Chapter 16

15 2 0
                                    

ACADEMIA DELA LUNA
CHAPTER 16
----

✞︎

"Fe. Napalimutan mo atang hindi eko tao." usal niya.

'T-tama siya..'

"Ibig sabihin ilang taon ka ng nandito sa mundo niyo. Hindi ba kayo..naglalaho ?" tanong ko.

"Hindi. Mananatili kaming andito." sagot niya.

"Ganun ba." sagot ko.

"Bakit mo na tanong ? Takot ka bang mawala ako ?"

Napatingin ako sakanya ng sabihin niya yun. Malambing ang tono ng pananalita niya at hindi tonong nang-aasar. Seryuso siya sa sinabi niya.

'Nuelo paki-usap.. Ayaw kong mahulog sayo.'

"H-hindi no. Wag ka ngang mang-asar ! Kaarawan mo ngayon kaya ayaw kong sigawan ka ! Tara na !" nagmadaling usal ko at nauna
ng maglakad.

Sumunod din naman siya sakin. Nakalabas na kami sa palayso at sa di kalayuan ay natanaw na din namin ang mga palamuti nanggagaling sa 'kasiyahan'.

Nang makarating kami doon ay agad akong namangha sa mga parol na panlangit na nakasabit sa mga lubid na itinali nila sa itaas. Namistula itong mga bandiritas. Ang ganda netong pagmasdan at nakakatuwa.

Maraming mga elemento ang nag kanya-kanya aliw sa mga sarili nila. Hindi na ako natatakot na makakita ng elemento at isa pa , dahil kasama ko si Nuelo ay tila ba parang normal lang ang lahat.

"Wag kang mag-alala , hindi ka nila mahahawakan dahil sa agimat mo. At kung may malakas na klase ng elemento mang makakalapit ay hindi ka rin neto mahahawakan kasi kasama mo eko. Ang Prinsipeng pinakamakisig sa mundo ng buong engkanto !" mayabang na namang usal ni Nuelo. Ngunit alam kong pinapatawa niya lang ako.

"Yabang.." sagot ko.

"Totoo namang ang gwapo ko , ah." usal pa niya.

Napairap nalang ako. Hindi na ako sumagot pa nag nagpatuloy nalang kami sa pamamasyal. May iba't-ibang klase ng palaro pa silang isinagawa. Nakakarinig ako ng tawanan at ng mga musika. Meron ring nagsasayawan.

"Halika ka.." hawak niya pa sa kamay ko. Dinala niya ako sa isang kainan na puno ng dahon.

"Mahal na Prinsepe Nuelo ! Maligayang kaarawan !!!" pagbati pa ng kapreng nagbabantay sa kainan kay Nuelo. Hindi naman ito pinansin ni Nuelo pero sa tingin ko ay sanay nadin naman siguro ang lahat ng elemento dito sa ugali ng kanilang Prinsipe.

Kumuha siya ng dalawang piraso at binigyan sakin ang isa.

"Kain !!!!" masiglang usal niya.

Napatawa nalang ko habang nginunguya ko ang dahon. Ang saya niyang pag-masdan.

"Mmmm , ano pa ba ?" usal niya habang tumitingin sa paligid at nag-iisip kung anong sunod na gagawin.

"Tara dun !" sabay hablot na niya naman sakin papunta sa may nagsasayawan at nagpapatugtug ng musika.

Sobrang ingay ng paligid dahil sa mga tawanan ng mga elemento. Makikita mo talaga sa mga kilos nila na masaya sila.

ACADEMIA DELA LUNA [ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin