Chapter 6

18 3 0
                                    

ACADEMIA DE LA LUNA
CHAPTER 6
----

✞︎





"Prinsipe Nuelo ! Talaga bang may alam ka sa pagsasanay natin ngayon ? O pinaglalaruan mo lang ako ?! Hindi ako aakyat sa puno na iyan lalo pa't ang basa pa ng katawan pati damit ko !" pagrereklamo ko.




Bumuntong hininga siya at muling umupo sa puwesto sa ilalim ng puno na inupuan niya kanina.



"Prinsipe ?!  Keva ?!" sigaw ko.





"Umupo nalang tayo.." malungkot niyang sabi dahilan para matigilan ako sa galit ko. Kunot noo ko siyang tinignan. 'Bat nagbago bigla ang kalagayan netong engkangto ito ?'




'Hala ? Baka napalakas ang sipa ko kanina ?'





"Prinsipe Nuelo , may masakit ba sa inyo ?" tanong ko. Lumingo-lingo lang siya. Kinabahan at nakadama ako ng pag-aalala , pero kunti lang naman.





"Umupo nalang tayo." mahinang usal niya.



Nga pala , engkanto nga pala ito kaya malamang malakas buto neto , eh pati bungo niya nga hindi nabasag nung ilang beses siyang nauntong sa ginintuang mesa. Pero teka nga ? Kagabi ay bigla nalang siyang nag teleport dahilan para mauntog ako sa dibdib niya , pero ba't niya 'di tineleport sarili niya nung nasa mesa siya pati ngayong sinipa ko siya ? Haynaku Nuelo , kay tanga mong engkanto. Tsk. Tsk.


Kahit nagtataka ako sa biglaang pagbabago ng kinikilos niya ay sinunod ko nalang ang sinabi niya. Kahit basang-basa at ang lagkit pa ng katawan ko ay umupo nalang din ako sa kabilang gilid ng puno.


Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa sumapit ang paglubog ng araw. Natuyo nalang ang damit ko at muntikan na akong makatulog ngunit wala talaga kaming imik sa isa't-isa.


"Tapos naba ang pagsasanay ?" pagbabasag ko sa katahimikan naming dalawa.


"Dito muna tayo..." mahinang sagot niya.


"Kanina pa tayong nakaupo dito." walang gana ko ng sagot. 'Pagod na ako , Nuelo.'


"Mag usap nalang tayo." usal pa niya.


Halos umusok na ang ilong ko sa galit.


"Ano namang paguusapan natin ?" pilit kalmang tanong ko. Sa sobrang pagod at pagkainip ko ay wala na rin akong ganang makipag-away pa sa lalakeng 'to.


"Kahit ano." tipid na sagot niya.


"Tsk. Kahit ano ?" parang lasing kong usal. Ewan ko ba basta't pagod na ako sa engkatong eto.


"Fe.." sagot niya at napairap ako ng palihim.


Nagisip muna ako ng mga bagay na sasabihin hanggang sa naisipan kong magtanong sakanya.


ACADEMIA DELA LUNA [ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]Where stories live. Discover now