Chapter 20 : Last Chapter

16 2 0
                                    

ACADEMIA DE LA LUNA
CHAPTER 20 : LAST CHAPTER

THIS 20-CHAPTERED-BOOK TOOK SO LONG TO FINISH DUE TO PERSONAL PROBLEMS. BUT DESPITE OF IT , I AM THANKFUL THAT I'M ABLE TO FINISHED THIS ONE.

----

✞︎





"KLARA !!!!" marahang inihiga ni Kino pabalik kay Hesa at agad ako na hinila papunta sa tabi niya.

Ng masulyapan ko si Nuelo ay sabay na nagtindigan ang mga balahibo ko at ang nanlakas na kabog ng dibdib ko dulot lang labis na takot.


Maging ang ekspreyon ni Nuelo ay nagulat rin. Para siyang napako sa kanyang kinatatayuan habang patuloy ang pagpalakpak ng babaeng nakalitaw sa kanyang likuran. Naka-upo ang posisyon neto na ani moy may hindi-nakikitang upuan na nakalitaw rin katulad niya.


Isa itong napakaputing babae , makinis ang kanyang kutis at tila ba sumisilaw siya sa kaputian. Mapula-pula ang kanyang pisngi pati narin ang kanyang labi. Mahaba ang kanyang buhok at puno ito ng nagkikinangang palamuti. Maganda siya at kahawig niya si.....Nuelo.


Napatingin kami pareho ni Kino ng dahan-dahang humarap si Nuelo sa nakalitawng babae sa kanyang likuran. Gulat na gulat ang kanyang ekspresyon na tila ba hindi siya makapaniwala sa tinig na kanyang narinig.



'Nuelo..anong ibig sabihin nito..'



"M-mahika ?" nautal na usal ni Nuelo.




[Mahika Nea Luna Amazo]




'Mahika ? Kilala siya ni Nuelo ?! Ano ang koneksyon nilang dalawa ?!'




"Oh , Prinsipe Luna ! Kay tagal nating 'di nagkita , hindi kaba masayang makita akong muli ?" masiglang usal neto at niyakap si Nuelo na hanggang ngayon ay tulala parin.



"Mahika , anong ginagawa mo rito ? Anong ibig sabihin neto ?!" usal ni Nuelo.



Ngunit imbes na sagutin niya ang tanong ni Nuelo ay bumaling siya samin at nakangisi kaming tinignan ni Kino.



"Magaling ! Napakagaling !" nakasinging usal niya at akmang lalapitan pa kami ngunit bigo niya itong nagawa dahil hinarangan siya ni Nuelo.



"Wag mo silang hawakan !" pagbabantang usal ni Nuelo sakanya.



"N-nuelo.." mahinang sambit ko. Naguguluhan ako sa nangyayari.


"Keva ? Mga hampaslupang tao lang sila na walang ibang ginawa kundi ang kutyain at kamuhian tayong mga engkanto na nagbigay sakanila ng kabutihan noon !" sagot ni Mahika na may halong pagtataas ng boses.



"Mahika  !" tumaas rin ang boses ni Nuelo.





"Luna !" sagot ni Mahika na animoy hindi siya magpapatalo kay Nuelo.



"Prinsipe , anong ibig sabihin ng lahat ng 'to ? Sino siya ?!" tanong ni Kino kay Nuelo. Nabaling muli samin ang atensyon ni Mahika na kanina'y sana kay Nuelo.




"Ito ba ang tinagong bata ng hampaslupang si Hesa ?" pagtutukoy niya kay Kino.




Sakastiko siyang pumalakpak habang dahan-dahang mas lumapit samin.




"MAHIKA ! SUBUKAN MONG HAWAKAN SILA KUNDI---"  galit na usal ni Nuelo.


"----KEVA ?!!!!!" pagpuputol ni Mahika sa sinasabi ni Nuelo. "Anong gagawin mo , Luna ? Wala ka ng kapangyarihan pa !" dagdag na usal ni Mahika.




ACADEMIA DELA LUNA [ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]Kde žijí příběhy. Začni objevovat