CHAPTER 12 - DEATH OR DARE GAME

641 36 0
                                    

CHAPTER 12




DEATH OR DARE GAME




"LET'S play a dare game tonight!" nae-excite na sambit ni Cheska habang pumapalibot ang buong Mirk section sa bonfire. Madilim na ang paligid at tanging ito na lamang ang nagbibigay liwanag sa paligid namin. Pinagmasdan ko lamang sila mula sa hindi kalayuan habang naghahanap ako ng signal.

"Dare game lang? Truth or Dare na lang kaya?" nakangiwing giit ni Javed na tumabi kay Pinky.

"Akala ko ba magkapareho lang iyon?" sabat ni Liem na puno ng marshmallows ang bibig. Nakatanggap naman siya ng batok mula sa katabing si Rhona.

"Alam mo, ang bobo mo! Nag-aaral ka ba?"

"Tangina neto!"

"Quiet!" malakas na sigaw ni Ashlene na nakatayo na pala sa gitna nila. Natahimik tuloy sila dahil matalim na titig ang ipinukol nito sa lahat.

"I'll be the one who facilitate. All you have to do is to play," nakangisi nitong anunsyo. Pumalakpak naman si Cheska na parang natutuwa.

"Great! Supportive talaga ni Pres!"

"Wait, pero 'di ba hindi lang dapat ang Mirk section ang maglalaro? Dapat kasali rin ang adviser," Blaize blurted out as she looks at my direction. Otomatiko kong nahawakan nang mahigpit ang cellphone ko. Napangisi lalo si Ashlene. Lahat sila ay nakatitig na rin sa akin.

"Ma'am?"

Mayamaya'y napabuntong-hininga ako at napatango.

"Fine."

"Yown! Yehey!"

Wala naman sigurong masama na makisabay ako sa uso nila ngayong gabi. Besides, mas mababantayan ko ang kilos nila. Ayokong may mangyaring masama ni isa sa amin o may masaktan kahit na alam kong lahat sila, walang matinong pag-iisip.

Lumapit ako at umupo ako sa tabi ni Blaize. Kumakabog ang puso ko. Iniisip ko na lamang na normal silang mga estudyante at gusto lang magsaya ngayong gabi.

"We'll gonna play the truth or dare game. I'll spin the bottle. Kung kanino ito mapatutok, he or she must choose; truth or dare," paliwanag ni Ashlene at pinakita ang walang laman na bote ng softdrinks.

"Cool and exciting," komento ni Lyndon na nakikinig lamang. Napalingon ako kay Manrei. Kanina pa ito tahimik at panay ang check sa cellphone.

"Let's start."

Tumahimik ang lahat. Pinaikot ni Ashlene ang bote. Parang lahat ay tensyonado. Ilang saglit lamang at tumigil ito sa tapat ni Dencio na walang kamalay-malay. Napataas ang kilay nito.

"Truth or dare?" sabay-sabay nilang tanong kaya napatakip pa ito ng tenga. Nakikinig lamang ako.

"Truth?"

"Bakit parang hindi ka sure, pre?" pang-aalaska nitong si Lyndon kaya nagtawanan ang iba.

"Truth nga!"

"Okay, tell me the truth, who killed Mr. De los Santos last night in despedida party?" nanghahamong usisa ni Pinky at malapad na ang ngisi.

Napa-whoa ang lahat pero hindi ata sila marunong makaramdam dahil wala silang pakialam na co-teacher ko ang pinag-uusapan rito. Halos maikuyom ko ang kamao ko dahil sa inis.

Nagkibit-balikat lang si Dencio at nagpakawala ng mala-demonyong ngiti.

"Well, it was me. I just stabbed him at the back. Never thought he would die that easily. Definitely, a weakling," kampante niyang sagot na naging dahilan para matuyuan ata ako ng laway sa lalamunan.

