Chapter 19

13 2 0
                                    

ACADEMIA DE LA LUNA
CHAPTER 19
----
✞︎




"Kumapit ka sakin , Klara.." usal niya. Tumango ako at sinusunod ang sinabi niya.




Isang segundo lang ang lumipas at namulat  ako na nasa harap na kami ng tahanan ni Hite. Sa sobrang pag-aalala ko at naiwan ko si Nuelo dahil nagmadali akong tumabok sa loob.




"Hite ?! Hite ! " tawag ko sakanya.





"Keya Hite ?! Asan ka ?!" bawat sulok ng silid ay tinignan ko na ngunit hindi ko siya mahanap. Ang tirahan na kinalakihan ko ay nagmistulang abandonadong silid na walang ka buhay-buhay.






Naalala ko ang likurang bahagi ng kwebang tirahan ni Hite at agad akong nagtungo roon. Mahina ang daloy ng tubig rito ngunit nangangamoy parin ang bango ng mga bulaklak. Dito ako madalas maligo at pagalitan ni Hite nung bata ako tuwing pumipitas ako sa pinakaiingatan niyang mga bulaklak.






" Keya Hite !!!! Hite !!! Hite !!!" ilang beses na sigaw ko sa pangalan niya.


"Hit---" napatigil ako ng may maapakan akong kamay.



"HITE !!!!!!!!" malakas kong sigaw ng makita kong kamay ni Hite ang naapakan ko. Nakahandusay si Hite sa lupa na nadadaluyan narin ng kunting tubig mula sa sapa. Walang malay si Hite at may hawak-hawak siyang puting bulaklak.






"Hite ?! Hite !!!" naiyak ako sa dahil sa labis pag-aalala. Ang lamig ng buong katawan niya kaya niyakap ko siya. Inaasahan kong mababalik ko ang init sa katawan niya dahil sa yakap ko. Ang lamig niya na tila ba buong magdamag siyang nakahandusay sa malamig na lupa.





"Hite...gumising ka , andito na ako." malambing kong pagising sakanya.







"Hite , si Klara ito..." mahinang usal ko.






Napansin ko ang pagdating ni Nuelo. Hindi na ako nakakibo pa at natulala nalang nakatitig kay Hite habang nakahiga siya sa hita ko.





Napaluhod si Nuelo sa lupa at dahan-dahang kinuha ang puting bulaklak na hawak ni Hite. Hindi paman siya nag salita ay inaasahan ko na ang sasabihin niya.






"Patay na siya , Klara."







Napayuko ako ng bigkasin ni Nuelo ang mga salitang iyon. Napayukom ako sa palad ko habang pinipigilan ko ang pagpatak ng mga luha ko.





'Patawad..Hite...'








Bumagsak rin ang balikat ni Nuelo sa mga sandaling iyon. Pareho kaming nasaktan sa pagkawala ni Hite. Tila ba nawalan ako ng isang Ina. At para kay Nuelo , nawalan ulit siya ng Ina sa ikawalang pagkakataon.




"S-si..Hesa.puntahan natin si Hesa.." mahinang usal ko sakanya.






"Fe.." malungkot niyang sagot.






Hindi ko alam kung paano ko pakakalmahin ang pakiramdam niya. Alam kong puno ng galit at hinagpis ang puso niya ngayon. Alam kong mahirap ito para sakanya ngunit hindi ko alam kong paano ko mapapabuti ang loob niya kahit kunti man lang. Gusto kong maramdaman niya na di siya nag-iisa.







"N-nuelo..Ililibing ko muna si Hite. Hindi ko siya iiwang nakahandusay nalang dito." usal ko.






"Fe. Tutulungan kita."





ACADEMIA DELA LUNA [ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]Where stories live. Discover now