Chapter 13

15 3 0
                                    

ACADEMIA DELA LUNA
CHAPTER 13
----

✞︎


Sinunod ang sinabi ni Nuelo at sinaulo ko ang talata ng halos kalahating araw. Nahirapan akong sauluhin ito dahil malalalim na lenggwaheng engkanto ang ginamit rito. Ngunit kailangan kong mag pokus dahil hindi lamang ito basta-bastang pangyayari.



Hindi ko ikakailangang nakakadama ako ng kaba at kunting takot para sa mangyayari mamayang gabi , ngunit habang isinasaulo ko ang talata ay hindi ako iniwan ni Nuelo. Gumaan ang aking pakiramdam at naging kalmado naman ako kalaunan.


"Nakakapagod..." usal ko ng lahos masuhop lahat ng enerhiya ko kakasaulo sa talata na nakasulat sa libro. Napa bagsak-balikat akong sumadal sa ginintuang mesa. Itinuwid ko narin pansamantala ang aking mga hita dahil sumasakit na ito.



Dahil tanghali na ay nagsimula naring maging mainit ang paligid. Pawis na pawis kaming dalawa ni Nuelo lalo pa't nasa ilalaim parin kami ng ginintuang mesa.


Ilang oras na kaming nagtatago dito. Hindi naman nakakangalay ang posisyon namin , talagang sobrang init lang. At naubos ang enerhiya ko sa pagsasaulo. Parang nahimatay ang utak ko.



"K-klara , kung tatanong ka ni ama sa kung anong kaalaman mo sa sinaulong mong talata , ang isagot mo lang ay hindi pa kita naturuan patungkol sa bagay na iyan." usal niya.




"A-akala ko ba para ito sa ritwal ?" nagtaka kong tanong.





"Tama ka. Pero mas mabuti ng wag kang sumagot kay ama patungkol sa bagay na iyan. Lalo pa't hindi naman kita tiruan kung paano ito gawin." sagot niya sakin.



"Bakit mo hindi sakin itinuro ang mga ito nung nakaraang araw ?" usal ko. Nagbabasakali akong may sasabihin siya na magkokoneksyon patungkol sa mundo ng mga tao.






"Kasi ayaw ko lang." sagot niya. Kibit-balikat pa niyang sagot. Napaka pilospo !





Pero hindi ko maiwasang makangiti at mapatawa ng kunti. Ano pa ba ang inaasahan ko sa Nuelo na ito. Ang batang suplado at maldito na minsan lang magseryuso at hindi pa umaabot ng buong araw at bumabalik agad sa natural niyang ugali.





Hindi ko siya maiwasang titigan ng isinandal niya ang kanyang ulo sa mesa habang ituwid narin niya ang kanyang mga hita katulad ng ginawa ko kanina.




'B-bakit ang kisig niya.. ANO BA KLARA ! WAG KANG MAG ISIP NG GAN--pero gwapo naman siya araw-araw , ah ? ---KLARAAA !!!! WAG KA NGANG MAG ISIP NG GANYAN ! IKAW'NG BABAE KA ! UMAYOS KA !'





"Keva ?" parang inaatok niyang usal.


"Wala.."




"Tsk." singhal niya.






"Alam kong nabibighani ka lang saking kakisigan , Binibining Klara." pamimikon pa niya. Ngunit ang boses niya ngayon ay parang pagod na kalmado na para ring inaatok. Hahaha ! Ngunit ang sarap pakinggan.





"Tss. Ang yabang mo.." sagot ko. Ngumisi naman siya kaya napangisi narin ako.




"Ay , nga pala. Saan mo nakuha ang bulaklak na yun ?" tanong ko sakanya.





"Sa may patay." sagot niya. "May namatay kasing duwende kahapon. Nakidalaw ako , may libreng pagkain kasi , eh." usal niya na siyang ikinakulo ng dugo ko pati narin tubig sa katawan ko !




ACADEMIA DELA LUNA [ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]Where stories live. Discover now