys, we're back to business! Tuloy ang research for our new design, dapat makapagpasa kayo sa'kin ngayon linggo, ha? Ang hindi makapagpasa ililipat ko ng department."

"Grabe! Pinabalik lang sobrang bossy na!" rinig kong sigaw ng isa.

"Wala kang paki. Ginagawa ko lang trabaho ko para hindi ako ang mapagalitan kaya umayos-ayos kayo. Pass it before it's too late, alright? Come on! Back to work! Let's do this one more time!"

Habang busy ang lahat sa utos ko. Kinuha ko naman ang papel sa'kin ng kaibigan kong bakla. Kasi hindi naman nag-work 'yong unang nakalista roon. So it means, I should move on to the second on her list. Which is. . .



Mga dapat gawin kung paano mapapahubad ang isang Esqueza sa harap mo:



                                      2. Ngiti. Isa sa pinaka makapangyarihan na weapon na hawak ng isang tao. Pwede mong mapa-ibig sayo ang isang tao sa pamamagitan ng isang ngiti. Kung nagawa mo na ang eye contact pwede mo rin ipag-combine itong dalawa.

Esqueza Series 1: Marrying The BillionaireWhere stories live. Discover now