Chapter 14

14 3 0
                                    

ACADEMIA DELA LUNA
CHAPTER 14
----

✞︎

"Kung gusto mo ng kapayapaan , bakit hindi mo ito ginawa noon palang ?" tanong ko sakanya.

Bumuntong hininga siya. "Kasi wala akong 'ma-dahilan' sa sarili ko kung bakit ko gagawin yun." sagot niya sakin.

Hindi na ako sumagot pa. Natahimik kami ng ilang segundo at para bang nakakailang ng magsalita. Nabalot ng kaasiwaan ang buong silid.

Napatingin ako sa kamay ko at nakita kong nabahidan din pala ito ng dugo mula sa dahon na bigay ni Nuelo kanina.

'Yung dugo niya ay nasa kamay ko..'

Sa tingin ko alas tres na ng hapon. Mas uminit kasi ang buong paligid. Ibig sabihin ilang oras narin at sasapit na ang gabi.

"Ano nga pala ang ipagdidiriwang ngayong gabi ?" tanong ko kay Nuelo.


"Pagdiriwang sa paghahanda sa malaking piesta na iaalay namin bilang dedikasyon sa buwan." sagot niya.

'May ganun pala dito sa mundo nila ? Ilang taon akong nanirahan dito pero hindi ko alam na may ganito pala sila..'


"May piesta kayo dito ?" tanong ko.


"Fe. 'Pietsa Dedicacion para Dela Luna' ang pangalan ng pagdiriwang." sagot niya sakin.


'Oo nga pala , kweninto nga pala niya sakin noon kung bakit may dedikasyon sila sa buwan. Yun din ang dahilan kung bakit 'Academia Dela Luna' ang ipinangalan nila sa kaharian nila.'


"Hindi ka pa nakakita kung paano kami magdiwang rito , diba ?" tanong niya.

Lumingo-lingo ako. "Hindi pa."

"Sige. Ipapasyal kita pagkatapos ng malaking hapunan." usal niya.

"F-fe.." sagot ko.

"Klara.."


"Fe ?!" usal ko. Kumakaba ang dibdib ko sa engkantong ito ! Bakit kasi paputol-putol din siya ng sasabihin !


"Iusal mo ang sinaulo mo kanina. Gusto kong pakinggan.."

"Keva ? Ang haba-haba nun.." sagot ko. Hindi niya kasi narinig na binigkas ko ang talata kanina habang nag-sasaulo ako. Tahimik ko kasing ginawa ito.

"Sige. Pagtinanong ka ni ama wag kang manghihingi ng tulong sakin---"

"Fe ! Fe ! Fe !" usal ko.

Napansin ko siyang napangiti. Bahala na !

Huminga muna ako ng malalim bago sinimulang bigkasin ang talata na ilang oras kong sinaulo.


"En nombre...Dela Luna at el sirviente al que sirvo...." pagsisimula ko.

"Eko Klara Monika Amanda Agustina.... realizo este ritual como una herramienta que servira....c-como una forma de abrir el tunel entre los dos mundos..."

ACADEMIA DELA LUNA [ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]Where stories live. Discover now