Chapter 15

16 2 0
                                    

ACADEMIA DELA LUNA
CHAPTER 15
----

✞︎


"Ewan ko sayo , Nuelo !" napikon na talagang usal ko.



"Hindi ako nagbibiro •_• " painosente niyang sagot sakin.




"Ay , basta ! Ewan ! May ilang oras pa naman tayo diba ? Matutulog muna ako !" usal ko at diretsong pumikit.





"Sige." sagot niya.




Hindi na ako kumibo at talagang natulog nalang.  Nagising nalang akong nakita si Nuelo na nakatulog rin pala. Ng tignan ko ang silid ay napansin kong medyo dumilim na.


"Nuelo.." mahina kong yugyug sakanya.



"Nuelo , gising.." paguulit ko.


Mukang mahimbing na mahimbing talaga ang tulog niya. Hindi naman  siya naghihilik pero talagang sobrang himbing ata ng tulog niya na hindi nga siya nagising sa yugyug ko.



"Nuelo , gising na. Gabi na." pagpapatuloy ko sa pag gising sakanya ngunit hindi talaga siya nagigising.



"Nuelo..." usal ko sabay kirot ko pa sa tagiliran niya.


'Ayaw mong gumising , ah.'



"Ah !" ungol pa niya. Yung itsura niya ay parang batang kinurot. HAHAHAHA.



"Gising na." walang ekspresyong usal ko.




"Ang sakit nun ! Kasa !" sabay hawak pa niya sa tagiliran niya.


"Ayaw mong gumising , eh." sagot ko.




"Gabi na ??" parang naguluhan siya bigla. Kakagising niya lang kaya malamang lutang pa ang isip niya.



"Fe. Pwede na siguro tayong lumabas dito sa ilalim." usal ko.



"F-fe." parang naguluhan paring usal niya. Parang hindi niya alam kung anong nangyari. Haha. Nakanguso pa siya na animo'y may sama ng loob kung bakit siya ginising.




"Mauna kanang lumabas." usal ko.


"Fe.." sagot niya naman at agad na gumapang palabas ng mesa.

Lumantad na naman sa muka ko yung pwet niyang mabilog. Gusto kong tumawa pero hindi ko rin magawa. Parang ang kyut lang kasi tignan---teka ano ? 




Ng makalabas na siya ay sumunod din ako agad at gumapang na palabas. Ng makatayo na ako ay nakita ko siyang nagpagpag sa damit niya kaya naisipan ko naring mag pagpag narin.


"Tara na." usal niya at nauna ng maglakad papunta sa ginintuang pinto. Tahimik lang din akong sumunod sakanya.




Binuksan na ni Nuelo ang pinto at nauna na siya. Ngunit bago ako sumunod na lumabas ay sinigurado ko munang nasa dibdib ko parin ang agimat. Ng masigurado ko ng nasa ligtas na lugar ang agimat ay lumabas na ako. Bumungad sakin si Nuelo na nakaharap sakin.


"Keva ?" tanong ko.





Inalay niya sakin ang braso niya na agad ko rin namang tinanggap. Nakahawak ako ngayon sa braso niya habang tahimik kaming naglakad.
Marami kaming taga-paglingkod na nadaan at lahat sila ay nagsiyuko kay Nuelo.



"Prinsipe Nuelo Lel Luna !!!!!!!!!!!" nagulat akong napatingin sa isang taga paglingkod na sumigaw. Habang hingal na hingal na lumapit samin. Batid kong pati si Nuelo ay medyo nagulat din. Ang lakas kasi ng pagkasigaw.




ACADEMIA DELA LUNA [ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]Where stories live. Discover now