SPECIAL CHAPTER (Murder Series)

404 18 3
                                    

SPECIAL CHAPTER

TUMUNOG ang school bell. Oras na para umuwi. Kanya-kanyang pulasan ang mga estudyante para makipag-unahan sa paglabas ng classroom. Agad isinukbit ni Goner ang kanyang bag at inayos ang suot na eyeglasses sabay sulyap sa maliit niyang wristwatch na sakto lamang sa kanyang palapulsuhan. Nagmamadali siyang nakipagsiksikan palabas. Walang humpay ang pagtakbo niya pababa ng school ground at tila excited na umuwi. Ngunit natigil ang kanyang pagtakbo nang may gumulong na bola sa kanyang paanan. Nahinto tuloy ang kanyang maliliit ngunit mabibilis na hakbang. Naningkit ang kanyang mga mata sa mga papalapit ng bullies. Humigpit ang kapit niya sa strap ng bagpack niyang may tatak pa ni Superman. Ang maliliit niyang mga paa ay tila naparalisado sa loob ng suot na sapatos at mayamaya'y napaatras. Unti-unti nang humahakbang palapit sa kanya ang lider ng mga ito.

"Lampa, pakipulot nga ng bola," maotoridad nitong utos. Hindi natinag si Goner na nakatitig lamang sa kanya.

"Narinig mo ba ang sinabi ko? Pakiabot sa akin ang bola!" singhal nito sa kanya. Galit na ito at halos tumalsik na ang laway. Napapikit si Goner dahil naramdaman niya ang ilang talsik nito sa kanyang mukha. Nakakadiri, sa loob-loob niya.

"Matigas talaga ang mukha mo, ha. Heto ang sa 'yo!" Akma na sana siyang uundayan ng suntok nang makarinig sila ng whistle. Kapwa sila napalingon sa paparating. Tipid na napangiti si Goner matapos makita ang isang pigura ng lalaki na nakasuot pa ng uniporme nito sa Taekwando. Bukod roon, kapansin-pansin rin ang tangkad nito at nasa bibig pa ang pito na ginamit sa pagkuha ng kanilang atensyon kanina lamang.

"Ikaw na naman, Thunder? Pang-ilang violation mo na ba ito, bata? Kasama mo pa ang mga hampas-lupa mong alalay para pagtulungan ang pamangkin ko, ha?" bungad nito sa pabirong tinig nang makalapit sa kanila. Pasimpleng pinulot ng bata ang sarili niyang bola at napaatras kay Goner. Nag-iwan ito ng napakatalim na titig.

"Tito Caleb, tama na," suway ni Goner sa walang emosyon na tono ng boses. Hindi ito pinansin ni Caleb at patuloy na pinangaralan ang mga batang nagtangkang i-bully na naman ang pamangkin.

"Sa susunod na makita ko pa kayo na nilalapitan si Goner, hindi na warning ang matatanggap ninyo kundi flying kick na." Gulat at takot ang rumehistro sa pagmumukha ng mga asungot matapos itong marinig. Namumutla ang mga ito na nagkatinginan.

"Ngayon, ang gusto ko, umalis na kayo sa harapan ko bago pa magdilim ang paningin ko sa inyong lahat. Sa pagbilang ko ng isa, dalawa. . ."

Bago pa matapos ang pagbibilang ni Caleb, kusa nang umatras ang mga bullies at kanya-kanya ang ginawang pagtakbo makalayo lamang sa kanya. Nagpakawala pa ng pito si Caleb at humiyaw.

"Takbo! Baka maabutan ko pa kayo!" sigaw nito at kahit pawisan, nagawa pang humagalpak ng tawa lalo na nang makitang halos madapa ang mga ito. Nang mawala ang mga bata sa paningin, hinarap niya si Goner na nakangiwi na at halos umiling-iling.

"You're a bully teacher. You scared them so much," komento ng bata. Napangisi lamang ang binata pagkuwa'y iniluhod ang kabilang tuhod para maging mas magkapantay sila ng bata. Ginulo ni Caleb ang buhok nito.

"No, I'm not. I'm just protecting you."

"I can protect myself, tito," giit ng bata sa munting tinig. Mas natawa si Caleb dahil napaka-cute nito.

"Your dad will kill me if I let you fight them alone." Napabuntong-hininga siya at agad nang tumayo. Itinago niya ang whistle bago hawakan ang kamay ni Goner. Kapwa na sila naglalakad sa malawak na lawn ng eskwelahan. Ihahatid lang niya ang bata hanggang sa gate ng school dahil paniguradong may susundo naman rito.

"So how's school, little Goner? Nag-e-enjoy ka naman ba?" tanong pa nito na tila nililibang ang bata sa paglalakad. Maririnig ang ibang sigawan ng mga estudyante na kanya-kanyang takbuhan at paglalaro.

Mortala Academy: School of Psychopaths | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon