Chapter 18

12 2 0
                                    

ACADEMIA DE LA LUNA
CHAPTER 18
----

✞︎

"Bagay sayo , Klara." nakangiting papuri niya sakin.

Pumasok muli sa isipan ko ang mga binuo naming ala-ala ni Nuelo kagabi. Yung halik at yung ginawa namin hanggang sa mapalitan ng araw ang buwan. P-pati narin ang palamuting ito na suot-suot ko saaking mahaba at kayumangging buhok. Lahat ng mga ala-ala namin ni Nuelo ay nakapinta parin sa isipan ko.

"Halika na." pag-aalalay ko sa kamay ko upang tulungan siyang tumayo.

"Mmm !" lumingo-lingo siya. "Dito eka." pagtuturo pa niya sa tabi niya.

Tumitig pa ako sakanya ng ilang segundo bago ako tuluyang umupo sa tabi niya. Nag-iwan ako ng limang pulgada sa pagitan naming dalawa ngunit tila ba walang puwang ang mga kinauupuan namin.

"Kabisado mo na ang ritwal kaya hindi na kita kailangan pang turuan nun." pagsisimula niya. "Klara.." mahinang sambit niya sa pangalan ko. Nilingon ko siya at hinintay ko ang sasabihin niya.

"Buo na ang pasya kong tulungan kang makauwi sa mundo niyo kahit pagiging prinsipe ko pa ang nakalaan." dama ko ang pagiging disido niya mula sa kanyang boses ngunit may halo itong takot.

'P-pero..susuwayin niya ang ama niya dahil lang  sakin ?'

"N-nuelo." usal ko. Nginitian niya ako na parang magiging maayos lang ang lahat. Ngunit alam kong natatakot siya. Natatakot siya sa kung ano mang kahahantungan ng lahat. Pero tinatago niya ang takot niya sa pag-ngiti at pagtatapang-tapangan.

Gusto ko siyang yakapin...

"Klara , marami akong dapat sabihin sayo ngayon araw na 'to dahil dalawang araw nalang bago ang nakatakdang araw ng ritwal. Ang hiling ko lang sayo ay ang makinig ka sakin." sabi niya.

"Fe.." sagot ko.

Bumuntong hininga siya at ngumiti bago nagsimulang magsalita muli.

"Tungkol kay Inay at sa mga nilalang na nagpalaki sa inyo ni Kino."

Kahit hindi ko na dapat pang ikabigla ay nabigla parin ako ng banggit niya sila Hite pati narin si Kino.

'Alam ni Nuelo ang lahat kaya hindi na ako dapat mabigla..'

Hindi ako nagsalita at hinayaan siyang ipagpatuloy ang pagsasalita niya.

"Si Inay ay malaking kasalungat sa ugali ni Ama. Mabait siya at gusto niya ng kapayapaan sa pagitan ng mga mundo natin. Siya ang nag-alaga sa magkapatid na nakuha ng mga kasamahan namin upang gawing alipin na magsisilbing daan para mabuo ang ritwal. Sila si Hite at Hesa. Sila ang kauna-uhanang mga taong nakuha ng kampon namin mula sa mundo niyo , Klara."

"T-tao ?" nagtaka kong tanong. "Kung t-tao si Hite..b-bakit balikad ang repleksyon ko sa mga mga niya ?" naguguluhan ako.

"Kahit alam ni Inay ang kapalit sa pagsaway niya kay Ama ay ginawa niya paring subukang iligtas silang dalawa. Ngunit hindi kailanman tatapat ang kapangyarihan niya sa kay Ama. Ng malaman ni Ama na sinubukang ibalik ni Ina sila Hesa at Hite sa mundo niyo ay labis siyang nagalit kay Ina at pinarusahan siya na tila ba hindi siya kabiyak ni Ama."

ACADEMIA DELA LUNA [ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]Where stories live. Discover now