Chapter 9

16 3 0
                                    

ACADEMIA DELA LUNA
CHAPTER 9

----

✞︎



Nang makalayo-layo na ako kay Nuelo ay saka ko lang naisipang umupo sa lupa na puno ng tuyong dahon. Bahala na kung madumihan ang damit ko basta ay makapagpahinga muna ako saglit. Dahan-dahan kong inupo ang sarili ko at sinimulan ng masahiin ang hita ko. Sobrang sakit ng buong katawan ko at dumagdag pa si Nuelo kanina. Nasigawan ko tuloy siya.




'T-teka ? Ba't naman ako makokonsensya. Bahala siya ! Totoo din naman talaga yung mga sinabi ko. Pagod na ako dito'




Habang tahimik kong minamasahi ang magkabila kong hita ay naramandaman ko na naman na may nakamasid sakin. Nairap nalang ako ng maramdaman kung si Kino ito.




"Lumabas kana. Alam kong ikaw yan." usal ko.


At dahan-dahan nga siyang lumabas mula sa puno na pinagtataguan niya. Nahihiya pa siyang lumapit sakin. Ng nasa harapan ko na siya ay isang segundo siyang nakipag-titigan sakin.



'Anong tinititig-titig niya ?!'




Tinaasan ko siya ng isang kilay.





"A-ah , eh.." parang natarantang usal niya. Agad siyang umupo sa tabi ko.





"Hinintay mo talagang matapos ang pagsasanay ko. Gaano ba kasi ka-importante ang sasabihin mo sakin ?" tanong ko sakanya.





"Sa katunayan ang dami kong gustong sabihin sayo. Pero hindi ko lang alam kung saan ako mag-sisimula." usal niya.




"Sige. Tatanungin nalang kita." sabi ko . Tumango din naman siya.



"Paano ka nakuha ng kapatid ni Keya Hite ? At bakit ka nila tinago ?" tanong ko sakanya.



"Ako yung batang lalaking nakita mong nakahawak-kamay sa isang babae nung gabing napunta ka rin sa mundo nato. Sabay nila tayong nakuha." pagsisimula niya sa kwento niya.



'Siya pala yun. Yung batang lalake. Yung batang lalakeng umiiyak habang hawak-hawak ng isang itim babae. Habang ako nun ay nag-akalang kaibigan ko ang kasama ko papunta sa puno , na yun pala ay lagusan papunta sa mundo na 'to. '



Nakadama ako ng lungkot ng muli ko na namang maalala ang gabing iyon.



"P-pano ka napunta sa abandonadong bahay na yun ?" tanong ko sakanya.




Sa naaalala ko kasi ay , palagi kaming naglalaro ng mga kaibigan ko sa abandonadong bahay na 'yon. At kung doon man siya nakatira malapit dun edi sana kilala ko siya.



"Bagong lipat na kapitbahay kami ng abandonadong bahay na 'yon. Hapon yun ng makarating kami. Habang nag-aayus pa yung mga magulang ko sa mga gamit namin sa loob ay nakita ko kayo ng mga kaibigan mo na naglalaro. Nagmasid ako sainyo nun hanggang sa naabutan nanga ng gabi."pagpapaliwanag niya.




ACADEMIA DELA LUNA [ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]Where stories live. Discover now