Chapter 4

23 3 0
                                    

ACADEMIA DE LA LUNA
CHAPTER 4
----


✞︎





MATAPOS niyang magpakilala at yumuko ay tumingin siya agad kay Haring Amazo. Nakikita at nararamdaman ko ngayon mismo na hindi maayos ang samahan ng mag-amang 'to. Pero bakit kaya ? Ano kaya ang posibling dahilan ?




"Masaya kana , ama ?" tanong niya sa Hari at padabog na umupo.





"Kasa.." pabulong pa na mura na ni Prinsipe Nuelo.




Hindi umimik si Haring Amazo ngumit muli na namang tumawa ng napakalakas ang bungisngis na animoy nakakatawa ang nangyari. Sobrang nalakatinding balahibo talaga ng boses neto na mas pinili ko nalang baliwalain. Tumahimik rin naman ito pagkatapos ng ilang segundong malademonyo netong tawa.

"Klara.." tawag saakin ni Haring Amazo.





"Fe , Haring Amazo ?" magalang na pagsagot ko. Baka kasi ako naman ang mapagalitan.




"Si Prinsipe Nuelo ang magsisilbing gurolo mo simula sa araw na ito. Siya ang magsasabi sa kung ano ang dapat mong gawin sa iyong pagsubok. Ano mang kapalpakan ang magawa mo ay kapalkapan rin ng Prinsipe. Kaya nawa'y magkamabutihan kayong dalawa."




"F-fe , Haring Amazo.." usal ko at bahagyang napatingin kay Prinsipe Nuelo Lel Luna na halos hindi na maipinta ang itsura.





Fe - Oo/Opo/ Magalang na pagsagot







NATAPOS ANG hapunan na kami lang dalawa ng Prinsipe ang naiwan sa hapagkainan. Siya daw ang gurolo ko kaya hindi ako aalis kung wala siya. Ibig sabihin neto ay magkikita at magkikita talaga kami ng malditong-tanga na ito sa araw-araw kahit di ko man gustuhin.




Pero kahit pa ganito siya ay may kunti akong awa para sakanya. Ikaw pa naman ang pagalitan ng isang Haring Amazo ? Talagang mas pipiliin mo nalang maging tuyong dahon.





"Prinsipe Nuelo---" pagbabasag ko sana sa katahimikan ng bigla siyang bumuntong hininga kaya hindi ko na  naipagpatuloy ang nais kong sabihin.




"Magsisimula ang pagsasanay bukas ng umaga sa mismong silid kong saan tayo unang nagkita." diretchong usal niya.




"Fe.." sagot ko at tumayo nalang. Nagbigay galang ako ngunit hindi niya ito pinansin. Tumalikod na ako at naglakad paalis. Iniwan ko na siyang mag isa sa ginintuang hapagkainan.


Imbes na dumiretso sa aking silid ay napag-isipan kong lumabas upang lumanghap ng katahimikan. Mula sa labas ay di lang liwanag ng mga bituin ang napapailaw sa buong paligid ngunit ang ginintuang palasyo mismo na daig pay araw sa kay kinang.



Habang napatitig sa palasyo ay naalala ko bigla si Hite. Ang tanging engkantong naging mabait sakin.



'Kunting panahon nalang Klara , makakauwi ka rin.' bulong ko saking isip.



Habang nakatingla sa ginintuang palasyo ay may naramdaman akong nakamasid sakin.




'Ito na naman siya.'





Una kong naramdaman ang presensya niya nung naglakbay ako papunta rito. Bago paman ako nakarating sa lugar ng Kepo ay naramdaman ko na siyang sumusunod at nagmamasid sakin. Ngunit hindi siya elemento kundi tao.



ACADEMIA DELA LUNA [ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]Where stories live. Discover now