Chapter 2

45 4 0
                                    

ACADEMIA DE LA LUNA
CHAPTER 2
----


✞︎

"Isa kang tao , gagamitin ka nila para matupad ang kahilingan nila kaya kung may pagkakataon kang tumakas , gawin mo na."




Tahimik lang akong nag hihintay dito sa silid kung saan makakaharap ko raw si Prinsepe Nuelo Lel Luna , ang nag-iisang anak ni Haring Amazo. Ang Prinsepe ng mga engkanto. Pero asan nga ba siya ?




Biglang bumukas ang pinto at niluwal neto ang kawal na naghatid sakin dito sa loob ng Academia.



"M-may problema ba , Kena ?" tanong ko.  Hinihingal kasi siya at pawis na pawis.




𝐾𝑒𝑛𝑎 - 𝑝𝑎𝑔𝑏𝑖𝑏𝑖𝑔𝑎𝑦 𝑔𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑎 𝑛𝑎𝑘𝑎𝑘𝑎𝑡𝑎𝑛𝑑𝑎𝑛𝑔 𝑙𝑎𝑙𝑎𝑘𝑒𝑛𝑔 𝑒𝑛𝑔𝑘𝑎𝑛𝑡𝑜





"Si Prinsepe Nuelo ! " parang natataranta niyang sigaw.




"Kena ?" naguguluhang tanong ko. Ano ba kasi. Para siyang nagmamadali pati ako natataranta.



"Nawawala ang Mahal na Prinsepe ! Prinsipe Nuelo !!!!!" sigaw pa neto.



"Ha ?" ani ko. Hindi ko alam kung tatayo nalang ba ako o kung sisigaw din.




Bukas ang pinto ng silid kaya nakita namin ang mga utusan nila na napadaan.




"Nawawala si Prinsepe Nuelo ! Tulungan niyo akong mag hanap , bilis !" ani ng kawal.




"H-ha ?!"



"Fe !"





"M-mahal na Prinsepe !"




"Prinsepe Nuelo !"




"Nawawala ang Mahal na Prinsepe !!!" nataranta ding usal ng mga ito at sabay nag nagtakbuhan. Naiwan ulit ako sa loob ng silid.





Huminga ako ng malalim at dahan-dahan na naglakad para isara ang pinto. Ng marasa ko na ito at agad kong pinagmasdan ang silid. Baka may mga bagay o impormasyon akong makalap dito na makakatulong sakin sa pagtakas ko.




Walang kahit na ano sa silid maliban sa ginintuan netong mesa sa gitna at sa mga symbolo na nakaukit sa pader.



Sinubukan ko itong basahin pero masyadong malalalim ang mga salita neto ( lenggwahe ng mga engkanto). Agad kong binababa ang gamit ko at kumuha ng lapis at papel. Sinulat ko ang mga salita na sa palagay ko ay may kahulugan na makakatulong sakin. Binilisan ko ang pagsulat ko dito ng biglang may napansin akong parang mapa.



Nakaukit din ito sa pader. Kinuha ko ang mapa na binigay sakin ni Hite at pinag kumpara ko ito sa mapa na nakaukit sa pader.




ACADEMIA DELA LUNA [ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]Where stories live. Discover now