Chapter 1

116 5 0
                                    

ACADEMIA DELA LUNA
CHAPTER 1
----

THIS BOOK IS COMPOSED OF GRAPHIC CREATURES AND SOME WORDS ARE MADE AND DEFINED BY MYSELF SO GOOGLE TRANSLATE WONT BE NECESSARY.  THIS IS ACTUALLY A FUN STORY SO , ENJOY :)
----

✞︎

"𝑇𝑎𝑔𝑢-𝑡𝑎𝑔𝑢𝑎𝑛 𝑚𝑎𝑙𝑖𝑤𝑎𝑛𝑎𝑔 𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑢𝑤𝑎𝑛. 𝑃𝑎𝑔 𝑏𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑚𝑝𝑢 𝑛𝑎𝑘𝑎𝑡𝑎𝑔𝑜 𝑛𝑎 𝑘𝑎𝑦𝑜..."





"Tara , tago na tayo !"





"Shhhhhh !!!!!"



"Bilis !!!"




Kagaya ng nilalaro namin , maliwanag at buo ang buwan. Tahimik , malamig  at tanging kami nalang ang nagpapaingay sa paligid habang sumasabay ang tunog ng gabi sa paglalaro namin.



"𝐼𝑠𝑎.. 𝐷𝑎𝑙𝑎𝑤𝑎.."



Alas sieti na nag gabi pero hindi ako nagpatinag. Gusto kong maglaro , kahit pa sabi ni inay na huwag daw akong magpagabi dahil delikado , hindi sa masasamang tao kundi sa mga engkanto at masasamang esperitu na lumalabas pag sapit ng alas sais na mismong dapit hapon kung saan napapalibutan na ng kadiliman ang paligid.




"Klara,  hindi pa tayo uuwi ? Gabi na , sabi kasi ni mama hindi nadaw pwede maglaro pag gabi lalo na pag tagu-taguan." nag-aalalang sabi ng isa sa mga kalaro namin na si Katie. Mas lalo pa siyang naeerita dahil sa maraming lamok sa tinataguan namin.





"Shhhh , baka marinig tayo ni Clarisse." reklamo ko habang pilit ko siyang pinapatago kasama ko sa ilalim ng malaking puno ng santol. Tahimik na ang buong paligid at tanging tunog lang ng gabi ang naririnig namin.


"𝑇𝑎𝑡𝑙𝑜.. 𝐴𝑝𝑎𝑡.. 𝐿𝑖𝑚𝑎.." rinig naming pagbibilang ni Clarisse.






"Klara , bahala kayo. Uuwi na ako !" sabay takbo ni Katie paalis.






"Katie---ay !" dali-dali kong tinakpan ang bibig ko para hindi ako marinig ni Clarisse na kasalukuyang nagbibilang.  Siya ang taya sa laro naming tagu-taguan.



"𝐴𝑛𝑖𝑚.. 𝑃𝑖𝑡𝑜.. 𝑊𝑎𝑙𝑜.." mabilisang pagbibilang niya.





"𝑆𝑖𝑎𝑚... 𝑆𝑎𝑚𝑝𝑢 ! 𝐻𝑎ℎ𝑎𝑛𝑎𝑝𝑖𝑛 𝑘𝑜 𝑛𝑎 𝑘𝑎𝑦𝑜 !" masiglang sigaw ni Clarisse.





Todo pigil ako ng tawa ng makita ko siyang naghahanap sa maling direksyon. Nasa bakuran kami ng isang abandonadong bahay kung saan nagmistulang gubat ang likod-bahay neto dahil sa marami ng matataas na puno , damo , at halaman. Marami ring sabi-sabi na pinamumuhayan nadaw ito ng masasamang elemento dahil sa sobrang tagal na itong abandonado. Pero dito kami halos madalas na naglalarong tatlo. Ako , si Clarisse , at tsaka si Katie.





"Klara ? Katie ? " paghahanap pa ni Clarisse samin.







Abot tenga ang ngiti ko ng makita ko siyang palayo na sa tinataguan ko. Papalapit na siya sa bahay habang nasa ilalim parin ako ng malaking puno ng santol.








"Klara..." mahina ng rinig ko sa boses ni Clarisse. Siguro nahihirapan na siyang hanapin ako ngayon lalo pa't umuwi na rin si Katie. Akala siguro niya nasa loob kami ng bahay nagtatago ni Katie.







ACADEMIA DELA LUNA [ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]Where stories live. Discover now