Nagpalakpakan ang iba na parang namamangha pa sa ginawa ng siraulo nilang kaibigan. Halos magngitngit ako sa galit rito sa sulok. Pero hindi ko dapat ipahalata sa kanila. Baka mamaya, pagtulungan na lang nila ako rito. Wala akong laban sa mga ito.

"Good job, Dencio! Napaka-honest mo talaga!" Nag-fist bump sila ni Liem at naghalakhakan.

"Teacher Ezelle? Ayos ka lang?" puna sa akin ni Blaize nang mapansing nakatungo na ako. Agad kong iniangat ang tingin at ngumiti sa kanya.

"H-ha? Ayos lang. Napagod lang siguro ako," alinlangan kong sagot. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa maamo niyang pagmumukha. Mas nairita ako. How come that she has this angelic-face wherein fact she's a demon inside?

"Spin the bottle again!" Hindi katulad ng unang ikot na kaba ang nararamdaman nila, ngayon ay parang excited na ang lahat sa kung kanino titigil ang dulo ng bote.

Natahimik ang lahat nang tumigil ito sa tapat ni Blaize. Sumilay na naman ang tipid na ngiti niya. Hindi mo halatang pumapatay rin ng kapwa demonyo ang demonyong ito.

"Truth or dare, Blaize?" Si Ashlene mismo ang nagtanong.

Hindi siya makaimik. Napansin kong nag-aalinlangan siyang sumagot.

"It's okay if she can't answ---"

"I'll decide," putol ni Ash sa sasabihin ni Pinky. Ngumiti si Ashlene at tinitigan ang hindi mapakaling si Blaize.

"Since you can't decide for yourself, I'll  choose for you then," untag niya. Bigla akong kinabahan. Knowing Ashlene, she's more than a psychopath compare to her other classmates. She can manipulate them in an instant.

"It's a dare game," aniya at nilaro-laro sa kabilang kamay ang isang kutsilyo na hindi ko alam kung saan galing. Siguradong dala niya ito sa biyahe pa lang. Napalunok-laway ako.

Wala ni isang nagsalita.

"Ashlene," suway ko pero sumulyap lamang siya sa akin.

Tumayo siya at naglakad palapit sa pwesto ni Blaize. Dahan-dahan niyang iniabot ang patalim at sinilip ang namumutla nitong mukha.

"I want you to kill Manrei," utos niya dahilan para lahat kami ay mapatingin sa pwesto ng tahimik lamang na si Manrei. Maging siya ay halos mabitawan ang hawak na cellphone dahil sa sobrang gulat.

"Kill him tonight. You're craving to kill someone, right? Kill your first victim now," nanunuyang sambit pa ni Ash. Nanlaki ang mga mata ko. So Blaize was innocent all this time?

Napansin ko ang panginginig ng mga kamay ni Blaize dahil katabi ko lamang siya. Umangat ang tingin niya at unti-unting inabot ng kamay ang bagay na hawak ni Ashlene. Wala ni isang tumututol. Waring nag-aabang pa silang mapanood ang senaryo na may dadanak na namang dugo ngayong gabi.

Nang mahawakan ni Blaize ang kutsilyo, mas napangisi si Ashlene.

"Now, stand up. Prove that you are really deserving to be one of us," pang-uudyok nito kaya hindi na ako nakapagpigil at napatayo na rin.

Agad kong inagaw kay Blaize ang kutsilyo at hinawakan ito nang mahigpit.

"You can play without killing anyone. You stop this stupid dare game and go to your tent now. Sleep! Maaga pa ang mga activities bukas," maotoridad kong utos dahilan para magbalikwasan ang lahat at magtakbuhan papasok sa kani-kanilang tent. Naiwan ako, si Ashlene na parang ayaw magpatinag sa kinatatayuan at si Blaize na namumutla pa rin.

Nagngising demonyo na naman si Ashlene.

"You're always a drawback to us, Ezelle." Naging matalim ang titig niya, umatras at mayamaya'y naglakad na palayo. Naiwan kami ni Blaize na nakatulala.


***

Mortala Academy: School of Psychopaths | COMPLETEDWhere stories live. Discover now