Chapter 12

15 3 0
                                    

ACADEMIA DELA LUNA
CHAPTER 12
----

✞︎


KINABUKASAN




Kunti lang ang naging pahinga ko kagabi. Hindi lang dahil sa sakit ng mga hita ko at ng buong katawan ko , may isa pang dahilan kung bakit hindi ako gaanong nakatulog. At yun ay si Nuelo. Hindi siya mawala sa isip ko.



"Ganito pala yung pakiramdam ng gustong maging kriminal." nakakuyom na palad kong usal habang nakahiga pa ako sa kama.



Eh, sino ba naman kasi ang hindi mauubusan ng pasensya sa Prinsipeng iyon ! Daig pay bata'ng paslit kung mang-asar ! Animo'y hindi binata !


Napalingon ako sa bulaklak at papel niyang iniwan kagabi. Tahimik kong kinuha ang bulaklak mula sa mesa na nasa gilid ng aking kama at tahimik ko itong pinag-masdan.


Mabango ang bulaklak at hindi kahit man napahidan ng sinyales ng pagkalanta kahit kagabi pa ito saking silid. Parang isang hindi-makaraniwang uri ng bulaklak ata ito. Saan naman kaya ito napulot ni Nuelo ?



'Puting bulaklak..Tsk ! Ano ako , patay ?!'



Kahit pikon ako kay Nuelo ay hindi ko magawang punitin ang bulaklak dahil sobrang ganda neto. Binalik ko nalang ito sa mesa at naisipan naring bumangon.


'Makikita ko na naman si Nuelo..'




Kumuha na ako ng damit na pagbibihisan at pumunta ng banyo at naligo na. Hindi ito kagaya ng banyo sa mundo ng mga tao , wala silang kubeta o kung ano man. Maging 'shower' wala rin. Tanging parang maliit na talon (water falls) lang na dumadaloy sa kisame , nagmimistulang maliit na sapa ang banyo pero hindi naman ito umaapaw. May mga maliliit na halaman at bulaklak din sa loob kaya nagmimistula itong maliit na paraiso.


Yung sa bahay ni Keya Hite ay sa munting sapa sa ilalim ng kweba nakalagay ang parang banyo narin. Dun ako naliligo noon at minsan pinapaglitan pa ako ni Keya Hite pag natagalan ako.


Habang nagliligo ako ay pumasok na naman si Nuelo sa isip ko.




'Siguro ang laki ng banyo nung engkantong iyon. Siguro pa nga sinlaki ng kahalati netong palasyo ang silid niya , eh. Ikaw ba naman ang nag-iisang anak ng isang Haring Amazo...'



MABILIS akong natapos sa pagligo at nakapagbihis narin ako. Habang nilalagyan ko ng palamuti ang aking mahaba at kayumangging buhok ay sinasabayan ko ito ng pagnguya ng dahon bilang agahan ko. Hindi naman ako mahilig sa palamuti , kadalasan ay tig dalawang piraso lang ang nilalagay ko saking buhok.


Ng matapos na ako sa pag kain at pag-aayus saking sarili ay naisipan ko ng tumayo para lumabas na. Pero bago iyon , sinigurado ko munang nasa ligtas na lugar ang agimat. Nilagay ko ito sa ilalim ng tela ng pantakip sa dibdib ko para masiguradong ligtas ito.



Ng tapos na ako sa pag-aayus ay nasipan ko ng lumabas. Baka sabihin na namang ng Nuelo na yun na natagalan ako , kahit literal na alas siete palang ng umaga.



ACADEMIA DELA LUNA [ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]Where stories live. Discover now