Chapter 3

28 3 0
                                    

ACADEMIA DE LA LUNA
CHAPTER 3
----

✞︎




MATAPOS ang eksina namin ng Prinsipe kanina ay agad narin akong dinala ng isa sa mga kawal sa silid na nakalaan para sakin.



May malaking handaan na magaganap kaya nagbihis na ako sa damit na kanila ding inilaan para sa akin.



Ang silid ay gawa ring sa ginto at ang lahat ng gamit sa loob neto. Pati ang higaan ko , kumot , at maging ang kubeta sa banyo. May marangyang damit na nilagay nila sa mismong higaan ko pero naisipan ko paring silipin kung anong klaseng mga damit ang nasa loob ng ginintuang kabinet.




Ng buksan ko ito ay puno ito ng napakakinang na mga damit na daig pay reyna sa kay kapal at kay haba.





'Ano ba ,Klara wag ng maglaro. Mag bihis kana.' bulong ko sa sarili ko.





Hinubad ko na ang damit na sinuot ko kanina ng magtungo ako dito sa Academia. Si Hite pa mismo ang naghabi netong damit na ito kaya ingat na ingat ko itong tinupi at nilagay muna sa gilid ng higaan.




Kinuha ko na ang napakalaki at  napakahabang damit. Ano ito ? Prinsess in a Fairytale theme ??? May theme pala ang hapunan ngayon. Tss.





Habang sinusuot palang ito ay halos mawala na lakas ko kakahila neto pataas para matakpan ang dibdib ko. Grabi naman kasi kay haba neto ! Halos matanggal na braso ko.




'Ho ! Kasa..' mura ko matapos ko itong masuot ng tuluyan.





Pagkatapos kong magbihis ay agad ko ng inayusan ang mahaba kong buhok. Nilagyan ko ito ng mga palamuti at maliit na bulaklak na paparis sa suot kong damit.




Nag matapos na ako sa buhok ko ay agad kong tinanggal ang agimat na nasa 'king leeg at nilipat ito sa aking paa para matakpan ito ng damit ko.


Bigay to sakin ni Hite kaya kailangan ko itong ingatan. At kaya ko ito nilipat sa aking paa kasi manipis na tela ang nasa bandang dibdib ng damit ko at makikita lamang nila ito.





*Clear throats*





Napalingon ako sa bandang pintuan ng aking silid ng marinig ko ang ingay na iyon.




"Halikana." narinig ko ang boses ni Prinsipe Nuelo Lel Luna mula sa labas kaya napangisi ako. Halata kasing pinagalitan siya.




Tumayo na ako at binuksan ang ginintuang pinto at bumungad sakin ang nakakatawang itsura ng Prinsipe.





'Haha pinagalitan. Bleh.'





"Pagbati , Mahal na Prinsipe." sabay yuko kong sabi upang magbigay galang.




"Kasa..." mahinang mura niya. Napangiti ako ng palihim.






'Wag kang mag-alala abnoy dahil ayaw ko rin sayo.'





Maglalakad na sana ako ng bigla niyang inalay ang kanyang braso sakin para hawakan ko ito. Aba'y naging maginoo kasi pinagalitan.



Hindi siya tumingin saakin pero tinanggap ko naman ang pag-aalay niya at tahimik na kaming naglakad papunta sa kanilang napakalaking hapagkainan.



Habang naglalakad kami papunta roon ay yumuyuko saamin ang mga tagapaglingkod na nadadaanan namin. Dahil hindi naman ako isang katulad niya na anak ng Hari ay yumuyuko ako pabalik habang siya sinusungitan lang ang mga eto. Napaka maldito.



ACADEMIA DELA LUNA [ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]Where stories live. Discover now