CHAPTER 9 - WHO'S IN THE GRAVE?

674 41 0
                                    

CHAPTER 9



WHO'S IN THE GRAVE?




"THANK you, ate Marie!" I mumbled as I excitedly jumped off her car.

Sandali niyang ibinaba ang suot na sunglasses at ngumiti sa akin.

"No problem, Ezelle." Kumaway na lamang ako matapos niyang paandarin ang sasakyan paalis. Naiwan ako rito sa tapat ng sementeryo. Napalingon ako sa loob at napangiti.

Dadalawin ko na naman kasi ang puntod ng gagong iyon. Hindi ako pinatatahimik maging sa panaginip, e.

Bitbit ang bungkos ng mga bulaklak ay naglakad ako papasok sa nakabukas na gate. Iilan lamang ang mga taong nakikita ko. Kung tutuusin, bilang pa nga sa sampu kong mga daliri. Sabagay, malayo pa naman ang November kaya kaunti pa lang sila.

Tinungo ko ang direksyon kung saan naroon ang puntod ni Caelum. Ngunit bago pa ako makalapit, napatda na ako sa kinatatayuan.

May isang lalaki ang kasalukuyang nakatunghay sa kanyang libingan. Nakasuot siya ng itim na cap kaya hindi ko masyadong makita ang hitsura niya. Pero isang lang ang sigurado ko, hindi siya si Caleb dahil sa pagkakaalam ko, kasama niya ngayon si Khirl.

Nakaluhod ito at inayos ang bulaklak na dala. Pansin kong nilinisan na rin niya ang puntod na nagkaroon na ng crack dahil sa pag-martilyo noon ni Caleb.

Otomatiko siyang napalingon sa akin dahilan para mapatayo siya at akma nang tatakbo. Bago pa siya makatakas, hinablot ko na ang kwelyuhan niya. Nagulat siya sa ginawa ko kaya naitungo niya ang mukha upang itago ang itsura. Mas humigpit ang kapit ko sa kanya huwag lang siyang makatakas.

"Who are you?"

Hindi siya sumagot at pilit pa ring itinatago ang buong mukha.

"I said who are you?! Show me your face!" Hinablot ko ang suot niyang cap at tumambad sa akin ang isang pamilyar na mukha. Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanya.

"M-Manrei?" sambit ko. Napaiwas siya ng tingin.

I know him. He's one of the boys in Mirk section. Hindi ko lang siya madalas mapansin doon dahil napakatahimik niya.

Anong ginagawa niya rito? Kaano-ano niya si Caelum Carter?

"W-What are you doing here?" tanong ko pa kaya mas napatungo siya at hindi makapagsalita. Nabitawan ko ang pagkakahawak sa kanyang kuwelyo dahil sa sobrang gulat.

"M-Ma'am," bati niya. Sa puntong ito ay nakita ko ang bitbit niyang picture at tuluyang nanghina ang mga tuhod ko.

"A-Ano iyan?" Nanginginig niyang itinago ang polaroid sa bulsa niya at akma na muling lalakad palayo pero hindi ko siya hinayaang makatakbo. Hinawakan ko muli siya nang mahigpit sa braso.

"Please, I want to know the truth," pagmamakaawa ko at napakagat-labi. Gusto nang tumulo ng mga luha ko pero pinilit kong magpakatatag.

Alam kong hindi na ako magugulat sa malalaman ko pero kailangan ko pa ring kumpirmahin ang totoo.

Malamig na hangin ang humahampas sa mukha ko habang nakatanaw sa puntod ni Caelum. Kapwa kami nakaupo ni Manrei sa damuhan at naghihintayan kung sino ang unang magsasalita.

"What do you want to know?" he asked. Napapikit ako bago magsalita.

"Everything."

Ilang minutong katahimikan ang namayani pagkatapos ay nagsalita na siya.

"Caelum Carter wasn't really the one who's in that grave. It's my brother, Malcolm. Your former classmate way back in Dolorous," direktang sagot niya dahilan para dahan-dahan akong mapatingin sa kanya na nakaawang ang bibig at may luhaang mga mata.

