Chapter 7

13 3 0
                                    

ACADEMIA DE LA LUNA
CHAPTER 7
----

✞︎


Pagkatapos akong iwan ng napaka-maginoong Prinsipe na walang iba kundi si Prinsipe Nuelo ay agad na rin akong tumayo at nag simula ng maglakad. Dahil wala si Nuelo ay tahimik ang buong paligid.





Habang nagmamasid sa mga puno na pumapalibot sakin ay biglang pumasok sa isip ko ang sinabi sakin ni Hite.





"Isa kang tao. Gagamitin ka nila upang makuha nila ang kahilingan nila. Kaya kung may pagkakataon kang tumakas , gawin mo na."




'Hite..' namimiss ko siya.




Kunot noo akong napatigil ng biglang sumulpot sa isip ko si Nuelo at yung tinanong niya sakin kanina lang.



"Gusto mo pa bang bumalik sa mundo niyo ?"


"Gusto mo pa bang bumalik sa mundo niyo ?"



"Gusto mo pa bang bumalik sa mundo niyo ?"

Nagpabalik-balik ito pati narin ang boses at itsura niya sa isip ko.


'Kasa ka Nuelo ! Bakit ka sumusulpot sa isip ko !'





Sa kalagitnaan ng pagmumura ko kay Nuelo sa isip ko ay bigla na lamang akong nakadama ng isang elemento sa likuran ko. Malalalim na buntong hininga ang nailalabas ko habang unti-unti kong nararamdaman na pamilyar ang presensya ng elementong nasa likod ko ngayon.



Dahan-dahan nitong humipo sa balikat ko gamit ang maitim niyang kamay na may mahahabang kuku.




"Ahahaha...." malademonyo netong tawa at pabulong pa ito sa aking tenga.





"Sino ka." tanong ko habang nananatili lamang ako sa posisyon ko. Hindi ko alam kung bakit nahahawakan niya ako. Hindi tumatalab ang agimat na bigay sakin ni Hite sa elementong ito ! Anong klaseng demonyo itong nasa likuran ko ngayon ?!




"Diba sabi ng mama mo na wag magpa-gabi...." bulong niya sa sakin.



Nanlaki ang mga mata ko ng maalala ko na kung sino siya. Kaya pamilyar sakin ang presensya niya dahil siya yung lalaki narinig ko nung gabing iyon. Yung gabi na nagtagu-taguan kami ng mga kaibigan ko !



"Diba sabi ng mama mo na wag magpa-gabi !"



"Diba sabi ng mama mo na wag magpa-gabi !"



"Diba sabi ng mama mo na wag magpa-gabi !"



"Diba sabi ng mama mo na wag magpa-gabi !"




Pa-bilis ng pa-balis at palakas ng palakas ang pagsasalita niya sa mula sa likuran ko habang nakahawak parin siya sa balikat ko. Hindi ako gumagalaw at hinayaan lang siyang magpatuloy sa paulit-ulit na sinasabi niya.



ACADEMIA DELA LUNA [ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]Where stories live. Discover now