"W-What?"

He smiled bitterly.

"Caelum's uncle made a deal. He'll take my brother's body and promised that he'll give him a proper burial. Para sa akin, ayos na rin. Kasi kaming dalawa na lang ni kuya ang magkasama. Hindi ko kayang ibigay sa kanya ang maayos na libing. Pinagtabuyan kasi kami ng mga kamag-anak namin mula nang malaman nilang nakapatay si kuya ng inosenteng bata." Huminga siya nang malalim at hinaplos ang lapida.

"Sabi ni sir Truxillo, ipapalibing niya ang kuya ko, sa isang kondisyon." Kumabog ang dibdib ko nang sumulyap siya sa akin.

"Caelum Carter ang ipapangalan sa lapida. Siya ay magiging si Caelum na pamangkin niya. At hindi ang kapatid ko." Halos lumakas na ang kabog sa dibdib ko at nakuyom ang kamao upang pigilan ang emosyon.

"Noong una, hindi ako pumayag." Humalakhak siya nang mahina ngunit bakas roon ang kalungkutan. "Syempre, katawan iyon ng kuya ko. Bakit ipapangalan sa iba? Nasaan ang respeto? Patay na nga iyong tao, ganoon pa ang mangyayari."

"Hindi katagalan, napapayag niya ako. Dahil na rin sa pangako niyang pag-aaralin niya ako sa Mortala. Binigyan niya ako ng scholarship. Naroon ako sa ilang gabing burol ni kuya Malcolm sa mismong bahay niya. He ordered us not to open the casket. Ayaw niyang malaman ng lahat na hindi naman talaga si Caelum ang nasa mismong kabaong." Napatiim-bagang ako.

"Hanggang sa libing ng kapatid ko, hindi ko man lang siya nasilayan. Parang alam mo 'yon? Isang malaking sampal sa akin na ginamit lang niya ang kapatid ko para pagtakpan na namatay si Caelum kahit hindi naman talaga?"

Narinig ko ang pagsinghot niya. Umiiyak na rin siya.

"Ginamit nila ang kuya ko. Ang kuya ko na mismong pinatay ng pamangkin niya," nagngingitngit niyang sambit at naikuyom ang dalawang kamao.

Sa mga oras na ito ay alam ko na at maliwanag na sa akin ang lahat.

It was all a play. The intentionally closed of his casket saying that his face was too damaged and can't be recognized wherein fact, Caelum wasn't stabbed in the face. He's badly wounded in his stomach. I almost hit my head when realization strikes me hard. We're being fooled all these years.

"So, he's really alive all these years. At ang bangkay na nakalibing riyan, walang iba kundi ang kapatid mo." Napatitig ako sa puntod na may nakaukit na Caelum Carter.

Napakatalino talaga ng matandang iyon. Anong dahilan at nagawa niyang itago si Caelum kay Caleb?

"Do you have any idea where he hides Carter? Caleb, his brother has been looking for him all the time," usisa ko pa pero umiling lamang si Manrei at pinahid ang tumutulong luha.

"I don't know. Basta ang alam ko, ginawa niya ang lahat para maitago ang pamangkin niyang mamamatay-tao."

Napakislot ako nang tumayo na siya. Sumunod na rin ako.

"Ma'am, can I have a favor?" aniya. Tumango naman ako habang pinapagpagan ang suot kong pantalon.

"Please don't tell others about this. Ayokong magkagulo pa ang lahat dahil lang rito. Kuya is already at peace now and I don't want to disturb him anymore," sambit niya. Alinlangan akong napatango.

"M-Mauna na po ako," paalam niya, pinulot ang cap at dali-daling tumalilis palayo. Naiwan akong nakanganga at tulala sa gilid ng puntod na hindi naman pala kay Caelum.

Kumirot ang puso ko.

"I want to see you, Carter. No matter how long it will take, I need to find you again," I whispered in the air.




***

Mortala Academy: School of Psychopaths | COMPLETEDWhere stories live. Discover now